1

2.3K 65 18
                                    

1

Paikot-ikot siya sa harapan ng salamin at di mabura ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakikita ang puting-puti niyang kasuotan.

"Send ko kay Mommy." Masayang sambit niya atsaka niya kinuha ang kanyang phone at kumuha ng litrato habang suot ang kanyang white nursing uniform na susuotin niya para sa kanilang capping, pinning and candle lighting ceremony.

Kaya naman excited na excited si Carmela kinabukasan. Lumuwas ang kanyang Tita Riza at ang kanyang kapatid na si Zoey para mapanood ang importanteng seremonyas na ito.

"Mabuti na lang at next week pa lang ang pasok ni Zoey kaya nakapunta kami." Hindi rin mabura ang ngiti ng kanyang Tita Riza na isa ring nurse sa Bacoor kung saan talaga ang kanyang pamilya.

Yumakap si Zoey sa kanya, "Ang ganda-ganda mo, Ate. Di kaya mafall naman mga aalagaan mo sa ospital?"

Ngumisi naman siya at marahang kinurot sa pisngi ang kapatid, "Bolera ka, Zoey. Dadagdagan naman ni Mommy allowance mo, di mo na kailangang kuhanin yung sa akin."

Sumimangot ang kanyang kapatid, "Grabe ka naman. Totoong compliment kasi 'yun eh."

Hinawakan niya sa magkabilaang kamay ang kanyang Tita Riza at si Zoey, "Tara na po sa Abbey Church." Pag-aaya niya sa dalawa at nagtungo sa lugar kung saan gagawin ang school activity.

Halos tuloy puro mga nakaputi ang nakikita sa loob nang napakagandang simbahan na nasa loob mismo ng San Beda University.

Nakita rin niya ang kanyang kaibigan na si Mitch Sabalza na kasa-kasama ang kanyang pamilya rin.

"Hello po, Dr. and Dra. Sabalza." Nagmano siya sa mga magulang ni Mitch.

Nakangiti si Dra. Sabalza sa kanya, "Gorgeous as always. Being a nurse would definitely suit you, hija."

Lumapit naman si Mitch, "Picture tayo."

"Sige."

Nakipagpicture siya kay Mitch sa pamilya niya pagkatapos ay pumuwesto na sila dahil magsisimula na ang seremonyas.

Tuwang-tuwa sina Carmela at Mitch dahil director ng nursing department ng Foillan-Griffin ang kanilang guest speaker, lalong motivated si Carmela sa kanyang inaaral na kurso.

Umabot ng isa't kalahating oras ang seremonyas. Pagkatapos ng event na iyon ay dumiretso sila sa Casa Roces upang maicelebrate ang kaganapang ito.

"Two more years then board exam, I'll be a licensed nurse, Dad." Nakangiting sambit niya habang kausap ang ama sa isang video call at pati ang kanyang ina na nasa ospital pa rin ngunit break time kaya nakakausap niya.

"I'm so proud of you, pumpkin." Sambit ng kanyang Daddy Richard na parang maiiyak pa yata.

"Dad, it's not Ate's graduation yet." Sabat ni Zoey na masarap ang kain at sila ay nagtawanan.

Pagkatapos niyon ay dinala muna niya sa kanyang nirerentahang condo ang Tita Riza niya at kapatid.

"Kapag college na 'ko, Ate. Dito rin ako magrent."

"Oo, malay mo, hindi na rent. Pwede kasing rent to own din sa Towerex." Sagot naman niya sa kapatid.

Hindi rin naman nagtagal at nagpaalam na rin sila at kinailangan nang bumiyahe pauwi ng Bacoor.

Napabuntong-hininga naman siya nang maging tahimik at mag-isa na lamang siya sa kanyang tinutuluyang condo.

Dahil tinatamad na magluto ay naisipan niyang lumabas at pumunta sa malapit na Japanese restaurant.

HRS8: Saved for A Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon