KABANATA VIII

18 16 11
                                    

Safe

That day ended huffily slow. Na' para bang mas iniinis pa ko ng pagkakataon. I couldn't think straight after what happened. Iyon ang unang pagkakataon na naging mali ang intuwisyon ko. Hindi man lang pumasok sa aking utak ang pamilyar na amoy ng buong kwarto.

I covered my face with a throw pillow when his bored-looking image popped like a slideshow in my sanity. And why does he have to be that confident? Nakakainis. Sa inis ko'y inihagis ko ang unang hawak-hawak.

I close my eyes tightly and began meditating. Clear those nonsense.

Kung patuloy ko iyong iisipin ay ako lamang ang mababaliw. While he.. looks too fine and bored.
Well, I guess the best thing to do in order to suppress abnormal thoughts is to change one's perception. Must perceived things with appropriation.

Alright. Kailangan ko lang intindihin na ayos lang iyong nangyari. Saber took it like lightly. Dapat  wala lang iyon sa akin

Forget it Callista, and stop your crazy verdicts.

However..

May mga bagay na madaling sabihin pero mahirap talagang gawin. Kahit anong pilit ko ay hindi talaga ito mawala-wala sa aking isip.

Inis kong inabot ang aking telepono. Alas-diyes na ng gabi. Kanina pa nagsi-hapunan ang mga kasambahay kasabay na rin kami ni abuela. Hindi naman daw kasi nagsasabay sa pagkain sina Governor Silvanus. Kusa lamang itong maghahanda o di-kaya'y magpapahanda kung nais na nilang kumain.

For that moment I was confused, they were actually sweet when they are gathered. Ngunit bakit mi-minsan lamang nila ito ginagawa?

I yawned. However, I still couldn't brought my eyes into hypnotic. Gising na gising parin ang aking kaluluwa.

Tamad akong umupo mula sa pagkakahiga at itinali ang aking buhok ng basta-basta. Making some of its threads to hang loosely on my nape.

Marahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto at dahan-dahan ring isinara nang ako'y makalabas. My eyes drifted stubbornly at the room facing mine. Was he asleep?

Mga ilang segundo rin akong nakatunganga lang na nakatitig doon bago ko iginalaw ang aking mga paa patungo sa pasilyo. Tanging mga makulimlim na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag doon. Kahit hindi pa masyadong sanay sa mahabang hagdanan ay nakita ko naman ang sarili kong tagumpay iyong nalagpasan ng hindi nadadapa kahit madilim.

I want to go outside. Kailangan ko lang lumanghap ng preskong hangin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, lumikha lamang ito ng kaunting ingay. Nag-iwan ako ng maliit na siwang bago tuluyang hinarap ang madilim na gabi na kung saan ay sinasabayan rin ng iilang pagaspas ng mga dahon dulot ng malamig na hangin.

Pinagmasdan ko ang lagaslas ng tubig mula sa fountain. The water's crystalline color is shining like diamonds because of the reflective light of the moon.

Hindi rin masyadong madilim kahit nakapatay ang mga ilaw dahil sa liwanag ng buwan. Bahagyang sinasayaw ng hangin ang mga nakahilerang bulaklak. Making its fragrance to scatter around and find its way to soothe my nostrils.

Lumiko ako sa bahaging mas dominante ang mga tanim na rosas. I roamed my eyes further and to my surprise, not too far away from me is a patio and a swimming pool.

Randam ko ang pagtayo ng aking balahibo dahil sa lamig ng hangin. It is cold yet undeniably cozy. Mabagal kong tinungo ang swimming pool at umupo malapit rito.

"Sarap sanang maligo kaya lang.."

Tiningnan kong mabuti ang lalim nito.

"Kaya lang malalim. Tsaka malamig din."

Oblique Flames Of Beauty ( Universidad de Cebu Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon