Prolouge

7 1 0
                                    

*9 years ago*

Pangako JV lagi akong nasa tabi mo. Poprotektahan kita sa lahat ng aaway sayo!

Sambit ng batang si Juyeon sa kanyang nakababatang kaibigan.

Talaga Yeon? gagawin mo yon?

Tanong ng batang si JV sa kanyang kaibigan na si Juyeon habang siya ay humahagulgol ng iyak dahil napagtripan na naman ito ng kanyang mga kaklase.

Oo JV! Kaya tumahan ka na. Tignan mo natulo na yung sipon mo oh. Hahaha!

Pang-aasar ni Juyeon sa kaibigan upang tumahan na ito sa kakaiyak.

Eh! Wala naman eh! Hahaha!

Inakbayan ni Juyeon ang kaibigan upang sabay na silang umuwi habang patuloy na nag-aasaran.

---


Noon pa man si Juyeon at JV ay magkaibigan na. Ito ay dahil sa magkapit-bahay lamang sila at madaling naging malapit sa isa't isa ang kanilang mga pamilya. Si Juyeon ay mula pa sa South Korea. Lumipad sila sa Pilipinas upang dito na manirahan dahil sa nalugi ang kumpanya ng kanyang ama. Alam nila Mr. at Mrs. Lee na magiging mahirap ang buhay nila sa Korea kaya mas maiging lumipat sila sa ibang bansa upang masustentuhan ang pag-aaral ng kanilang mga anak at iba pang pangangailangan nito. 

Agad na lumipad ang pamilyang Lee sa Pilipinas at naghanap ng matitirhan kung saan napadpad sila sa barangay ng Alabang sa syudad ng Muntinlupa. Doon nakahanap sila ng murang bahay na matutuluyan, kumpara sa tinutuluyan nilang bahay sa Korea, ang bahay na kanilang tutuluyan ay mas maliit at matatagpuan ito malapit sa tabing riles. 

Sa murang edad ni Juyeon ay makikita sa mukha nito ang bahid ng pagtataka dahil kaiba sa lugar na kanyang tinitirhan noon, ang lugar ng Alabang ay marumi, maingay, dikit-dikit ang bahay at  magulo.

Hindi man sigurado kung magiging ligtas ang pamilya, wala ng pagpipilian ang mag-asawang Lee kundi manirahan dito dahil na nga rin sa kapos sa ngayon ang mag-asawa sa pera. 

Ngunit ang kanilang takot at kaba ay agad din naman nawala matapos ang ilang araw dahil sa maayos na pakikitungo ng kanilang mga kapit-bahay at isa na roon ay ang pamilyang Villanueva. Mabilis na naging malapit sa isa't isa ang dalawang pamilya. Yun din ang naging dahilan upang magkakilala at maging magkaibigan si Juyeon at JV. 

Si JV ay ang pangalawang anak nila Ginoo at Gng. Villanueva. Bata pa lamang ito ay kakikitaan na ito ng galing sa maraming bagay kaya naman bidang bida ito sa mata ng maraming tao. Kinawiwilihan ng maraming tao ang batang JV dahil sa husay nito sa pagkanta at pagsayaw. Ngunit sa kabila ng angking talento ng batang ito ay mapapansin rin na iba ang kilos nito kaysa sa ibang batang lalaki.

Si JV ay mas malambot kung gumalaw, mas malambing ang tinig at maski pagkanta nito ay kadalasang pambabaeng kanta ang kanyang gusto, mahilig siyang gumiling kasama ang mga kalarong babae, mas madalas nga ay mas gusto nitong kalaro ang mga babae kaysa kapwa nito lalaki. 

Dahil sa pagiging iba ni JV sa ibang bata kaya naman madalas itong buyuin ng kanyang mga kalaro, lalo na ng mga lalaki, kahit sa eskwelahan ay tampulan ito ng tukso. Sa murang edad ay nalaman ni JV na iba siya kaysa sa ibang bata. Dahil katulad ng mga pang-asar sa kanya tulad ng "BAKLA!" at "BAYOT!" na palaging isinisigaw sa kanya ng mga mapang-asar na kaklase.

Si JV ay mabait na bata. Hindi ito marunong gumanti sa mga umaaway sa kanya kaya naman ang pang-aasar na ginagawa sa kanya ng mga ka-eskwela ay dumating na sa punto ng pananakit sa batang JV. Gayunpaman hindi ito nagsusumbong sa magulang o lumalaban sa mga bully, lahat ng sakit na kanyang dinadanas ay dinadaan niya sa iyak. 

