CHAPTER TWO - Who Are You?

11 0 0
                                    

CHAPTER TWO

Mitchell Blake Dela Cruz POV

Kasalukuyan kaming nakikipag-usap ngayon sa mga kaharap namin. Hindi ko malaman kung ano ang problema ng mga ito.

"So magkasundo pala ang anak ng Mayor at ang anak ng mga kontratista nito" hindi ko alam kung bakit ito ang pinagsasabi nila ngunit mahihimigan sa boses ang sarkasmo nito.

"Eww!" sabat pa ng dalawang babae na kasama nito. Hindi na lang namin pinansin ang mga pinagsasabi nila at nilagpasan na lamang sila. Patuloy lang sa pagsasalita ang aking ama sa harap ng mga tao. Ngunit sa totoo lang gusto kong magalit sa mga pinagsasabi nila, pasalamat sila wala ako sa mood.

Hindi ko maiwasan na mapa-isip kung bakit sila gan'un. Oo galit ako kay Papa pero sobra naman ata 'yung pinagsasabi at pinaparatang tungkol sa kaniya. Yumuko na lamang ako at sunod naman sa akin sina Tessie at Ken.

Habang patuloy na kami sa paglalakad paalis, nagulat na lang ako nang biglang pagtawag sa akin ni Papa. "Mitchell Blake!" gulat akong napalingon kay Papa habang nakatingin ito sa akin, pati na rin ang mga tao na narito nakatingin na din sa akin.

"Umayos ka ng tindig" hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. "Ano ba'ng pinagsasabi niya?" tanong ng isip ko sa nangyayari. Tinawag niya lang ako para lang sa gan'un? Nababaliw na ba ang ama ko?

Ibang klase rin pala 'tong ama ko. Parang pinapahiya niya lang ako sa harap ng madaming tao. Porque't disente siya na tao dahil tumatakbo siya bilang Alkalde ay sasabihin niya lang 'yon? Ibang klase!

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil nilamon na ako ng pagpapahiya niya sa akin at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad papaalis rito habang nakayuko ako. Sa totoo lang gusto kong magalit ngayon sa kaniya, sa kanilang lahat. Gusto kong ilabas at ibuntong sa kanila itong nararamdaman ko ngayon pero 'di ko magawa.

"Mahigpit pala siya sa pamilya niya" rinig ko pang sabi nila. "Ngayon ko lang rin alam ito" rinig ko pang sabi ng iba. Ibang klase na talaga ang mga tao ngayon, hindi ko nga alam kung maiinis o magagalit ba ako sa kanila.

Nagpapakitang tao si Papa, sa harap pa ng maraming tao, pero parang pinapahiya niya lang ako sa kanila. Masakit kaya kapag ginawa 'yun, at sarili mo pang ama, oh 'di ba ang saklap lang.

Masakit na ngayon ang damdamin ko dahil sa mga nasasaksihan ko. Parang nawawalan na ako ng lakas sa aking katawan, sobrang sakit naman kasi.

"Mitch," pag-aalalang tawag ni Tessie sa akin. "Sa harap pa talaga ng mga tao," tugong bulong ko, tama lang para marinig nila ito. Umaalab na naman ang galit at inis na nararamdaman ko. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang nakarating na kami sa school.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo at nakikinig sa guro namin sa gitna ng aming klase. Kinuha ko ang aking notebook at nagta-take notes para sa mga pointers ng aming lessons ngayong araw.

Habang nagsusulat ako, may napansin ako sa aking notebook. Pinakli ko ito agad ang pahina nito at nakita ko na may nakasulat na 'SINO KA?'

Binigkas ko pa ito nang naguguluhan. Tinitigan ko ito ng maigi, "Sinong nagsulat nito dito? 'Di ko naman ito sulat?" nagtatakang tanong ko sa sarili. Patuloy lang sa pagdi-discuss ang guro namin tungkol sa mga classical and old languages ng mundo.

Habang ako gulong-gulo na pakli-pakli ang mga pahina ng notebook ko. Kada pakli ko ng pahina ay may nakasulat na 'SINO KA?' Nagtataka na talaga ako kung bakit may nakasulat na ganito dito sa aking notebook. Pinatong ko pa ang kabil sa kaliwang kamay ko at iniisip kong mabuti kung bakit may nakasulat rito. Habang nag-iisip ako ng malalim tinawag ako ng aming guro, "Ok next, Mitchell Blake."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Name (BXB)Where stories live. Discover now