Chapter 3

0 0 0
                                    

Barbie's POV

Barbie! Tara milktea! Libre mo! Hahaha Aya ni Shania sakin.

Wow ah! Ikaw nag aya tapos ako man lilibre!? Hahaha!

Aba syempre! Love mo naman ako eh! HAHAHA dali na bago tayo umuwi.

Pumayag naman ako dahil minsan lang ako ayain ni Shania mag ganto madalas ay gumagala o tumatambay kami kasama ang Royals. Pero ngayon dahil kaming dalawa lang mukhang may gusto itong sabihin sakin.

*Milktea Shop*

Agad na kaming pumunta sa counter ni Shania para pumili ng iinumin.

Alam mo na sakin ah! - shania

Yes! Water! Pang aasar ko naman.

Gaga! HAHAHAHA tawa naman nito sabay hampas pa sakin. Sanay na ko sa mga hampas ni Shania pag nagtatawanan kami dahil highschool pa lang ay magkasama na kami nito.

Ma'am ano pong sugar level nito? pagtatanong ng lalaki sa counter sa babae sa harapan namin dahil nauna ito kaysa sa amin.

Uhhmm... A-ano.. uhhmm easy? Sagot naman ng babae.

Po? Ano pong easy ma'am? Tanong naman nung lalaki sa kahera.

Halos hindi ko na mapigilan ang tawa ko dahil sa narinig at alam kong ganon din si Shania. Kung dalawa na lang kami for sure ay magbubugbugan pa kami nito sa kakatawa.

Ano ba yang level level na yan!? Inumin ang binibili ko! Bakit mo ko tatanungin ng level!? Mukha ba akong maglalaro!? Tseee!! Makaalis na nga dito! Mag buko juice na lang ako!! Galit na sigaw ng babae at padabog na umalis ng milktea shop. Buti na lamang ay kami lang ang tao sa shop. Napakamot na lamang sa ulo ang kahera sa inasta ng babae. Siguro ay first time nitong bumili ng milktea.

Hindi naman na namin napigilan ni Shania ang tawa namin kaya ng makaalis ang babae ay humagalpak na kami pareho ng tawa.

HAHAHAHAHAHAHA!! tangina! Easy daw tee! Tawa ng tawa na sabi ni Shania.

HAHAHAHAHA! tawang tawa ka naman nung first time din naman natin umorder ang sagot natin sa sugar level ay level 1 HAHAHAHA!

HAHAHAHA! Naalala ko na naman!! HAHAHA! Umorder na nga tayo tee baka ma kick out pa tayo ni kuya kakatawa natin dito. - shania

Napangiti na lang ang kahera saming dalawa ni Shania.

Dalawa ngang Choco Crumble please. Parehas na lang 50% yung sugar level. Pag order ko.

Okay sir! That will be 200 pesos po. - cashier

Inabot ko naman agad ang bayad sa kahera.

I received 200 sir. Maupo na lang po muna kayo sir hatid ko na lang po order niyo after 3 to 5 minutes. Sabi ng cashier siya din kasi ang nagseserve sa mga customers.

Alright. Thank you.

So tee. Ano na? Ready ka na ba? Pag uumpisa ni Shania ng usapan.

Huh? Saan? - Sagot ko naman dahil hindi ko makuha ang pinto niya.

Duh! Sa project natin na bago! - shania

Ano ka ba! Oo naman no! Kailan pa ko di naging ready?

Gaga! I mean sa line up! I know naman na ready ka sa lahat ng bagay pero sa isang to Di ko lang sure. - Shania

What do you mean? Pagtatanong ko pa.

May mga idols na involve sa project na to. Halerr! Malay mo kasama si Juyeon mo sa mga kasama sa line up ng idols.-Shania

Napaisip naman ako sa sinabi ni Shania. Maaari nga at naisip ko na din naman yan nung una pero siguro naman hindi.

Malay mo lang pero baka naman hindi. Sa dami ng idols sa Korea. Imposible naman siguro. Sagot ko na lang dito.

Baaaaklaa ka! Reality Competition yon. Idol of Idols! Mostly sa mga magpaparticipate sa ganyan yung mga sikat at yang Juyeon mo at grupo niya na The Boyz ay isa sa mga pinaka sikat ngayon na idol group sa buong mundo. - Shania

Kinabahan naman agad ako sa ideyang makikita ko ulit si Juyeon kung ganon nga ang mangyayari.

Hindi ko alam Shania. Matagal naman na yon. Siguro naman okay na ko. Wag na lang natin isipin muna.

Tignan mo! Maski ikaw hindi sure kung okay ka na! Sabi nito at binatukan pa ko.

Araaayy ko ah! Atsaka tigilan mo nga yang kaka Juyeon ko mo dyan. Parang pag aari ko naman yon! Hindi oyy! Basta wag na lang natin pag usapan.

Okay sabi mo eh. Pero kung sakali lang na magkita kayo. Sana nga okay ka na. After all hindi naman natin alam kung apektado din ba siya nung nagka hiwalay kayong mag kaibigan o ikaw lang tong nagdamdam ng pangyayari. Ikaw din naman kasi ma fall daw ba sa bestfriend eh isang malaking NO NO yan! - Shania

Napairap na lang ako sa sinabi ni Shania pero alam kong may punto siya. Siguro nga malalaman ko lang ang sagot kung okay na ko kapag nasa harap ko na siya mismo.

Haaayss!! Bahala na tee! Mabuti pa umuwi na tayo at for sure malala ang training natin sa mga susunod na araw. Mas mabuti pang ngayon pa lang lubos lubusin na natin ang pagtulog at pag papahinga.

Tama! Kailangan ko mag doble effort no! Kailangan matalo kita sa competition na to. Hmmmpp! Pangloloko ni Shania sakin pero alam kong gusto din nitong manalo.

Hahahaha! Galingan mo! Hindi pa rin naman ako magpapatalo no! HAHAHA sagot ko naman dito.

Agad na kaming nagpaalam sa isa't isa at umuwi sa sarili naming bahay para makapaghanda.

Pag uwi ko ng bahay ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Shania. Malaki nga ang pagkakataon na magkita kaming dalawa ni Juyeon sa competition na ito at hindi ko alam kung makakabuti ba to sakin o hindi. Pero bahala na siguro ang tadhana kung pagtatagpuin mang muli kami ni Juyeon.

Magiging sinungaling din ako kung itatanggi kong gusto ko siyang makita uli kahit na sa malayo. Alam kong marami nang nagbago sa kanya pero siya pa din naman siguro yon.

----

And I'm back! Hahaha! Na depress lang ang lola mo sa exam niyang cancel lagi kaya ngayon lang ako nag update. Sorry.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GhostedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon