5

1.2K 53 29
                                    

5

Tamad na tamad pa siyang bumangon pero ang alarm ng kanyang phone ay napipilit siyang bumangon kahit pa Sabado naman at wala siyang pasok.

She yawned loudly and stretched her arms and neck. "Mmm."

Kahit weekend ay hindi iyon sasayangin ni Carmela para gumawa ng kanyang mga school works. "Let's see." Lumapit siya sa may study area ng kanyang kwarto upang tignan ang kanyang to-do-list. "Kailangan ko pa lang makapag-grocery ngayon."

Kaya naman nagbihis siya ng simpleng shirt at dolphin hem na denim shorts upang pumunta sa may malapit na Waltermart branch kung saan siya madalas mamili.

Abala siya sa paglalagay ng gamit sa kanyang sling bag nang tumunog ang kanyang tiyan, napahawak siya roon.

"Doon na lang siguro ako kakain." Sambit niya sa sarili at muntik mapatalon dahil sa biglang pagtunog ng kanyang phone.

Di niya mapigilang ngumiti dahil si Andrei ang tumatawag. Tumikhim siya at sinagot ang tawag, "Hello."

"Good morning." Bati ni Andrei at pigil ni Carmela ang pagngisi nang malapad.

"Good morning. Kamusta ang lakad mo kagabi?" Tanong niya at naupo pa sa may dulo ng kama.

"Late na ako nakauwi. Have you eaten breakfast already, Carmela?"

Sumagot naman siya, "Ahm, hindi pa. Paalis din kasi ako, doon na lang ako kakain."

"Right, schedule nang pamimili ng grocery mo ngayon."

Suminghap naman siya, "Bakit alam mo?"

Maiksing tumawa si Andrei, "We've done it twice. I remember your usual grocery shopping schedule when you told me about it."

Butterflies in her stomach are partying now. Hindi niya akalain na pati ang ganung mga detalye ay binibigyang pansin ni Andrei. "Ah. You have a good memory then."

"Let's have a cup of coffee first at my place. Magpapalit lang ako ng damit at sabayan na rin kitang mamili."

"S-Sasabay ka?"

"Mmm. Hindi ba pwede?" Mahinang tanong ni Andrei.

Umiling naman si Carmela, "Pwede. Sige, sabay tayo."

"Great. You know the passcode. Just come to my place."

"Okay."

Pagkatapos ng tawag ay kaagad niyang sinipat ang sarili sa salamin tapos ay todo spray ng pabango atsaka na siya nagtungo sa unit ni Andrei.

Pagkapasok niya ay ngingiti pa niyang isinara ang pintuan pero nawala iyon bigla at napasigaw dahil sa isang pagtahol at sa asong nasa harapan niya.

"ANDREI!" She screamed at the top of her lungs and sat on the floor.

Takot na takot niyang tinitignan ang isang Siberian Husky na naupo sa tapat niya at titig na titig sa kanya. 

Ngayon ay parang nakangiti ang aso pero natatakot pa rin si Carmela dahil isa siyang estranghero at baka mamaya ay lapain siya ng aso ... kahit pa napakacute nito sa kanyang bandana collar.

 kahit pa napakacute nito sa kanyang bandana collar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HRS8: Saved for A Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon