CHAPTER 1: MEETING HIM AGAIN

5 3 0
                                    

Yvinne's POV:

"Attention class! I have an announcement, so listen carefully." bungad ng Principal namin, kaya agad natahimik ang klase na kanina'y nagmukhang palengke sa gulo at ingay ng mga kaklase ko.

"You have a new Adviser." dugtong niya
"Sana babae!"
"Sana lalaki!"
"Sana pogi!"
"Sana sexy at maganda!" blah! Blah! Blah!

Pero diko alam kung bakit nakaramdam agad ako ng inis. Waeyooo?

"Quiet Class! Mr. Gonzalo, Please come in and introduce yourself." saad ng Principal na siyang ikinabigla ko. B-bat siya nandito? Akala ko ba nasa America siya? I-it means, siya ang magiging adviser namin?

"Good morning Class! I'm Ice John Gonzalo, but you can call me Ice. I'm your new adviser for the whole year." aniya ng nakangiti at sabay kindat sa mga babae na agad namang nagtilian. Like duhh! Ang landi!

Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa sobrang inis. Sabagay nasakto naman sa kanya yung pangalan niyang niyang Ice, it means Yelo-malamig, walang puso at walang hiya!

*BOOGSHH!*( sorry na agad di ako maalam sa effects e HAHA)

Pagkatapos kong hampasin yung table ko, agad silang natahimik at napatingin sakin, Ganun din yung talanding Adviser namin.

"Hindi ba kayo tatahimik? My Gosh! Umagang-umaga ang iingay niyo." kasi naman e, nang i-stress sila!

"epal!"
"Papansin ka sis?"
"Attention seeker!"

Iilan lamang yan sa sinasabi pero tanging irap lang ang naisagot ko.

"Sorry Miss. Okey Class, open your books on page 19, Our lesson for today is about Biology. Now, who can give me thae meaning of Biology." saad nito habang naglalakad papunta dito sa likod ko pabalik sa harapan.

"Sir, ako po!" taas kamay na sabi ni Whane, our Muse.

Tumango lamang sa kanya si Ice.

"Sir, Biology is the study of life." malanding saad nito at kumindat pa.

Pwee! Malanding nilalang! Punyetaa!

"Very Good. Biology is the study of life where the cells are the basic unit of life blah...blahh...blahh..."

Ilang oras pa ang hihintayin ko dito bago matapos ang klase niya. Hindi ko alam pero bigla ako napapatitig sa kanya. Ang laki ng pinagbago niya, yung black na buhok niya naging brown na at pumuti din siya. Kung kami pa kaya hanggang ngayon, masaya pa rin ba kami? Brrr! Yvinne, what the hell are you thinking? Malamang hindi kayo magiging masaya kasi mapapatay mo siya! Oh well the hell I care kung mapatay ko siya! Napatingin ako ulit sa kanya at naalala ko nanaman yung ikapitong monthsary namin bago kami naghiwalay. Isang bracelet ang ibinigay ko sa kanya, pinag ipunan ko yun nang ilang buwan. Ilang araw lang pagkatapos ng monthsary namin ng bigla siyang nanlamig sa relasyon namin. Umalis siya ng Pilipinas na walang pasabi at walang paalam. Tanging sulat lamang ang iniwan niya sakin, sulat na nagsasaad nang salitang 'Paalam at Tapos na tayo'. Sobrang sakit para sakin yung ginawa niya. Ilang araw, buwan at lumipas pa ang taon para kalimutan siya, lara kalimutan yung sakit na pinaramdam niya. Noong wala na siya, akala ko okey na ako pero siya parin. Ngunit mas nangingibabaw yung poot at pagkamuhi ko sa kanya.

Pilit kong pinipigilan yung mga luha ko na kanina pa gustong kumawala, pero kumakawala parin. Lihim kong pinunasan ito at tumayo kaya nakuha ko ang atensyon nila.

"What's the matter?" tanong nito sakin

"May I go out Sir?" tanong ko nang nakayuko. Wala akong nakuhang sagot sa kanya pero nagpatuloy na lang akong lumabas.

Tumuloy ako sa garden, Yung Favorite na tambayan namin noon. Malaki na ipinagbago nito. Ilang oras ang itinagal ko dito, di na rin ako pumasok sa last subject ko. Gusto ko kasing magpahinga.

"Andito ka pala" Nagulat ako sa biglang pagsalita niya pero di ko na lang ito pinansin, bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo na lamang ng walang imik. Walang nagsasalita samain, ayoko din naman a. Sayang sa energy.

"Ang ganda dito 'no?" tanong niya. Maganda nga pero mas maganda sana kung di kana bumalik.

"Ansarap ng simoy ng hangin" dugtong niya ng di ako sumagot.

Masarap? Seryoso ba siya? Natikman niya ba yung hangin? Lol! Nakasinghot ata 'to ng shabu e. Ilang minuto pa kaming natahimik hanggang sa mag ring nayung bell hudyat na uwian na. Tatayo na sana ako nang bigalang hawakan niya ang kamay ko.

"Yvinne, Can we talk?" saad niya

"No Sir. Wala po tayong pag uusapan at kailangan ko na pong umuwi ng maaga dahil baka mag alala pa yung nanay ko."

Dagli kong inalis yung kamay niyang nakahawak sakin at tuluyan ng umalis doon. I'm not yet ready!

WELCOME BACK TEACHER!Where stories live. Discover now