First Job 1/2

99 1 0
                                    

Pagbalik nila sa Maynila, ang una nilang ginawa ay magpunta sa mall at mamili ng kailangan nila para sa bagong trabaho.

Ron: Mukhang sa dami ng malls sa Maynila, kahit linggo linggo tayo maglibot, di ako magsasawa.

Jigs: Puro ka libot, wala na nga tayong pera eh.

Ron: So sa bahay na lang tayo? OK lang pero ihanda mo yan. Wasak sakin yan. Hahaha!

Jigs: Siraulo.

Kinabukasan, maaga silang dumating sa workplace para sa kanilang scheduled training.

"Magkapatid ba kayo?"

Tanong ng isa sa mga trainees. Anila, magkamukha si Jigs at Ron at mukhang magkapatid nga.

Ron: Hindi po, magkaprobinsya lang.

Trainee: Ay talaga? Sabay kayo nag-apply?

Ron: Yup, buti parehas kami nakuha.

Nang magpakilala isa isa sa loob ng training room, madami ang napopogian sa kanilang dalawa. Parehas silang ma-appeal kasi. Dahil dun, madaming tenured agents ang dumadalaw sa training room just to confirm the news na may mga bagong poging aabangan sa production floor.

Tenured Agent: Hi trainees, we are excited to see... the two cute boys over there on the production floor.

Nagtawanan ang lahat.

Madami ang nakapansin na maganda ang speaking voice ni Ron kung kaya't nacurious sila kung marunong ito kumanta. Agad naman syang nagpasample at lahat ay namangha sa taglay nyang boses. Halos mamatay sa kilig ang mga bading at mga babae sa loob ng training room.

Dahil doon ay di alam ni Jigs kung magiging masaya ba sya o hindi na ang daming attention ang nakukuha ng kanyang boyfriend.

Pagbalik nila from break, may papel na nakadikit sa table ni Ron.

"Hi crush!" ang sabi dito.

Nakangiti si Ron habang nakatingin dito habang si Jigs naman ay nagngangalit sa selos.

"Uyyyyyy" Sabi ng mga nakakita.

Trainee: Sophia, umamin ka na. Sayo to galing.

Si Sophia ay isa ding trainee, maganda, malambing magsalita, malalaki ang mga mata at mukhang laging malagkit ang tingin kay Ron.

Sophia: Grabe kayo. Ako talaga? Baka magalit si Jigs.

Trainee: Hala, grabe ka Sophia. Issue ka. Magjowa ba sila?

Sophia: Ask them.

Ron: Grabe, magkababayan lang kami.

Ayaw din naman aminin ni Jigs sa public na sila nga ni Ron pero may kurot sa dibdib ng madinig nya iyon.

Sophia: So single ka nga?

Ron: Yes, and ready to mingle.

Nagwala ang mga tao sa loob ng madinig nila iyon. Ang bawat isa ay tinutukso silang dalawa bilang love team sa loob.

Pagkatapos ng training, na-endorsed na silang lahat sa production ngunit sa kasamaang palad ay magkaiba ng team si Jigs at Ron. Si Jigs napunta sa mas maagang shift habang si Ron at Sophia ay magkasama sa closing shift. Halos mamatay si Jigs sa selos.

"Hi Papa Jigs." Bati ng mga kasama ni Jigs sa bagong team.

Masaya si Jigs na mababait ang mga kasama nya sa team pero di nya maikaila na mukhang mas masaya si Ron sa bago nitong mga kasama. Si Sophia ay laging nakabuntot sa kanya at ang lahat ay inaakala na silang dalawa ay magjowa na.

After ng shift ni Jigs, nauupo ito sa lobby habang iniintay umuwi si Ron. Minsan ay nakakatulog na ito sa sobrang antok.

Ganun ang kanilang naging set up araw araw. Matyaga si Jigs, mahal nya kasi talaga si Ron.

Isang araw, laking gulat ni Jigs dahil nakatulog pala ulit sya sa lobby pero hindi katulad ng mga nagdaang araw, walang gumising sa kanya para sabihin na umuwi na sila. Wala si Ron.

Hindi alam ni Jigs kung ano ang mararamdaman nya. Mag-aalala ba sya dahil wala si Ron? Baka may nangyari dito? Pero ano ang mangyayari dun? Nasa production floor lang iyon at nagtatrabaho. Alas onse na ng tanghali, alas 10 ng umaga ang out ni Ron mula sa shift nya.

Hindi din ito sumasagot sa tawag nya.

HIT ME AGAIN (Be careful of what you wish for)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon