25 (The Final Chapter)

1.4K 44 24
                                    

25 (The Final Chapter)

Nang tumigil ang sinasakyan niyang cab ay sinuot niya kaagad ang kanyang coat sapagkat medyo malamig ang klima kahit pa spring season ngayon sa Canada.

Nakatingin siya sa isang kulay white na steel gate na may arko sa itaas. "New Chapters." Nang magsalita siya ay may namuong usok pa sa kanyang bibig.

Napatingin siya sa hawak-hawak niyang bouquet at napangiti dahil ang ganda nang pagkaaayos ng mga ito.

Kaagad siyang lumapit sa may gate at may isang guwardiya ang lumapit sa kanya. Kaagad namang naikumpirma ang kanyang appointment sa New Chapters.

Habang nakasakay siya sa isang two-seater cart ay di maiwasang mamangha ni Andrei dahil sa napakalawak na flower fields at mga nagtataasang mga pine trees sa palibot ng lugar.

Tumigil sila sa tila isang malaking residential manor, sa pagkakaalam ni Andrei ay aabot isang daang kwarto ang meron sa loob pwera pa ang kusina at kung ano-ano pang facilities.

"Attorney."

Nakita niya si Dra. Gopez na mukhang gumagawa ng kanyang rounds. "Dra. Gopez, it's nice to see you again."

"I know!" Masayang sambit ng doktor at napatingin sa bitbit niyang mga bulaklak, ngumiti lalo ang doktora at hinarap siya, "It's been what? Half a year, right?"

Tumango si Andrei at napatayo nang matuwid, bigla ay dinalaw siya ng kaba. "May appointment po ako sa kanya."

"Well, just by looking at those flowers, I know already. Ako na ang magdadala sa'yo sa kanya. She's at the flower fields."

Lalong lumalala ang kanyang kaba habang sinusundan niya si Dra. Gopez, pero bigla ay kumalma siya nang mapadpad na sila sa sinasabing flower fields ni Dra. Gopez.

"Beautiful, isn't it?" Nakangiting tanong ni Dra. Gopez dahil nakita nitong natulala siya sa lugar.


Nagsimula silang maglakad ni Dra. Gopez sa isang nagsisilbing aisle o lane sa pagitan ng flower fields. Hindi pa niya nakikita ang hinahanap nang may tumawag kay Dra. Gopez at hinahanap na siya sa manor.

"Just go straight, hijo. Hindi ka naman maliligaw. She's gathering flowers alone." Paghahabilin ni Dra. Gopez atsaka nagmamadaling iniwan na siya.

Naglakad ulit si Andrei ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na kumuha ng litrato. Napangiti siya sa kanyang mga kuha at naisipang ipost iyon bilang IG story.

Napalingon ulit siya sa lugar, kitang-kita niya mula sa kanyang kinatatayuan ang magagandang bulubundukin. "This is amazingly crazy." Hindi niya mapigilang isatinig iyon.

It's always on a night like tonight

I thank God you can read my mind

His heart started to beat so fast when he heard an angelic voice singing that sweet song. Sinundan niya ang boses.

'Cause when you look at me with those eyes

I'm speechless

Umawang ang kanyang bibig habang nakikita ang magandang babae na nakasuot ng baby blue dress, may suot-suot din itong summer straw hat.

Dahan-dahan pa siyang naglakad kaya mas klaro na sa kanya ang boses at ngayon ay tinitigan niya ang mas gaganda pa sa mga bulaklak at sa tanawing nakikita.

You already know that you're my weakness

After all this time I'm just as nervous

Every time you walk into the room

HRS8: Saved for A Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon