July 17
Dear : MWAPS (Endearment namin ni Bespren)
Mwaps! Alam mo ba? Hindi ko kailanman inisip na, alam mo yun? Ganito ang magiging turingan, yung halos magkapatid na ang datingan.
Dati nga wala pa akong paki, kasi minsan noon nakikinig ka lang kasi nagsasalita ako, akala ko din naririndi kanna, kasi baka nakukulitan ka na sa bunganga ko.
Wala eh, kapag ganito na ako ka-komportable sa isang tao kasi, pinapakita ko na yung kung ano talaga ako.
Katulad nang pagiging madaldal at masiyahin. Hindi ko nga talaga maisip kong bakit eh! Siguro mabait ka, tsaka tanggap ako.
Natutuwa lang ako kasi alam mo yun? Hindi ka maarte, at halos wala kang pake kung ano man o sino man ang maging kaibigan mo, basta't alam mong totoo yun at hindi ka niloloko.
Minsan pa ngang “Ang baho mo Mwapps! Amoy putok ka!” nandidiri mo pang sabi noon. Pero alam ko namang hindi ako ang sinasabihan mo non kundi ung maldita mong kaaway.
Paano kasi! Inaway si Mwapps, tapus nalaman ni Mwaps na may lihim pala yung amoy. Ayon! Wala ka ng nagawa kundi ang asarin siya.
Na ikinatahimik naman ng bibig nang maldita.
Alam mo bang ikaw lang? Sayo lang ako nagkaroon nang kaunting katahimikan, galing sa nakakabagot na mundo. Minsan nga hihiling na lang ako na, na sana makapagpahinga naman ako.
Nakalimutan ko, generous nga pala sila. Hindi nga lang pangmadalian kasi pangmatagalan na. Alam mo namang bilib ako sayo simula pa lang noon. Naging idol kita at naging isang inspirasyon para sakin.
Nagiging takbuhan kita lagi, napakabait mong babaita ka kahit lagi mo akong sinasabihang buraot ako. Alam ko namang way mo yun ng paglalambing.
Sige ito lang masasabi ko, salamat sa lahat Mwapps hah! Mamimiss kita-----
*****
Bigla na lang nagsituluan ang mga luha ko. Ewan ko ba kung bakit, pero habang ini isa-isa ko silang sinusulatan ng mga liham, naiiyak na ako. Wala naman akong magagawa kung ganito na lang ang natitira kong paraan para mag-iwan ng mensahe para sa kanila.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mahirap magsulat ng ganito, lalo na at isa-isa sila. Ito ngang kay mwapps, hindi ko pa natatapos pero gusto ko nang bawiin. Bakit? Ganito kasi iyon.
-flashback.
“Pag ako namatay mwapps, susulatan kita, through email. Kasi katamad magsulat sa papel, sayang lang ng ink” sabi ko.
Alam kong para sa kanya biro ito, pero para sakin ito iyong “katotohanan”. Noong nakaraang linggo ko lang nalaman na may taning na pala ang buhay ko. Hindi ko man lang napansin na lumulubha na pala iyong sakit ko.
Kung bakit ba naman kasi ako nagkaroon nang ganitong sakit. Ayaw ko naman nito, e. Sadyang dumating lang nang hindi inaasahan.
Akala ko dati para lang sa love yang, “dadating nang hindi namamalayan” iyon pala hindi. Para din pala sa taong mamatay na iyan.
dT_Tb
Minsan talaga mapaglaro ang tadhana, kung sino pa iyong gustong mabuhay sa mundo ng matagal, siya pa itong mabilis kinukuha sa lupa, para mamatay. Juskooo, noong past life ko ba, naging masama akong tao. Kauri ko ba iyong nanay— este stepmother ni Snow White noon, kaya ganito ang naging parusa sa akin. Jusko, wag naman sana.
O kaya naman baka iyong evil witch step mother ni Cinderella na may palock lock pa sa pintuan para hindi makikilala ni Prince Charming iyong si ganyan. Mukha naman hindi ko sila kauri.
Si mommy, napakabait tanggap ako. Hindi siya kunsintidor, kung anong mali! Mali! Kung anong tama, Tama. Hindi din niya ako tinuruan kong paano sumagot sagot sa mas nakakatanda, pero kapag sobra na! Aba, may pupuntahan sila.
Si Daddy ko naman, ayon. Ideal Daddy, ideal Husband. Kahit lagi naman akong inaasar ni papa, hindi niya naman ako hinahayaan na mapariwara. Sa totoo lang, para sakin wala nang papantay sa kanya.
“Hah? Walang mamatay. Pero, kung iyan ang gusto mo, bahala ka. Charrot. Pero, hindi nga Mwapps, walang mamatay. Malakas ko okay, if ever man. Tang'na. Wag kang magsusulat sakin dahil susundan kita.” sabi niya. Para naman akong tinurukan nang ilang libong karayom, dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi kaya alam niya. Pero, impossible.
-end of flashback.
Sa pinaka-utak utak ko noon. Akala ko wala siyang alam. Akala ko, trip ko lang iyon na sinasanayan niya. Hindi ko naman iniisip noon na malalaman niya, pero nagkamali ako.
The last time I try to hide this from her, it was failed. She knew, and all this time. She just said that she don't know, what am I talking about. But, that truth is, she already knew.
I love my friend damn much, and I'm not ready to say goodbye to her, in face to face to situation. Kaya kahit ganun, susulatan ko padin siya kasi, kahit alam kong ayaw niya. Kahit alam kong masasaktan siya.
Alam niya iyon.
----To be Continue.. —
A/N : if ever man po na may nagbabasa ng story na ito, HAHAHA. Salamat po na nang marami. Though, hindi ko po siya laging inuupdate, dahil po busy ako sa module, at pag-aalaga ng pinsan. Alam kong hindi niyo need explanation ko, pero gusto ko lang pong sabihin.
(P.S. Iyong willing pong makapagbasa ng Completed story dyan, na ang genre ay parang Rom-Com, ay recommended the story of MissGorJuice. Entitled “They Called it Pag-ibig”.)