Kasama ko ngayon si Kaleigh and the boys after namin kumain, diretso na kami para sa last fitting ng gown for the welcome party kina tito Tyler.
As usual the boys was chatting about girls and whose they're date on the party.Si Kaleigh Ang unang inassisst so naiwan ako kasama ang mga lalaki, katabi ko si Theon na may kachat sa phone habang sina Jasper at Tyron na naguusap sa kadate nila at ang tahimik na si Austin na may hawak na namang Rubik's cube, parang most valuable thing ata ni Austin ang Rubik's cubes.
Di naman nagtagal si Kaleigh kaya matapos nya ay ako naman ang tumayo at iniwan sila para sa fitting. I opted to simple a gown kaya di rin nagtagal ang fitting so after namin umalis na din kami, sabay sabay na kaming umuwi sa mansyon dahil alam ko naman na dun naman sila magdidinner.
As usual after ng dinner mayroon silang tradisyon na once a week ay sa mansyon sila nina mamita para mag-overnight.
Nandito kami ngayon sa theater room para sa movie marathon, kakatapos lang namin mag-dinner at dahil may plano atang magpuyat ang boys nagpaalam na sina mamita at papalo na mauuna na silang magpanhik para magpahinga.
"Let's play the thriller movie, I want to relax because enrollment make me exhausted" pauna agad ni Jasper.
"What?! it's just the enrollment", sagot naman agad ni Theon sa kanya.
"You're so OA Jasper, kapag sa girls naman ang usapan you're energetic naman', Kaleigh rolled her eyes on Jasper.
"Oh!, Weak ka daw 'Per' hahaha", asar naman ni Tyron sa kanya. Hay wala ang weird talaga ni Ty joke nya tawa nya.
Anyways dahil nga mauuwi sa asaran at kaguluhan na naman ang movie marathon namin ako na ang pumili ng papanoorin.
I choose the Maze Runner death Cure, para wala ng away nasa kalagitnaan na ng movie ng nagtext sa akin si Louie naginform sakin ng schedule para sa siminar at ganun din ang workshop namin sa Baguio naman ngayon. I work as an volunteer sa Green Philippines isang NGO na nagsusulong ng environmental conservation.
I just replied thank you to him, at nag-concentrate na din sa movie nang diko sinasadyang tumingin kay Austin na nakatingin din pala sa akin dahil magkatabi kami nasa kanan ko sya habang nasa kaliwa naman nakaupo si Kaleigh.
Nang mapansin nya ako na nakatitig din sa kanya ay umiwas na din sya ng tingin, hmm...weird din ang isa ito sa isip isip ko siguro nasa lahi na nila yun.
Diko alam na nakatulugan ko ang panonood namin, i felt like I'm floating, i think someone were carrying me?what?oh i think one of the boys carried me since I'm asleep already.
Nagmulat ako ng mata ng mapansin ko 'yon sinalubong ako ng dibdib ng taong nagbuhat sakin nagtaas ako ng tingin ng mapansin ko na si Austin pala ang nagbuhat sakin.
Napansin nya na nagising na ako ng ibaba nya ako sa kama, nasa room ko na kami.
"Did I wake you up? I'm sorry I just carry you nakatulog ka" explain nya.
I nod my head and answered "Hindi naman, salamat sana ginising nyo nalang ako para di ka na nagbuhat mabigat kaya ako".I heard him chuckled and said "you're light just like a paper". Wait what insulto ba yun?
"you're mean!", I rolled my eyes on him, I saw him chuckling louder this time. Napansin nya sigurong masama na ang titig ko sa kanya kaya tumigil na din kakatawa.
"Sorry I didn't mean to laugh , its just that you're so unique", huh?anong unique dun?sya itong bigla biglang tumawa na walang namang nakakatawa.
"Oh?okay, anyway thank you uli and good night Austin", Sabi ko nalang sabay ngiti para di na humaba pa ang usapan dahil inaantok na din ako.
"Okay, good night kia", sabay halik sa noo ko. Napakasweet talaga ng taong 'to sabagay lahat naman sila mahilig manghalik sa noo, nasanay na din ako.
Nang makalabas na si Austin bumangon na din ako sa banyo, alam ko naman na papasok lang naman si Kaleigh dito kapag matutulog na yun. Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng buhok diretso na ako sa kama nagdevotion nalang din ako pagkatapos.
Hay sana naman kapag dumating na sina tito Tyler at ang anak nila magkasundo kami ang alam ko kasi nagtatrabaho na yun sa sarili nyang company, at dahil mageexpand na ito dito sa Asia dito sa Pilipinas ang kanilang operation or ang subsidiary nila.
Diko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa paguwi nila dito siguro kasi diko sya naka-close o diko lang talaga sya nakasama kahit minsan.