PROLOGUE

15 2 0
                                    

PROLOGUE

Year 2016

Sa isang maningning na gabi, isang pangyayari ang hindi inaasahang mangyayari. Ang isang magandang tanawin sa kalangitan ay nagbigay ng isang malagim na pangyayari, na nagbigay ng kasawian sa lahat.

Isang kometa na inaasahan lamang na dadaan sa kalangitan na nasa labas ng
madilim na kalawakan, pero sa kasamaang palad ay nabaligtad ang inaasahan.

Merong bahagi ng kometa na natipak,
akala ng mga tao na maganda ang kanilang nakikita sa ibabaw ng maaliwalas na kalangitan.

Ang pagkatipak ng kometa ay nagbigay ng magandang tanawin sa ibabaw ngunit ang hindi nila alam, ito ang magbibigay ng delubyo sa kanilang lahat.

Unti-unting nahuhulog ang mga natipak na bato na galing sa kometa patungo sa mundong ibabaw. Masyadong mabilis ang mga nangyayari at hindi ito inaasahan ng mga tao.

Habang sa malagim na mga pangyayari, may isang binatang lalaki na nakatayo sa hindi kataasang burol at sa baba nito ang malapad at malawak na bukid na puno ng mga damo.

Ito'y nakatingala sa kalangitan habang pinagmamasdan ang kometa na unti-unting natitipak at nahuhulog patungo sa malaki at malawak na lawa na may kalayuan mula sa kinapwepwestuhan niya.

Siya lamang ang mag-isa rito at hindi ito makagalaw dahil sa mga nangyayari. Nakaramdam ang binata ng kaba, takot at lungkot, iniisip niya habang nakatingala na 'Isang magandang bituin na sumisimbolo ng pagmamahalan sa kanilang dalawa ay magbibigay ng hindi maipaliwanag na nangyayari.'

Tumutulo na ang kanyang mga luha, sobra itong nakaramdam ng takot at kaba na hindi niya makikita ang tao na gusto at mahal niya.

Kahit isang beses hindi niya ito nakita sa personal o kahit makausap man lang. Napaluhod na lang ang binata habang nakatingala sa kalangitan, hinahayaan lang niya na dumaloy palabas ang kanyang mga luha.

Kasabay na nito ang pagtama ng bato mula sa kalangitan sa lawa, at naging sobra at malakas ang pagsalpok nito sa lawa at lipulin ang lahat dahil sa pagtama nito sa lupa.

At nangyari ang isinaad na dapat mangyayari. Ang binata ay nilamon ng kadiliman at nagpaalam sa mundong ibabaw habang sa pagtulo ng mga huling luha nito dahil sa nangyari.

———————————————————————

PROLOGUE

Author's Note:

Hello guys pagpasensyahan niyo na po ang prologue na ito dahil medyo maikli hehehehe sorry po. Feel free to comment kung feel niyo hindi niyo gets ang prologue. Sana po support niyo ako until the end of time, hahaha choz lang po. Don't forget like and subscribe hahaha youtube to girl? Hahaha!!
Don't forget to vote ang comment thank you 😊

Your Name (BXB)Where stories live. Discover now