Part 4 (siminar)

6 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa bus na sasakyan namin papuntang Baguio katabi ko si Janice sa upuan, usa rin sa mga kasama at kaibigan ko na volunteer.

"Gusto mo bang ikaw sa bintana banda Kie? umiling lang ako sa tanong nya.

I'm afraid of height, ewan ko mula pagkabata ko takot na ako kaya ayaw na ayaw ko sa may bintana banda dahil feeling ko mahuhulog ako, sa kotse hindi naman ako as in takot siguro kasi mas malaki at mataas ang bus kaysa sa kotse.

Nag-check lang ng attendance ng mga sumamang volunteer si Louie kaya naman kinuha ko nalang ang phone at nagtext kay Kaleigh na paalis na kami.

Diko na napansin na lumipat ng upuan si Louie, nasa pinakaunahan kasi sya kanina nakipagpalit ata sya sa isa sa mga kasamahan namin na nasa kabilang upuan sa may kabilang row.

Nakapikit ako ng naramdaman kong May kinalabit ako nang nagmulat ako nakita kung si Louie nagsinyas na nakarating na kami tumango nalang din ako at nagpasalamat.

Bumaba na din ako, at tumungo sa kwarto na nakalaan para sa amin share kami ni Janice sa kwarto kaya naman pagkatapos kung ayusin ang mga gamit ay nagpaalam muna akong matutulog saglit dahil nahihilo ako sa byahe, bukas pa naman magsstart ang siminar namin.

Hapon na ng makagising ako, nakita kong mga mga texts at tawag sina mamita sakin pati na din sina kaliegh at ang mga lalaki.
Hay nakalimutan ko nga palang itext sila na nakarating na ako kanina.

Tinawagan ko sina mamita para ipaalam na nakatulog ako kanina kaya di na ako nakapagtext sa kanila, dahil siguradong nagaalala na sila.

Ganun din naman si kaliegh na katext ko ngayon sinabi nya nag-alala sya dahil nga alam nyang ayaw ko sa mga byahe byahe lalo na kung malayo ang pupuntahan.

Nang gumabi na ay sabay sabay kaming kumain sa dining dahil may pabuffet.

Pagkatapos kumain ay nauna akong nagpaalam sa mga kasamahan ko na mauuna akong pumasok dahil nag-iinuman pa sila. Pero sure ko naman na konti lang din naman ang iinumin nila dahil May siminar bukas.

Nang nasa kwarto na ako ay May face time si kaliegh, kaya agad kong sinagot, nakakabinging tili agad ang sinalubong nya sakin pag accept ko ng face time.

"Kiaaaaaa, may balita ako, ahh nandito na si kuya Xander"si kaliegh na sobrang saya.

"Ah talaga?,buti naman enjoy your reunion guys ang tagal na di kayo nagkita kita" sabi ko nalang dahil masaya ako na nakasama nila ang pinsan nila ang tagal na din naman silang di nagkakasama although lagi din naman silang nagbabakasyong magpipinsan sa ibang bansa pero iba pa din na buo sila ngayon at kasama nila sina mamita.

"Ahuh!, Nga pala would you like to see how handsome our cousin is?wait tawagin ko si kuya"

"Huh?wait kaliegh..ah, diko na natapos ang sasabihin ko ng ibang mukha na ang nakita ko sa FaceTime, mestiso, blue-eyed and a handsome face, diko alam kung anong expression ng mukha ko ng makita ko ang mukha na iyon sa FaceTime, tila tumigil lahat at kami lang ang nag-eexist.

Natigil ang titigan namin ng bigla sumingit si kaliegh sa FaceTime , "meet kuya Xander ,Kia see ang handsome nya noh,?nasa lahi na natin talaga haha and oh, kuya say hi to Kia" dadag pa nya na halatang lasing na.

"Hello po, kuya Xander ahm.. welcome back po.
I'm kia" sabi ko nalang dahil bigla akong kinabahan na diko alam.

"Yeah I know you" may accent na sagot nya,
"Where are you?" Dagdag pa nya.

"Ahm..nasa siminar po" diko alam kung anong sasabihin ko dahil kinakabahan ako, pakiramdam ko na nagbablush ako buti nalang at medyo dim na ang ilaw sa kwarto.

"You're going to sleep?or did we disturb you? Dagdag pa nya.

"Ah, matutulog palang po, May siminar po kasi bukas".kagat labing sagot ko, bakit parang nakakatakot syang kausapin?

"Oh, okay good night" Sabi nya habang nakatitig sakin, i don't know but I felt butterflies flying in my stomach, huh?baka gutom lang ako pero kakatapos ko lang kumain, busog siguro ako?

Pagkatapos ng tawag natulog nalang din ako dahil maaga kaming magigising para bukas.

Kinabukasan naghanda na kami para sa siminar maraming nag-attend at naging productive naman ang buhay buong events lalo na para sa aming mga nag-volunteer dahil madami na namang natulungan namin at nabahahian na din ng kaalaman tungkol sa paggawa at paggamit ng mga recycled materials.

Hapon na naman natapos ang siminar, at may konting salu-salo, kaya kumain nalang din ako A nakihalubilo sa mga kasamahan ko, ngunit di rin ako tumagal dahil pumasok na ako sa kwarto para magligpit ng gamit dahil maaga ang uwi namin bukas, habang nagliligpit ako di mawala sa isip ko kung paano ako makikitungo kay kuya Xander bukas pag-uwi hindi ko alam kung bakit pero iba ang epekto nya sakin kaysa sa mga pinsan nya, I mean may awkward atmosphere siguro dahil bago lang kami magkikita at magkakakilala ng harapan talaga, pero sa FaceTime pa nga lang kinabahan na ako e, hay good luck nalang sakin.

Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon