CHAPTER III: VALENTINE'S DAY

3 2 0
                                    

Yvinne's POV:

Pagpasok ko pa lamang dito sa gate tanaw ko na kung gaano karami ang hayop na nandito. May mga naka couple shirt, Holding hands while walking and of course hindi mawawala ang date. Tss! Sino ba kasi nagpauso nito ng mapasundo ko na rin kay San Pedro? Andaming ka-ek ekan e! Dumeretso n lamang kami ako sa booth naming mukhang tae HAHAHA djk!

Ice's POV:

"Wala pa ba siya?" tanong ko sa isa sa mga estudyante ko.

"Wala pa po" aniya

"Thea, tawagan mo si Yvinne. Marami nang tao diyan sa labas, siya n lang hinihintay." inis kong saad sa kanya.

"Yes sir!"

"Sir, andiyan na po si Yvinne!" sigaw ng isa sa mga estudyante ko.

Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Shit! Ang ganda niya pa rin kahit naka croptop at ripped jeans lang ang suot.

"Grabe bruha! Bat ba ang tagal mo?" tanong ni Thea sa kanya.

"Tss! Pasalamat na lang kayo at dumalo pa ako dito. Kung tutuusin andun sana ako sa palengke at tinutulungan si nanay sa pagtitinda." Masungit nitong saad

"THANKYOUU!" pabalang naman na sagot ng mga kaklase niya.

"Ano na? Tutunga na lang ba tayo dito o sisimulan na natin 'to?" saad niya na siyang ikinataranta ng lahat.

"Magsimula na po tayo sir, si Yvinne nauna na po doon." ani Jess

Pumunta na ako sa line ko nang may biglang tumunog hudyat na magsisimula na. Bawat estudyante ay nabigyan ng 30 minutes para dito. Ilang minuto na rin ang tinagal ko dito dahil hindi ko talaga alam ang daan palabas dito.

*BBBZZZZ* (A/N: Pano ba yung tunog nang vibrate? HAHA diko alam e. Sorry naaaa!)

Napatigil ako ng marinig ko yung sound na yun, it means nahuli si Yvinne. Sa wakas may ilaw na para makalabas ako. Nadatnan ko siya doon na nakaupo habang hawak ang telepono nito. Lumapit ako ako sa kanya at tinanong ito.

"Anong nangyari sayo" tanong ko

"Wala po. Natapilok lang ako." sagot nito

"Masakit pa ba yan?" tanong ko at akma na itong hahawakan ng bigla niyang inilayo ang paa nito.

"Ayos lang ako" saad niya at tumayo kasabay ng pag ring ng cellphone niya.

Tinignan ako nito at parang pinapahiwatig na kailangan niyang sagutin 'to kaya tumango na lamang ako. Lumayo ito sakin para sagutin 'to na sapat na para may marinig ako sa sinasabi nito sa kausap.

"Aling Tina, bakit po?" aniya nito sa kausap

"..."

"ho? Paano po nangyari yun? Saang hospital kayo?" 

Hospital? bakit?

"Sige po Aling Tina, pupunta na po ako. Pakibantayan niyo po muna mga kapatid ko." saad nito at dali-daling nagtungo ito kay Thea at umalis na.

Nilapitan ko si Thea at tinanong ito.

"Anong nanagyari Thea?" tanong ko dito

"Si tita, binaril daw habang nasa palengke ito. Critical ang lagay niya." saad nito at inaayos na ang gamit.

Binaril? Anong ibig sabihin nito?

"Ice?" tawag nito sakin

"Bakit?"

"Wala ka bang alam dito? Yung mga magulang mo?" seryosong biglang saad nito na nagpatingin sa akin sa kanya

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya

"See? Nung namatay si tito, alam nating lahat na tatay mo ang nagpapatay kay tito at ang nakapagtataka pareho kung paano gustong patayin si tita. At alam ko kung ano yung masakit Ice? Hindi man lang nakamit ni tito yung hustisya para sa kanya nang dahil sa pesteng kapangyarihan na yan. Sorry sa sasabihin ko Ice pero simula nung umalis kayo ng Pilipinas maayos na yung pamilya nila Yvinne, not until bumalik kayo ulit. Ayoko nang magdusa si Yvinne sa kagagawan ng Pamilya mo." mahabang aniya nito na nag pahina sakin.

Daddy, ano nanamang ginawa mo?

Yvinne's POV:

Pagkatapos kong marinig yung mga sinabi ni alin Tina, nagpaalam na ako kela The at nagtungo na sa Hospital. Sana mali itong iniisip ko, sana maling kayo nanaman ang may gawa nito.

Pagdating ko nang Hospital, kapatid ko agad yung nakita ko.

"A-ate!" saad nito habang umiiyak na yumakap sakin.

"Shh! tahan na Gello, s-strong si nanay. Hindi niya tayo iiwan, okey? kaya maging Goodboy ka para kay nanay." pigil luhang saad ko sa kapatid ko.

Ang bata pa niya para maranasan yung mga naranasan ko bilang ate niya, ayokong maranasan niya yun.

"Aling Tina, ano na pong balita?"

"Wala pang balita iha para sa mga bumaril kay Celia" saad nito at kinuha sakin si Gello para patulugin muna.

Ilang oras din ang hinintay namin para kay nanay.

"Iha, masyadong malalim ang mga tama ng bala sa nanay sa mo at ang ikinakatakot ko may malapit sa puso itong natamaan. I'm sorry iha pero tanging makina na lamang ang bumubuhay sa pasyente. Excuse me."

Napaluhod ako sa narinig ko, hindi 'to pwede. Hindi pwedeng mawala yung nanay ko, pano na ako? si Gello? Ang bata niya pa!

Pumasok ako sa kwarto ni nanay at nadatnan ko itong nakahiga at maraming aparato ang nakakabit sa kanya.

Lumapit ako dito at hinawakan yung kamay niya.

"Nay, lumaban po kayo parang awan niyo na. Hindi ko pa kaya. Paano na si Gello? Huwag niyo po kaming iwan." umiiyak na saad ko dito kahit alam kong hindi niya ako naririnig

*TOK! TOK! TOK!*

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok tatayo na sana ako ng..

"Ako na Iha" ani aling Tina

Police. Kinausap muna ni Aling Tina ang mga ito bago pinapasok.

"Miss, nakikilala mo ba kung kanino ito? Tanging ito lamang ang naiwan na ebidensya doon sa crime scene." tanong ng isa sa mga Police sakin

Pinakita nito sakin ang isang relo. W-wait! kayy

"Enrile" wala aa sariling saad ko

"Enrile? Sinong Enrile po?" tanong nila

Tumingin ako sa kanila at tumingin ulit sa relong hawak nila

" Enrile Gonzalo. Ito yung relos na binigay ni tatay sa kanya nung magkaibigan pa sila."

"Salamat po sa kooperasyon niyo. Aalis na po kami. Babalitaan na lang po namin kayo." saad nito at tuluyan na silang umlis.

Kailan ba sila titigil? Hanggang sa wala na kaming lahat? Nakakapagod na!



WELCOME BACK TEACHER!Where stories live. Discover now