2012
Habang nasa bus, pinagmamasdan ni Jigs ang mukha ni Ron na syang katabi nya. Tahimik ito. Hindi nya masabi kung ano talaga ang nararamdaman nito.
"Masaya kaya sya?" Tanong ni Jigs sa sarili.
Jigs: Pag magkasama na tayo sa bahay, walang anuhan ah? Anuhan lang dapat.
Ron: Anong anuhan? Hahaha!
Jigs: Ayoko ng masakit. Hahaha!
Ron: Wag ka mag alala. Hahaha! Ako ang bahala.
Jigs: Anong ikaw ang bahala? Eh kung ikaw ang ganunin ko?
Ron: Kung kaya mo. Hahaha!
Mainit na sikat ng araw sa gitna ng EDSA - ito ang sumalubong kay Ron at Jigs nang sila ay magkasabay na lumuwas pa-Maynila.
Ron: Kups, ang init. Tara muna sa Robinsons Galleria.
Dahil nasa tapat na rin lang sila ng nasabing mall kung kaya't mabilis pumayag si Jigs.
Jigs: Sige kups, iwan na din muna natin dun yung gamit natin bago tayo humanap ng bahay.
Napakadami nilang bitbit na gamit. Mga damit, pagkain, gamit pangluto at kung ano ano pa. Matagal na nilang plano ang magtrabaho sa Maynila. Parehas silang nakatapos sa kolehiyo at naging magkatrabaho sa iisang kumpanya sa probinsya bago naging lovers at magdecide na lumuwas.
Bukod sa mga dalang damit, dalawang bagay ang mas higit na importante na hindi nila nakalimutan dalhin bago umalis - pangarap at pag-asa.
Umaasa sila na dito magsisimula ang buhay nila na mas maayos, mas masagana at mas masaya na magkasama.
May malalaking bag, may sako bag kung tawagin, may mga plastic bags. Sa unang tingin, iisipin mo agad na galing silang probinsya. Ang perang dala ay galing sa huling sahod mula sa dating kumpanya, saktong sakto lang para sa upa ng apartment, pamasahe at pangkain hanggang makahanap ng mapapasukan sa Maynila.
Ron: Grabe, late na tayo dumating, ang init na tuloy. Pano kaya tayo maghahanap ng bahay nyan?
Jigs: Inom lang muna tayo tapos magpayong na lang.
Ron: Di ba tayo kakain muna?
Jigs: Ano ka ba, hanap muna tayo ng bahay. Pag di tayo nakahanap, san tayo matutulog?
Wala na rin nagawa si Ron kundi ang pumayag sa gusto ni Jigs. Alam nyang iyon nga ang tama.
Ang daming magagandang damit sa mall, di mabitawan ng tingin ni Ron.
Si Ron ay chinito, maputi, matangkad, maganda ang boses, matalino at mahilig magbasa. Si Jigs naman ay chinito din pero mas maliit at maputi din pero di kasing puti ni Ron. Mahilig sya magdrawing at mas matured mag-isip.
Iniwan na muna nila ang kanilang mga gamit sa baggage counter bago sila nagpasya na lumabas at maghanap ng uupahang apartment. Nagpunta sila sa gawi ng Shaw, naglakad lakad sa gitna ng init ng araw. Nang walang makita, bumalik sila sa Galleria at muling nagpalamig at nag-isip. Naisip nila na dapat sa gawi lang ng Ortigas sila makahanap ng bahay para malapit sa mga business centers at madali makahanap ng trabaho. Muli silang naglakad papunta naman sa gawi ng New Manila, QC, malapit sa Greenhills. Napakadami nilang napagtanungan pero wala talaga silang makita. Hapon na ng mga panahon na iyon at kinakabahan na sila. Hanggang sa may lumapit sa kanila.
Manong: Naghahanap daw kayo ng bahay? May alam ako.
Jigs: Talaga po?
Sinamahan sila ng lalaki na sa loob ng isang eskinita papunta sa loob ng isang squatters area. Nakilala nila ang isang ale at ipinakita ang isang maliit na kwarto. Kasyang kasya lamang sila. Para itong isang attic. May hagdanan mula sa baba at pag-akyat ay diretso na sa kwarto. May isang bintana na pag binuksan ay puro yero ang makikita. Kahit ganun ang kalagayan ng lugar na iyon, ang mga tao ay magkakakilala at mababait.
