Chapter 1

5 1 0
                                    

JV's POV

*Phone Rings*

Nagising ako sa ingay ng phone ko, agad ko naman itong kinuha at hindi na nag atubiling tignan kung sino ang tumatawag sakin ng ganto kaaga.

Hello sino to?

Barbie!! Pumunta ka ng school ngayon may meeting tayo with Chairman! Atsaka anong sino ako?! 

Nakoo!!! Sigaw pa lang alam ko na agad kung sino to HAHAHA Walang iba kundi ang aking Coach Macky.

Ay! Sorry Coach! Hindi ko po tinignan yung caller! hehe! sagot ko naman dito habang nakapikit pa dahil sa sobrang antok.

Anyway coach, bakit naman ang aga ng meeting inaantok pa ko eh! reklamo ko pa dahil sa sobrang antok.

BAKLA KA! ANONG MAAGA PA!! TANGHALI NA BARBIE!! ANONG ORAS KA BA UMUWI KAGABI AT PUYAT KA NA NAMAN?! Pasigaw ni coach na sagot sakin.

Agad naman akong napabangon at tumingin sa orasan ng aking phone.

Shit! 11AM na pala!

Sorry coach! Mag-aayos na ko! Kita tayo sa school bye!

Hindi ko na hinayaan makapag salita si Coach kasi for sure mahaba habang sermon na naman ang aabutin ko. hahaha!

Ako nga pala si John Vincent Villanueva. Pwede niyo akong tawaging JV pero ngayon, karamihan sa mga nakakakilala sakin ay tinatawag akong Barbie. Oo. Tama kayo ng narinig Barbie ang tawag nila sakin pero hindi dahil mukha akong Barbie HAHAHA Ewan ko ba siguro ibang tao na lang magpapaliwanag bakit barbie ang tawag sakin ngayon. Anyway, I am 22 Years Old at kasalukuyang nag-aaral sa Lyceum of Alabang sa kursong Education. 

Bakit Education ang course ko? Actually wala kasi akong gustong kurso talaga noon at dahil wala akong mapiling kurso na kunin, minabuti ko na lang na mag-eduk. hahaha ang lame no? Pero that's the truth. It's okay din naman kasi I learned to love this course because of the students na naeencounter ko everyday at sa mga teachers na magagaling na gusto kong tularan sa hinaharap. 

I am now in my last year in Lyceum of Alabang. Kaiba sa mga kaklase ko na nagpapractice teaching for this year sa public school, ako naman mas maaga ko siya na kinuha compared to my classmates. Reason? Chairman said na meron daw kaming malaking project by this year at kasama ang grupo ko na Royals sa magpaparticipate for that project.  Hmmm... Maybe our meeting today is about that project.

Back to the topic. Sa ngayon wala akong pinag-aabalahan kundi ang grupo ko na Royals since lahat ng units ko for my course ay na take ko na. Yes, I even take summer class para matapos ko lahat ng units ko before this so called big project of chairman. Kaya nga ngayon hinihintay ko na lang ang graduation para masabi na graduate na talaga ako. Speaking of Royals maybe you are wondering what kind of group is it. It is a dance troupe, an official dance troupe of LOA. I am the current Team Captain of the group. Simula ng nag-aral ako sa LOA I've been appointed as the Team Captain by my Coach Macky. 

My dream since then is to be a performer. I love singing and dancing bata pa lang ako. But when he left me. Kinalimutan ko lahat ng pangarap ko at nagrebelde sa mga magulang ko. Matagal na rin naman yon. Ngayon I've change. Mas nagfocus ako sa pag-aaral ko, sa grupo ko at sa pamilya ko. I realized na may mga tao pa rin na nandyan para sakin. Atsaka masaya na rin naman siya. Mukhang di niya na ko kilala pero I'm happy sa kung ano siya ngayon. Kaya naman nung nalaman kong okay siya. Nagbago na din ako, para sa sarili ko at para sa mga taong gusto ding sumaya ako. Kaya eto ngayon masaya ako. Of course I still have questions pero hindi na rin naman masasagot yon. Bakit? Kasi magkaiba na kami ng mundo. 

GhostedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon