July 16
Dear : Krass Kita Alam Mo Ba
Hi? Hahaha. Hindi ko kasi alam kong paano sisimulan, eii. Kaya ayun, ikaw ang mauuna kung susulatan sa lahat ng tao, na kilala ko ako.
Alam mo ba kahit iwas ka lagi? Hindi ako nagsawang palihim kang hangaan. Noong unang pasok ko nong Highschool, ang lungkot ko, kasi diba, ilang taon ka ding naging elementary, puro laro lang at saya.
Kaya medyo, hindi ko pa alam noon ang gagawin. Kaya, nung mag-grade 7 ako, takot ako. Unang pagtatagpo natin, epic fail pa, kasi ang alam ko noon, bakla ka. Hahaha.
Pero noong sumunod na araw na, doon na ako siguro nagkaroon ng kunting paghanga, kasi alam mo yun, unang kita ko pa lang sayo, parang tumigil na ang oras, at parang ikaw lang yung kaisa-isang taong nakikita ko.
I was staring, while smiling at the same time. Para bang nasa cloud 9 ganun.
“Taena, Oiii. Ilag!” sigaw niya pa, pero huli na, tumama lang naman sakin ang isang papel na ginawang bola. Basa pa! Kaya medyo masakit.
“Ayos ka lang?” mahinahon mo pang sabi noon, tapos lumapit ka pa. At tiningnan ung parte ng mukha kong natamaan.
Hindi ko makakalimutan yun, kasi alam mo yun, memories.
“Ahh, oo. Okay lang. Hindi naman masakit, medyo lang” nakangiti ko pang sabi noon. Hahahaha. Medyo hindi pa ako noon makasagot agad kasi nagulat talaga ako.
Hindi sa tumama, kundi doon sa paglapit at pagtanong mo.
“Sige. Ay, sorry nga pala.” huli mo pang sabi noon bago ka umalis, at pumunta na sa pwesto mo.
Akala ko noon, talaga. Masungit ka. Hahaha. Epic nga kasi napagkamalan pa kitang bakla.
Nung mga sumunod na araw, ayon hindi na ulit nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap kasi, hindi naman ako ganun kaingay.
Introvert nga daw, kasi kapag hindi ako kinausap hindi din ako magsasalita. Hindi din ako lumalapit sa iba, para makipagkilala at makipag-usap.
Nahihiya naman kasi ako noon. Isang hamak na babae na simple, at halos walang ka-porma porma. Ganun lang naman ako noon, kaya medyo iwas ako.
Kaso alam mo yun, minsang hinihiling ko na sana makausap ulit kita. Kahit kunti lang, yung tipong hindi matatawag na papansin.
Until one day, my wish is literally granted. Ang ingay niyo kasi noon. Sitting arrangement niyo kasi. Paano eii, kasama mo barkada mo, di maingay kayo.
Di nakuha niyo attention ni ma'am, edi nailipat yung barkada mo ng upuan. Tapos ako naman pinalit na katabi mo, especially transferi ako, edi tsamba daw kasi hindi tayo close, less ingay.
Oo nga, hindi tayo nag-uusap pero, yung katabu mo sa kabila, marunong makipagkilala.
Ahahaha, ayon siya ang unang naging ka close ko, sa lahat ng kaklase natin. Akala ko nga, kung anong trip mo noon, at lagi kang lumilipat ng upuan.
Sabi mo noon. “Ayaw mo sa maingay” tatawa sana ako noon kasi, ikaw din naman maingay.
Kaya, kapag ganun ako lumilipat sa upuan mo at tumatabi doon sa katabi mo. Hahaha. Bukod kasi sa kilala eii, medyo malambot siya. Hahaha. Hindi nga lang halata, pero ang galing niya kasi makipag-usap.
Tapos isang araw, nagpa quiz si maam. One set apart daw, sakto namang nagpalita tayo ng upuan, tapos nakapag-review din yung katabi kong yun, kaya mas malapit kunti yung upuan ko sa kanya, para maka kopya. Kaso, nagreklamo ka.
Sabi mo noon. “Ang lapit mo naman sa kanya, palibhasa Crush mo! Dito ka, lapit ka ng kunti dito sa akin, ang lapit mo sa kanya masyado!” may halo pang kunting inis yung tono ng boses mo noon.