Maliit lang ang upa ng kwarto kaya nagpasya na silang kunin. Plano nila na lumipat din agad pag nakahanap ng trabaho. Mabilis nila kinuha ang mga gamit at naglipat sa bagong kwarto.
Masayang masaya si Jigs. Natutupad na ang kanyang pangarap na buhay kasama si Ron.
Mabilis nakatulog si Ron, marahil ay dala ng pagod na pinagdaanan sa maghapon. Pinagmasdan ni Jigs ang mukha nito mula sa kaunting liwanag na meron sa kwarto.
Pag gising ni Jigs kinabukasan, nabigla sya ng makitang wala na syang suot na pang ibaba habang si Ron naman ay mahimbing pa ding natutulog. Napansin din nyang masakit ang kanyang lagusan.
Agad nyang ginising si Ron...
Jigs: Anong ginawa mo ah? Sabi ko sayo ayoko ng ganun!!!
Ron: Hahahah! Huh? Wala akong ginawa.
Jigs: Ilabas mo yan, puputulin ko yan!
Ron: Hahahah! Wag naman, kailangan natin to. Hahahaha
Maaga silang lumabas upang maghanap ng trabaho. Nagtungo sila sa Shaw upang mag-walk in sa isang call center. Alam nila na mahihirapan silang makapasok pero kailangan nilang magtry upang masanay silang sumagot sa mga interview. At tulad nga ng inaasahan ay hindi sila natanggap. Di manlang sila umabot sa final interview. OK lang sa kanila iyon. Mabilis sila lumipat sa ibang building at naghanap ng mapapasukan. Nakatatlong company sila sa loob ng isang araw at inabot na sila ng gabi ngunit wala pa din silang nakita.
Kinabukasan ay sa Ortigas naman sila nagtungo. Matapos ang tatlong company interviews, huminto na ulit sila at nagpasyang umuwi.
Lumipas ang limang araw ngunit wala pa din silang nakikitang trabaho. Pinanghihinaan na si Jigs dahil nauubos na ang kanilang dalang pera.
Jigs: Patusin na kaya natin kahit hindi sa call center? Kahit 6 months lang.
Ron: Ikaw bahala, pero ako sa call center ko talaga gusto.
Jigs: Wala na nga tayong pera.
Ron: Di ka ba makakahiram sa kapatid mo?
Nagpasya nga si Jigs na humiram muna sa kapatid nya.
Dahil weekend kinabukasan ay nagpasya muna sila na libutin ang Maynila. Nagpunta sa Mall of Asia at nagliwaliw kahit walang pera.
Matapos ulit ang tatlong araw na paghahanap ng trabaho na wala pa din silang makita ay tuluyan nang pinanghinaan si Jigs.
Jigs: Bumalik na lang kaya tayo sa probinsya, kups?
Ron: Ano ka ba, makakahanap pa tayo.
May nakilala silang isang babae na kasabay nag-aapply.
Ate: Nagwowork ako sa Alpha. Kumukuha sila ng mga walang experience pero di masyado mataas ang offer. Try nyo dun.
Jigs: Talaga ate?
Wala silang sinayang na oras at dali daling nagtungo sa Alpha at nag-apply. Nakapasa sila parehas sa HR interview at si Jigs ay pinadala sa isang Financial Account para sa final interview habang si Ron ay sa Hospitality account naman.
Matapos ang interview ni Jigs, laking gulat nya ng makita si Ron sa labas.
Jigs: Bakit nandito ka? Di ba sa kabila ka pinadala?
Ron: Bumagsak ako dun eh. Nilipat ako dito.
Matapos ang ilang oras na paghihintay, laking tuwa nila na parehas silang natanggap sa nasabing account.
Bumalik muna sila sa probinsya habang naghihintay sa kanilang start date sa trabaho.
Bagong trabaho, bagong mga makakasalamuha. Maitatago kaya nila ang kanilang tunay na relasyon?
BINABASA MO ANG
HIT ME AGAIN (Be careful of what you wish for)
General FictionAng tanging hiling nya ay makabalik sa nakaraan at makasama ang ex-boyfriend na nanakit at nanloko sa kanya. Paano kung magkatotoo ang kanyang hiling, matutuwa ba sya o magbabalik lamang ang lahat ng sakit? Paano nya mababago ang kanilang sad ending...