"Kaunti na lang, makakaalis na din ako."
Maingat kong ibinalik sa aking shoulder bag ang deposit slip mula sa banko bago nagsimulang maglakad. Nakangiti kong tinahak ang Plaza Rizal kung saan maraming mga kabataan ang nakaupo sa mga benches na naroon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit.
Ano kaya ang pakiramdam nang gumala kasama ang barkada tuwing Sabado't Linggo?
Nang kasing edad nila ako ay pagtratrabaho sa palengke ang inaatupag ko tuwing walang klase. Hindi ko naranasan ang pribilehiyo na mayroon ang mga kabataang nasa paligid ko. Ang swerte nila dahil may magulang sila.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga upang iwaksi ang malungkot na ala-alang sumasagi sa isipan ko. Binilisan ko ang paglalakad hanggang makarating ako sa Masaysay street, ang lugar kung saan madalas magpunta ang mga sikat na personalidad.
Napatigil ako sa tapat ng isang shop kung saan makikita mula sa labas ang iba't ibang uri ng camera na naka-display sa loob.
"Good day ma'am! Mayroon po kaming promo sa iba't-ibang klase ng camera na gusto n'yo. Tara na po sa loob para makita n'yo. Pwede n'yo din po try," sabi sa'kin ng salesman na lumabas pa ng shop upang lapitan ako.
Umiling ako sa kan'ya. Sasayangin ko lamang ang oras niya, hindi naman ako bibili. Nakalaan na sa mas mahalagang bagay ang ipon ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Panay ang palinga-linga ko sa paligid, nagbabakasakaling makahanap ng mapagkakakitaan. Ipinagpasalamat kong taglamig na ang klima dito sa Pilipinas dahil kung hindi ay paniguradong mabubura ang makapal kong make-up dahil sa pawis.
Huminto ako sa tabi nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone na nasa bulsa ng maluwag kong maong na pantalon. Bago ko iyon sagutin ay pinagana ko muna ang voice changer app na naroon.
"Hello? Manager! Oo nakuha ko na. Huwag ka mag-alala binura ko na 'yung video. Safe na ang alaga mo, pakisabi sa kan'ya mag-iingat kasi siya. Uso naman tumingin sa paligid bago gumawa ng milagro," sabi ko nang maalala ang nakakatawang ginawa ng huli kong biktima.
Boy next door pa naman ang imahe ng rising star na si Jester tapos may baho palang itinatago.
"Ay! Ang KJ." Napangiwi ako nang binagsak ng manager niya ang telepono.
Kaagad kong tinanggal ang simcard sa aking cellphone at itinapon sa basurahan na nadaanan ko. Mahirap na baka magkahulihan pa.
Maya-maya pa'y narating ko na ang isa sa mga sikat na restaurant na madalas kainan ng mga sikat, Green Paradise. Open area ang lugar at napapalibutan ito ng iba't-ibang uri ng halaman at landscape. Napagpasyahan kong umupo sa pandalawahang mesa sa gilid ng restaurant.
"Di ba sabi ko 'wag ka dito. 'Pag ikaw talaga nahuli," nanggigigil na bulong sa'kin ni Fredo na waiter sa restaurant na ito.
Kinuha ko ang menu na iniabot niya sa'kin. Napangiwi ako nang makita ang presyo ng mga pagkain.
Hindi ako nagpunta dito para magwaldas ng pera kundi para kitain iyon.
"Tubig na lang," sabi ko kay Fredo na binigyan ako ng plastik na ngiti. Infairness, pasado siya sa customer service.
"Umorder ka gaga. Itong italian spaghetti pinakamura nila." Inilista niya na ang order ko kahit hindi pa man ako umo-oo.
Hinayaan ko na lang siya dahil baka inaakala niyang siya ang may-ari nitong restaurant, natatakot yatang malugi kung tubig lang ang o-order-in ko. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Bigo akong makakita ng artista. Mali yata ang lugar na pinuntahan ko.
Inabala ko ang sarili sa pagkain. Masarap naman ang spaghetti nila kaya lang bitin. Ito na ba 'yung 200 pesos? Naku naman. Ilang serving na ito ng spaghetti kina Aling Berna. Hindi nga lang kasing sarap nito.
BINABASA MO ANG
Capturing the Bachelor
RomanceEvery camera clicks create beautiful memories, but for Kai each nasty secrets captured by her lens signifies money. Buong akala niya'y naaayon na ang tadhana sa kan'yang plano subalit nagkamali siya ng minsa'y mahagip ng lente ng kan'yang camera ang...