Chapter 17

120 3 0
                                    

(leira's pov)

naka uwi na ako ngayon sa bahay, well after ng nangyari kanina wala! di na ako maka isip ng matino, alam niyo yung feeling na sobrang tagal na paghihintay para matawag at mapansin ka niya , ayan! napansin ka na ulit, oy oy! di ako papansin ha, konti lang naman hahaha

"Xandria, iha ang ganda ata ng ngiti natin ngayon ah? " ay! sa sobrang saya ko di ko mapigilang ngumiti at ayan napansin na nga ni nanay mendel ^_^

"ay opo! hihihi naalala niyo po yung lalaking kinekwento ko sa inyo? hihi napansin niya po  kasi ako kanina tapos po--- AHHHH!!!!!!! kinikilig ako nay!!! yieeee!! kasi po nahalikan niya ako sa cheeks hihih " di ko mapigilang kiligin ulit, haha patalon talon pa ako

andito kasi ako ngayon sa living room, ito yung tambayan ko pag masaya ako

"dahan dahan naman iha, hahaha nakakatuwa ka talagang bata ka , oh sige maghahanda na ako ng hapunan , maiwan na muna kita ha" sabi ni nanay mendel 

paalis na sana siya ng---

"ay iha, nakalimutan ko palang sabihin na uuwi dito ang parents mo para paghandaan ang nalalapit mong ka arawan, alam mo namang pagdating sayo handa silang iwanan sandali ang trabaho para maghanda sa ka arawan mo" si nanay habang ina ayos kaunti yung buhok ko, natabunan kasi nito ang mukha ko nung natamaan ng hangin sa bintana.

"ganun po ba? mukhang engrande na naman po yan ah" ako, sa totoo lang, ayoko ng engrandeng birthday , di naman masaya yun eh , gusto ko simple lang

"oh siya sige, maghanda ka na, ayusin mo na sarili mo at bumaba ka agad para sa hapunan, wag ka ng mag alala " si nanay habang naka ngiti

at tuluyan na nga siyang umalis

papunta na ako ngayon sa room ko ng---

*riinggg!! rinngg!!! * {ringtone ni leira}

calling gwapong lalaki..... 

omg! tumawag siya ulit, hohoho

sinagot ko na agad ang call

"hello?" ako habang patuloy parin sa pag akyat sa para pumunta sa kwarto ko

"hello, leira? kamusta na? "  siya, para namang di kami nag usap kanina.

"oh edi wow! kala mo isang taon tayong di nagka usap ah! hahaha " narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya

"masama bang magtanong ha? may bayad na ba ang pagtatanong? tss, isa pa kahit isang minuto lang tayong di nagkikita at nagkaka usap para narin yung isang taon sakin! " O.A naman nito

"eh bat ka nagagalit diyan? at ano yan? banat ba yan? naku pag nagkataon na narinig yan ng taong may gusto sayo gigirahin ako nun! dahil aakalain niyang may gusto ka sakin, masakit kaya yun" ako habang tumatawa ng mahina, hahaha andito na ako sa room ko ngayon at naka upo sa kama

"eh pano kung may gusto nga ako sayo? " seryoso ang boses niya ngayon, di ko alam kung nag bibiro ba siya o hindi

di ako maka sagot, parang naging blangko ang utak ko

"hahaha! if only i could see your face! haha ikaw naman! binibiro ka lang eh, wag kang mag alala di kita type, malabong magkagusto ako sa pangit, hahaha " nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, hayy, ayokong magkagusto siya sakin, ayokong masaktan siya

"ilang aircon nilalaklak mo araw araw , ang yabang mo rin eh no? " medyo na asar naman ako sa sinabi niya, ako pangit?? tss. e DI NGA NAGKAGUSTO SAKIN SI XAVIER EH, so malamang pangit talaga ako T_T 

I like him, he likes me NOT!Where stories live. Discover now