Masunurin si JV kaya naman sinusunod nito ang payo ng kanyang mga magulang na wag mananakit ng sinuman at masama ang pagganti sa kapwa. Sa kabila ng mga pang-aasar at pananakit, naging masaya si JV dahil kasama niya ang kaisa-isang kaibigan na si Juyeon. Simula ng ito ay manirahan sa Pilipinas ay ipinasok din ito ng mga magulang sa parehong paaralang pinapasukan ni JV. Doon ay sabay na pumapasok at umuuwi ang dalawang magkaibigan. 

Si Juyeon ang tagapaglistas ni JV. Ang tingin niya sa batang lalaki ay ang kanyang hero. Lagi siya nitong tinutulungan sa mga takdang-aralin, at si Juyeon din ang dahilan kung bakit minsan na lang siya mabully ng kanyang mga kaklase. Dahil lagi nitong binabantayan ang kaibigan. 


Ipinangako ni Juyeon sa kaibigan na lagi niya itong poprotektahan at lagi lamang itong nasa tabi niya. Para kay JV magiging masaya at ligtas siya kung nasa tabi niya lagi ang kaibigan, kaya naman pinanghawakan nito ang pangako ng kaibigan.

Dumating ang araw ng pagtatapos sa elementarya ngunit hindi nakadalo ang kaibigan. Nagtanong ang batang si JV sa magulang ngunit ang sagot ng mga magulang ay maaga itong nagbakasyon. Nagtatampo man dahil hindi nagpaalam ang kaibigan ay pinili na lamang nitong manahimik at inisip na babalik agad ang kaibigan galing sa bakasyon.

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan ngunit wala pa ring Juyeon na bumabalik. Araw-araw na nakaabang ang batang si JV sa harap ng pintuan ng pamilyang Lee, ngi hindi ito nakikipaglaro sa ibang bata, katwiran nito ay hinihintay niya ang kanyang kaibigan na si Juyeon.

Nalalapit na ang araw ng pagbabalik eskwela at nais niyang magkasama uli sila sa iisang paaralan ng kaibigan ngunit buwan na ang lumipas ay hindi ito bumabalik. Minabuti ng bata na magtanong muli sa kanyang Ina, ngunit ang naging sagot nito ang dumurog sa puso ng batang si JV. "Anak. Bumalik na sila sa Korea eh. Hindi na sila makakabalik" Ayon sa kanyang Ina. Agad na tumakbo ang bata sa kanyang silid at doon umiyak ng umiyak. Hindi ito makapaniwala sa narinig. Dumaan ang mga araw at lagi lamang nagkukulong si JV sa kanyang silid, palagi itong umiiyak. 

Hanggang sa dumating ang araw ng pagbabalik sa eskwela. Ang lahat ng kanyang lungkot, tanong at takot ay kanyang ikinulong sa kanyang puso. Batid niyang hindi na babalik ang kaibigan. Wala nang magtatanggol sa kanya sa mga taong mananakit sa kanya. 

Malaki ang pinagbago ng dating JV naging malamig at mataray ang pakikipag-usap nito sa ibang tao. Maski ang mga magulang nito ay nagulat sa pagbabago ng anak nila. Alam nilang ang dahilan nito ay ang pagkawala ng matalik na kaibigan.

Dumaan ang mga taon kung saan pilit nitong kinakalimutan ang dating kaibigan. Kasabay ng pagkawala nito ay ang kanyang lungkot ngunit hindi nito ipinapakita sa iba ang kanyang totoong nararamdaman. Masayahin ito sa harap ng mga piling kaibigan at kaklase. Hindi nito hinahayaan na kutyain siya ng ibang tao. Napapasama ito sa mga away ng iba't ibang grupo sa labas ng eskwelahan, dahil dito naging mahusay sa pakikipag-away si JV. Ang lahat ay kilala siya sa eskwelahan, siya ang kinakatakutan nang lahat. Maging ang mga grupo ng mga gang sa labas ng eskwelahan ay kinikilala siya. 

Ginawa niya ang lahat ng ito para protektahan ang kanyang sarili at itago ang lungkot na kanyang nararamdaman.

Ngunit paano kung ang dahilan ng sakit at lungkot na kanyang pilit na itinatago ay magbalik?

Paano kung muli silang pagtagpuin ng tadhana?

Magbago kaya ang takbo ng tadhana?

Tanggapin kaya ng puso ang taong nawala at nag-iwan ng sugat, pighati at mga tanong na hanggang ngayon ay walang makuhang kasagutan?

O mananatiling isang malungkot na multo ang nakaraan na paulit-ulit lang na babalikan?


______

This is my first time writing a novel. Sorry if this introduction is long compared to other story that you've read. Anyway I accept criticism so feel free to comment your opinion and suggestion. 

Ikwinento ko lang dito kung paano nagkakilala at sino yung mga main characters para di kayo malito kasi for my next updates, yung story ay iikot na sa college life ni JV, mga changes sa buhay niya, mga taong makikilala niya and everything. Thank you.

GhostedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon