Chapter 9

6.8K 465 185
                                    

Napa tingin ako sa cell phone ko ng sunod-sunod itong tumunog. Puro text messages na galing sa Black Society at sa mga hunghang. Binabati nila ako ng Merry Christmas at Happy Birthday.

HCP (Cold):
Happy Birthday and Merry Christmas! Iloveyouu!

HW (Heaven):
Zemiiii! Happy Birthday and Merry Christmas!

LE (Luke):
Happy Birthday and Merry Christmas, hope you'll fine, i'm worried. Please respond to my calls and text messanges.

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa ng mga text nila. Hinanap ko kung may text ba s'ya pero wala kahit tuldok man lang.

Maybe, he's mad at me.

Anong maybe maybe, galit talaga s'ya, pinaalis na nga n'ya ako at huwag na nga daw ako babalik eh.

Bumuntong hininga ako. Inilapag ko ang cell phone ko sa may side table at kinuha ang cake na nasa side table din.

Nilapag ko sa harapan ko ang cake bago sindihan iyon.

"🎶Happy Birthday to me, happy birthday to me, happy birthday, happy birthday, happy birthday to me🎶" Naka pikit kong kanta at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang aking luha bago dumilat. Tipid akong ngumiti bago ihipan ang kandila. "Happy Birthday self." Sabi ko bago buhatin ang cake at ilagay sa mini ref dito sa aking kuwarto. Bumalik ako sa aking kama at humiga bago magkumot at matulog ng may bigat sa aking pakiramdam.

Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cell phone ko. Naka pikit kong kinapa ang cell phone ko sa may side table. Maliit kong dinilat ang aking mata, si Hirein, tumatawag. Kasabay ng pagtawag ni Hirein ay ang sunod-sunod na pagtetext ng buong Black Society member.

I knew it!

Alam na nila na umalis ako. Umalis ako pero hindi nila alam, hindi rin nila alam na may sakit ako. Kahit si Amelia, hindi alam na aalis ako, kaya ngayon ay tinadtad na nila ako ng tawag at text.

Papatayin ko na sana ang cell phone ko ng may makaagaw ng pansin ko. Isang unknown number ang nagtext sa akin. Mabilis ko itong pinindot habang naka kunot ang noo.

09*********:
Mommy?

Hindi ko na sana papansinin iyon ng muli itong magtext.

09*********:
It's me, Yuwen.

Mabilis na nanlaki ang aking mata kasabay nang mabilis kong pagtitipa.

Me:
Yuwen? Ikaw ba talaga 'yan? Paano mo nakuha ang number ko? Bakit alam mo ang number ko? Alam ba ito ng kuya mo?

Kagat-kagat ko ang aking daliri habang inaantay ang reply ng batang ito.

Yuwen:
Tita Klea told me that you left kuya, isn't true, right ,mommy?

Mabilis akong napatitig sa screen ng cell phone ko. Unti-unting tumaas ang kilay ko.

Me:
Kailan n'ya sinabi 'yan, baby Yuwen?

Hindi halata pero naiinis ako sa sinabi ni Klea sa bata, paano nalang kung bigla magalit si Yuwen sa akin?

Sarap n'yang tadtarin, puta!

Yuwen:
Kahapon po. Nagpunta po s'ya dito para alagaan si Kuya Spade.

Mabilis na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Agad akong nagreply.

Me:
Bakit? Anong nangyari sa Kuya Spade mo?

Yuwen:
He's sick, he called you. He crying while calling your name. He said, Zaina baby, i'm sorry, please come back.

PART 2:The Only Girl in Section Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon