CHAPTER ONE - What Did I Do?

16 3 2
                                    

CHAPTER ONE

Mitchell Blake Dela Cruz POV

Habang natutulog ako, narinig ko ang tunog ng alarm na nagmula sa cellphone ko. Bumaliktad naman ako nang higa dahil ayaw ko pang gumising. "Tsk! Ang tigas ng alarm na'to! Ang ingay huh, my gosh! Gusto mo sirain kita huh? Natutulog pa ako king ina isturbo naman!" reklamo ko sa aking isip.

Bagama't naiingayan ako, merong isang boses akong naririnig. "Taki! Taki!" tawag ng hindi kilalang boses sa isang pangalan. "Taki? Sino naman 'yun?" takang tanong ko pa sa isip. "Pero teka? Parang pamilyar ang boses ah?"

Paulit-ulit pa rin ang pagtawag ng isang boses sa 'di ko kilalang pangalan. Napaisip naman ako ulit habang nakapikit pa, "Pamilyar talaga 'yung boses eh?" Mga ilang segundo pa, "Tama! Boses ko 'yun! Pero... bakit naririnig ko ito? Anong ba'ng nangyayari?" naguguluhan kong tanong sa aking isip.

Ngunit patuloy pa rin ang pagbanggit at pagtawag ng pangalang Taki na animo'y boses ko ito. Mas lalong lumalakas ang pagtawag nito at mas lumalakas pa. "Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong pa rin ng boses ko pero iba na ang nangyayari.

Parang nasa isa na akong panaginip habang gising ang diwa ko. Nakita ko ang isang maamo at gwapong lalaki habang pinapagitnaan kami ng maraming mga tao. "Ano ang pangalan mo?" nagmamadaling tanong ng lalaki dahil hindi niya na ako maabutan pa.

"Mitchell Blake ang pangalan ko!" sigaw na sagot ko dahil sa sobrang dami ng tao. Ngayon ko lang napagtanto na nasa isang terminal kami ng tren. Napakarami talaga ng tao na pumapagitna sa amin dahil nag uunahan silang makapasok sa tren sa kadahilanan ng paghinto nito.

Nasa labas na ako ng tren habang ang lalaki ay nasa loob pa dahil naabutan ito ng mga nagkukumpulang tao. Pilit niyang nilalagpasan ang mga tao at inaabot ang kamay nito papunta sa akin kaya naisipan kong ibigay sa kanya ang braid cord na ginawa ko na nakatali sa medyo kahabaan kong buhok at dali-daling ibinigay sa kanya.

Inihagis ko ito papunta sa kanya at nakuha naman niya ito. Ako'y napangiti dahil kahit sa kaunting sandali ay nagkita kami at meron akong naibigay sa kanya na makakapagpaalala sa akin. Malungkot niya akong tinignan mula sa loob ng tren dahil hindi na ito makalabas.

Nginitian ko na lang siya bilang tugon habang umaandar na paalis ang tren. Hindi ko namalayan, napatulo na pala ang aking mga luha habang tinatanaw ang tren paalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko napigilan ang pagsigaw sa pangalan niya. "Taki! Taki! TAKI!!" humagulhol na ako sa iyak hanggang sa narining ko ang isang tunog ng maliit na batingaw.

Kaya napabuka ako ng mata at napabalikwas ng bangon. Pinagpawisan ako habang bumibilis ang tibok ng aking puso. Napahinga ako ng malalim dahil sa nangyayari sa akin. Napaikot naman ako ng tingin sa loob ng kwarto. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ang weird naman, parang may mali?" napatanong ako sa sarili. At sa hindi ko malamang dahilan, napahawak ako bigla sa dibdib kong wala namang nakaumbok, super flat kumbaga hahaha!

"Huh?" at saka minamasahe ito. "Ba't parang ang weird naman?" napaisip ako.
Naagaw ng aking pansin ang liwanag na nagmumula sa bintana. Patuloy ko pa ring minamasahe ang flat kong dibdib. Bumukas naman bigla ang pintuan at bumungad sa akin ang katawan ng nakababata kong kapatid.

Your Name (BXB)Where stories live. Discover now