Part 5 (Pagbabalik)

6 0 0
                                    

Nakatulugan ko kagabi na si kuya Xander ang iniisip, maaga pa ay gising na ako para magprepare ganun din si Janine na pagkaupong pagkaupo namin sa bus ay natulog agad dahil puyat daw sya kagabi, sabagay anong oras na din sya pumasok sa kwarto kagabi.

Hinayaan ko nalang sya, nag-earphone para magpatugtog na lang ako at pumikit na din para matulog dahil siguradong mahihirapan na naman ako sa byahe, sana naman di ako sumuka hay. Kinakabahan ako sa paguwi ko diko alam kung bakit, dahil ba kay kuya Xander?

Diko na namalayan na nakaalis na kami, tulog ako buong byahe nasa terminal na nang magising ako dahil tumawag na din si kaliegh nagtatanong kung na san na ako at kung saan susunduin.
Sinabi ko na nasa terminal ako, hwag ng mag-abala pa na sunduin ako dahil nag-offer si Louie na ihahatid nya ako pauwi.

"May gusto ba sayo yang president nyo?or is he courting you?" Pang-aasar agad na tanong ni kaliegh pagkatapos kung sabihin na sasabay ako kay Louie pauwi.

"Huh?no! were just friends Leigh, and he's just kind to send me home", sagot ko naman agad

"Really? Hmm...okay if you said so, careful on the way back and yeah excited to see when you meet kuya haha" i sigh when I heard that, hay good luck sakin.

Nasa kotse na lahat ni Louie lahat ng gamit pati na din yung sakin kaya naman nagpasalamat ako,  pinagbuksan nya ako ng pinto sa front seat.

"Thank you" gentleman na talaga si Louie kahit kanino kaya ang daming nagkakagusto e, mestiso,  may katangkaran at isa sa mga kasama sa elite sa school.

Habang nasa byahe naguusap kami ng tungkol sa mga iba pang projects na gustong gawin ng organization.

Di naman nagtagal ay nasa harap na din kami ng gate ng mansyon, medyo malayo pa ang lalakarin pagpasok pero okay lang kaya ko naman wala naman akong masyadong dala.

"Are you sure you didn't want me to send you there?" Saad ni Louie na gustong ihatid ako sa loob sinabi ko kasing dito nalang ako ibaba sa labas ng gate dahil panigurado na madaming tanong na naman ang mangyayari lalo kung nandyan ang boys.

"Hindi na, thank you for the ride Louie" ngiti ko sa kanya noong pasakay na sya paalis.

"Ma'am gusto nyo po bang tumawag ako sa mansyon para po masundo kayo ng cart?si manong guard nung napansin nya ako na palapit sa gate.

"Hindi na po kuya Lando kaya ko naman Pong lakaran tsaka di naman masyadong mainit para na din pong exercise ko" ngiti ko sa kanya.
"Nga po pala May pasalubong po ako sa inyo, kuya galing po kasi akong Baguio para sa siminar" balita ko sa kanya.

"Naku ikaw talaga iha dika talaga nakakalimot, at nag-abala ka pa, salamat ng marami" kilala ko na kasi sina manong Lando pati na din ang iba pang kasamahan nya, dahil na din kina nanay Luz.

Nagpaalam na din ako pagkatapos kung ibigay ang pasalubong kina kuya Lando. Habang binabaybay ko ang daan papasok ng mansyon iniisip ko kung ano ang unang ibubungad ko kay kuya Xander. Teka bakit ko nga ba pag-iisipan pa ang sasabihin ko, just be yourself Kia kaya mo yan.

Malapit na ako ng marinig ko agad ang pambungad na tili ni kaliegh habang sinasalubong ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malapit na ako ng marinig ko agad ang pambungad na tili ni kaliegh habang sinasalubong ako...

"Kiaaaaaa!!!.. you're here na" sabay yakap agad sakin. Di pa ako nakakareact ng lumabas sa front door Ang mga lalaki, kasama ang bagong mukha na nakita ko kagabi sa Video call, parang nagslow motion lahat ng mga bagay tila May mga paru-parong nagkakagulo sa tiyan ko.

"You didn't tell us that you're already here, Sana nasundo ka"si Jasper na tinanggal ang yakap ni Leigh at sya naman ang yumakap sakin.

Sumunod namang yumakap si Theon, at Tyron na may paghalik pa sa noo ko, huli akong niyakap ni Austin na kinumusta ang byahe at ako dahil alam nya na mahihiluin ako sa byahe.

"What the?di pa nga ako tapos inaagaw nyo na si Kia sakin', sabay agaw uli ni kaliegh sakin sa yakap ni Austin nagtawanan naman ang mga lalaki sa tinuran na iyon ng pinsan nila, sanay naman ako ganyan talaga sila sweet at malambing sa mga pinsan nilang babae, pati na rin sakin kaya natural na lang sakin.

"How about me?they get a hug and a kiss, but you guys seem to forget me", boses na nagpabilos ng tibok ng puso ko, talagang kinakabahan ako suplado sigurong tao si kuya Xander kasi bakit ako kinakabahan ng ganito sa kanya. Siguro nga may mga sixth sense pa naman ako sa mga ganyan nalalaman ko agad kung suplado at maattitude yung tao.

Pero syempre sa akin lamang naman hula hula ko lang naman kasi kinakabahan din ako sa mga boys sa school kapag dumadaan o nagkakasalubungan kami ng kilalang mga group ng bad boys sa school eh, parang same ganito rin yung kaba ko. Tumatango tango ako ng mapansin kong nakatingin sakin ang magpipinsan.

Binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin, may dumi ba ako sa mukha?o muta? Chineck ko kanina wala naman ah.

"Sorry kuya Xander namiss lang namin si Kia, ba anyways babygirl meet our kuya Xander in flesh, kuya meet our angel Kia look how beautiful she is, right? Nakangiting turan niya pa.

Nakangising tumango lang si kuya Xander bilang sagot, wait teka nga bakit... "You don't want to welcome your kuya?" Putol ng magaling na lalaki sa iniisip ko wait what? Nakalahad sya ng kamay sakin.
"C'mon Kia you should welcome your cousin" pangalawa agad ni Jasper sa sinabing iyon ni Xander. Naku talaga confirm ko na nga May attitude nga itong Xander.

Nginitian ko nalang siya sabay sabing" welcome back kuya Xander" wala na akong nagawa ng hilahin niya ako para sa hug na gusto nya, sinasabi ko na nga ba maattitude talaga.

"You should smile like that always babygirl" bulong ng maattitude na lalaki sakin na nagpatindig ng balahibo ko sa batok. Hay good luck nalang sakin sa mga susunod na mga araw, magaattitudan nalang kami.

Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon