Chapter 1

55 11 7
                                    

A/N: Thank you for patiently waiting! First of, ik I promised to publish both prologue and this chap on the same day yet I unpublished this chapter immediately bc I suddenly felt like making a few changes with this chapter, and so I did. I hope you like it! Happy reading!

..._____________________________...

AFTER EATING BREAKFAST ay tumayo na'ko mula sa hapag at lumabas na ng dining.


"Pa! Alis na po ako!" Sigaw ko kay papa mula sa hagdanan namin. Nasa office room si Papa, may inaasikaso tungkol sa business.


My Papa owns a high-end restaurant, while Mama owns a café. Their business is taking off really well, especially because both my parents are so damn good sa kitchen not to mention the incredible skills they have in business! Papa is also an investor of multiple companies, so he really does earn enough money to support our family.


"Ma, papasok na po ako" pagpapaalam ko kay mama.


"Take care, okay? Text me if you forgot to bring something" ngiti sa'kin ni Mama at hinatid ako sa may front door.


"Ma, hindi na po ako bata" natatawa kong paalala kay mama. I'm turning 20 but they still treat me like a baby.


Kahit pa nga gusto ko na bumukod to be independent ay hindi ko magawa dahil bukod sa ayaw nila Mama ay hindi pa raw sila handa.


"I know, I know... but still, baby ka pa rin namin ng Papa mo" natatawa niya ring sabi at pinisil ang aking pisngi.


"Sige na, pumasok ka na naghihintay na si Mang Jun sa'yo oh atsaka baka ma-late ka pa n'yan" pagtutulak sa'kin ni mama paalis.


"Sige po, bye ma! Kiss mo nalang po ako kay papa" I said and kissed her cheeks.


"Good morning Mang Jun! Tara na po?" Pagbati ko sa driver namin na nakatayo sa may pintuan ng sasakyan, inaantay akong pumasok.


"Good morning hija" pag-ngiti at tango ni Man'g Jun sa'kin. Si Mang Jun ang personal driver ko. Ayaw kasi ni Papa akong payagan magdrive mag-isa dahil delikado raw at baka madisgrasya ako. They can be over-protective sometimes that even if nasa adulthood na'ko. I understand them naman.


Pumasok na rin si Mang Jun sa driver's seat at nagtungo na kami sa aking pinapasukan.


I go to a prestigious school, thanks to my parents. I'm taking Business Management as my Major course because Papa said he wants me to handle our business well because it will be passed on to me someday. I'm sort of enjoying my field and although I really wanted to take Culinary Arts, it's alright. I'll take business nalang muna, I can always study cuisine anytime. Also, I don't want to waste my parents' hard work para maitayo ang business namin.


"Bye po, Manong! Text na lang po kita kapag magpapasundo na po ako" pagpapaalam ko kay Man'g Jun, bago ako bumaba sa sinasakyan.


Pagkababa ko ng kotse ay tahimik na sa labas ng campus. Usually ay marami pang students dito, siguro ay nasa kaniya-kaniyang klase na sila. Sa hallway naman ay mayroon pang mga students na nagkukwentuhan, may nag-aayos ng locker, at meron namang mga nagmamadali na dahil late na siguro.

Where Have You Been (Where Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon