Lumuhod ang mga Pangkat ng Ahas at Pusa sa lalaki.
Ngumisi ang lalaki.
“Ang Prinsipe ng Alenua at ang malakas na salamangkero. Hindi ko na sila kailangan. Wala silang pakinabang. Kaya... pakiusap, huwag niyo akong padidismayain.”
“Magiging paki-pakinabang kami sayo! Ikaw ang Diyos namin!”
Natawa ang lalaki sa tugon ng lahat.
‘Diyos, huh... ang tagal na simula noong marinig ko iyon. Pero nang marinig ko ulit ‘yon, nandiri ako. Napakakadiring pakinggan.’
“Diyos? Hindi ako Diyos... isa lamang akong ordinaryong tao, huwag kayong lumuhod sa akin.”
Tinulungan niyang tumayo ang isang batang lalaki.
Dahil din sa sinabi niya ay nagsitayuan ang lahat sa pagkakaluhod.
“Tutulungan niyo ako, hindi ba?” malambing niyang tanong sa Pangkat ng mga Ahas at Pusa.
“Oo naman! Ikaw ang tumulong sa amin sa mga bagay-bagay!”
“Maraming salamat!”
“Noong sinunod ka namin at ginawa namin ang mga payo mo, nagsimulang matakot ang ibang mga pangkat!”
Mas lalo siyang napangiti ng matamis sa lahat.
‘Salamat sa inyo... maabot ko na ang hinihiling ko kahit maraming magsasakripisyo.’
—
“Aalis ka na agad?” gulat na tanong ni Enriquez kay Hermia.
Tumango si Hermia.
“Kung maari, pwede ko bang iwanan sayo ang tatlo?” Nginuso pa ni Hermia sina Dayang na buhat-buhat sina Eli at Teresa.
“I-iwanan mo ulit ako?!” gulat at nagtatampong tanong ni Dayang nang marinig ‘yon. Hindi kumibo sina Eli at Teresa.
Lumapit si Hermia sa tatlo at bumulong.
“Babalik ako, kaya habang naghihintay kayo. Magpalakas kayo. Para sa pagbalik ko, sobrang lakas niyo na at kaya niyo ng mapahina ang mga tuhod ng kalaban hanggang sa matumba sila sa kinatatayuan nila.”
Nakaramdam ng pagkasabik ang tatlo dahil sa binulong ni Hermia.
Napangiti si Hermia at bumalik kay Enriquez.
“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanila,” masigla namang pangako ni Enriquez kay Hermia.
Nakaramdam ng kuntento si Hermia.
—
Mabilis na umalis si Hermia at tumungo sa Bundok ng Kagandahan.
Kailangan na niyang gumalaw at magplano dahil alam niyang hindi basta-basta tatahimik ang may-akda ng The Hero's Sacrifice.
Ngunit sa paglalakbay niya ay may nakaka-awang tao siyang nakasalubong.
“Kawawa ka naman, para kang asong inabandona ng amo,” natatawa niyang kutya kay Mago.
Sumimangot si Mago at hindi nagsalita.
“Bakit hindi mo kasama si Prinsipe Atlas?” dismayado pang tanong ni Hermia.
‘Nakakadismaya naman kung hindi niya kasama si Prinsipe Atlas. Sayang, mas nakakatawa kung pareho ko silang makikitang nakaka-awang nasa daanan.’
“Hindi ako pwedeng sumama sa kaniya dahil kilala ako sa iba't ibang kaharian na kriminal na salamangkero ng dahil sa pag-epal ko sa digmaan ng Alenua at Thelanisus,” mahinang sagot nito.

BINABASA MO ANG
The Rewrites of the Villainess
FantasiaBigla na lamang bumalik si Hermia sa nakaraan at nasubaybayan ang mga pangyayari sa buhay ng kaniyang mga magulang. Nang makabalik na siya sa kasalukuyan, nalaman na lamang niya na patay na ang ina kaya naglakbay siya patungo sa libingan ng ina at d...