Chapter 4

7.4K 484 223
                                    

Ngumisi ito ng hindi ako sumagot. Inayos nito ang nagusot na coat bago ako muling balingan nang tingin.

"Gusto mo bang malaman?" Tanong nito habang may nakakainis na ngisi sa labi.

"Sarap mong yakapin sa leeg hanggang sa hindi kana makahinga." Inis kong sabi dito. Nakakainis talaga ang matandang 'to! Sarap kalubuhin.

Imbis na tumawa ay nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "Alam mo ba na palihim kang pinasusundan ni Smith sa mga bata n'ya nung panahon na unang pasok mo palang sa kanila?" Natigilan ako, alam akong sinusundan nila ako pero hindi ko alam na si Spade ang nagpapagawa no'n.

Hindi ako umimik kaya nagpatuloy ito.

B-Bakit?

"Alam mo ba kung ano ang dahilan n'ya?" Muli itong tumawa nang hindi ako sumagot. "Dahil akala n'ya katulad ka ni Klea, 'yung ex-girlfriend n'ya na niloko s'ya   at ginamit ang buong Section G para makakuha ng milyong-milyong pera." Ngumisi ito sa akin. "But wait, there's more."

"Alam mo bang pinagpustahan ka nila? Pinagpustahan ka nila kung kanino ka unang magkakagusto dahil alam nitong matibay kang babae at mahirap makuha sa mabubulaklak na salita. Pinagpustahan ka nila para sa kanilang kasiyahan, habang ikaw ay tuwang tuwa na kasama sila pero ang hindi mo alam ay pinapaikot kalang nila, lalo na si Smith." Biglang sumikip ang dibdib ko sa mga naririnig ko at nagsimulang mangilid ang aking mga luha.

T-Totoo ba? P-Pinagpustahan l-lang nila a-ako?

"Peke lang ang pinakikita nila sa'yong  pagtrato. Alam mo bang ang talino mo pero ang bobo pag dating sa pagkilatis ng mga taong malalapit sa'yo. Tsk tsk tsk!" Naiiling na sabi nito bago ngumisi. "Mahina ka, mahina kang nilalang, bata."

"At si Smith?" Matunog muli itong ngumisi. " Niloloko ka lang n'ya, alam mo ba kung bakit s'ya umalis at iniwan ka? Dahil para sa ibang babae." Doon na tuluyang naglandas ang aking mga luha kung saan kanina ko pa pinipigilan.

Hindi naman n'ya magagawa 'yon, 'diba?

Ngumisi ito nang makita n'yang umiiyak na ako. "H-Hindi n'ya magagawa s-sa akin 'yon!" Galit kong sigaw dito pero nginisian lang n'ya ako. "Hindi nila magagawa sa akin 'yon! Sinisiraan mo lang sila sa akin! Tarantado kang panot ka!" Nang gagalaiting sigaw ko dito.

Nginisian n'ya lang ako habang  naiiling.
"Sa kasalanang ginawa nila sa'yo, pinipili mo paring magbulag bulagan at magbingi bingihan. Kung hindi ko pa sinabi sa'yo ang totoo, habang buhay ka nilang lolokohin at magmumukha kang tanga sa paningin nila dahil alam nilang madali kang maloko." Sabi nito bago nakangising lumapit sa akin. Tinanggal n'ya sa kan'yang bibig ang kan'yang tabako bago ilapit at pasuin ang aking pulsuhan.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pagsigaw, lalo akong napaluha nang diinan n'ya ang pagkakalapat ng kan'yang tabako sa aking pulsuhan.

Humalakhak ito ng makita akong nagdudusa sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.

Hayup!

Ngumisi ito muli sa akin. "See yah." Sabi n'ya bago tuluyang lumabas nang silid.

Naiwan naman akong lumuluha, ang kaninang tahimik kong pag-iyak ay naging paghagulgol.

Mariin ang pagkakakuyom ng aking mga kamao habang humahagulgol. Nagtatalo ang puso at isip ko nh dahil sa sinabi ni Mr.Panot.

Totoo kayang niloloko lang nila ako?

Umiling iling ako pero hindi naniniwala ang puso ko.

Mabilis akong natahimik ng may marinig akong sunod sunod na putok ng baril. Napatingin ako sa may pituan nang pumasok 'yong lalaking nasa passenger seat kanina. May hawak na itong baril.

PART 2:The Only Girl in Section Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon