First Trip

64 0 3
                                    

First Trip

Ron: Uwi na tayo.

Jigs: Uwi? Kadadating mo lang ah. Hinintay ka namin ni Mark. Inom muna tayo.

Ron: Tumayo ka na dyan.

Binitbit nga ni Ron si Jigs pauwi at wala na itong nagawa kundi sumunod. Walang kibo namang naiwan si Mark sa table na tila ba di makapaniwala sa nasaksihan.

Binawalan na din ni Ron na sumama si Jigs kay Mark. Para di na humaba pa ang usapan at para di masira ang tiwala ni Ron kay Jigs, sinunod na lamang nya ito at iniwasan na din si Mark sa opisina nila.

================

Lumipas nga ang ilang araw at naging maayos naman ang naging takbo ng relasyon ni Ron at Jigs.

Jigs: Malapit na pala yung Cebu trip natin. Kailangan na natin bumili ng susuotin natin dun.

Ron: Sakto, meet natin yung tropa kong taga Cebu.

Jigs: Si Rain? Wag na uy. Ang dami natin gagawin sa Cebu. Magbo-Bohol pa tayo.

Ron: Imi-meet lang naman.

Jigs: Hinde.

Nang dumating sila sa Cebu kasama ng mga barkada nila, tahimik lamang si Ron. Alam naman ni Jigs ang dahilan kung kaya't pilit nyang nililibang si Ron pero ramdam nya na gusto talaga ni makita ang kanyang kaibigan na taga-Cebu. Ang kaibigan na nakilala lamang nya sa pamamagitan ng isang interactive mobile game.

Masayang masaya si Jigs kasi ito ang unang out of town nila ni Ron. Kahit madami silang kasama, nag-enjoy pa din sya. Mas magiging masaya sana sya kung mawawala ang topak nito.

Isang gabi, habang ginagamit ni Ron ang kanyang phone, napatingin si Jigs sa screen at nabasa nito ang mensahe ni Rain:

"Sabi ko naman kasi sayo magkita tayo dito sa Cebu pag tulog na yang si Jigs eh. Kaso wala na, nasa Bohol na kayo."

Di maipaliwanag ni Jigs ang sakit na naramdaman sa kanyang nabasa. Binalak ni Ron na iwan sya sa hotel para lang makita ang kaibigan.

Kaibigan nga lang ba talaga?

Nang tulog na ang ibang mga kabarkada ay kinausap ni Jigs si Ron tungkol sa kanyang nabasa.

Ron: Wala yun. Sabi ko naman kasi sayo gusto lang namin magkita.

Jigs: Iiwan mo talaga ako sa hotel para lang makita sya?

Ron: Wala naman kaming gagawing masama.

Jigs: Eh di isama nyo ako.

Ron: Wala na nga. Nasa Bohol na tayo. Tumigil ka na kups.

Di pa rin mawala sa isip ni Jigs ang nabasa kahit hanggang nakabalik na sila sa Maynila. Dahil dun ay lagi na nyang iniisip kung ano pa ang ibang pinag-uusapan ni Ron at Rain.



===========================



Lumipas pa nga ilang linggo at nagbago ang schedule ni Jigs at Ron. May isang araw na hindi sila sabay ng rest day. Para may pagkaabalahan si Ron, minabuti ni Jigs na iwan kay Ron ang kanyang bagong smartphone para may magamit si Ron sa bahay habang si Jigs ay nasa trabaho.

Kinabukasan, madaling madali si Jigs na umuwi dahil sobrang nasabik sya kay Ron. Ito ang unang beses na pumasok sya na di kasama si Ron.

Pinuntahan nito agad si Ron sa higaan at kanyang pinaliguan ng halik.

Jigs: I missed you. Sana kasama kita kagabi sa work.

Ron: Na-miss din kita. I love you.

Parang umabot naman sa langit ang kilig ni Jigs sa kanyang nadinig.

Kinuha na nya ang kanyang smartphone na iniwan kay Ron para kanya naman sanang gamitin. Habang hawak nya ang phone, isang text message ang dumating:

"I miss you."

Nanlaki ang mga mata ni Jigs sa kanyang nakita. Mga butil ng luha ang kusang bumagsak habang nakanganga ang kanyang bibig at tila walang salitang gustong lumabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIT ME AGAIN (Be careful of what you wish for)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon