Chapter 3

67 6 8
                                    

MISTER MOLINA WHATEVER, I mean Mister Slumber didn't bother me yesterday after I told him that we'll talk about the PETA once we already have ideas on what to do with our presentation and he agreed on that. Madali naman pala siya kausap. Good, because if not, aba eh bahala siya sa buhay niya, it's not like I can't manage on my own. 


I am now inside the campus, walking with one hand holding my phone up and the other holding the strap of my tote bag. "Oh, come on, I'm fine here. No need to worry about me, focus lang kayo sa work niyo diyan" I'm on face time with my parents, they just arrived in California, USA for business matters.


"But princess-" naputol ang sasabihin ni Papa nang magsalita si Mama. Para silang ewan na nag-tatalo sa kabilang linya. Natatawa na lang ako sa ina asal nila pareho, para silang mga teenager.


"Sweetie, you can go to you class now, I trust you'll be fine mag-isa okay? Love you, magre-rest na muna kami." Pagpapaalam ni Mama.


"Drive safely okay? Much better if magpahatid ka nalang sa driver natin!" pahabol pa ni Papa na agad naming sinita ni Mama. Kulit talaga nila.


"Don't mind your father, you can use your car, just be careful. Sige na at baka humirit pa itong tatay mo" natatawang sabi ni Mama na ikinatawa ko rin. Akala mo ay hindi siya grabe magbilin bago sila umalis. They never changed. They still treat me the same, although mas naging maalaga sila sakin for the past few years, I understand naman yung kahigpitan nila din. 


Naglalakad ako habang inilalagay ang phone ko sa loob ng aking tote bag kung kaya't hindi ko napansin na may mababangga na pala ako, causing me to take a step back. Unfortunately, namali ako ng tapak which lead me to lose balance. Akala ko babagsak na ako sa sahig luckily, someone caught me from the back. 


"Hey baby, you okay?" a familiar voice asks from my back. Nilingon ko 'yong nakasalo sa'kin. Turns out it was Mr. Slumber or so Molina who caught me. Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang sinabi niya because the man I bumped into caught my attention. Marco. And he seems to be in a bad mood. I wonder why?


Nakatameme lang ako sakaniya nang magsalita siya na siyang ikinagulat ko. "Shit" he muttered. Napakurap-kurap naman ako. "Tsk. Tatanga-tanga kasi" dagdag niya pa. Mahina lang iyon pero sapat na para marinig ko. Napayuko naman ako sa hiya because a lot of people are now staring at me. I don't really give a damn about what others think of me pero kasi sakaniya ako napahiya. And also I was hurt by his words... just a bit. He's Marco for pete's sake!


"Aba siraulo yun ah" rinig kong sabi ni Molina, na nalimutan kong narito rin pala. Pinigilan ko siya dahil alam kong baka magkaroon lang ng gulo, lalo na't mukhang mainit ang ulo ni Marco. Ayaw pa sana niya papigil pero wala na rin siya nagawa, besides maliit na bagay lang naman ang nangyari. No need to make a big deal out of it. And it's my fault naman talaga. I should've been more careful, dapat ay tinitingnan ko ang dinadaanan ko.


After that ay dumiretso na ako sa classes ko Muntikan pa ako ma-late, buti na lang naunahan ko si Ma'am makapasok. Sakto namang kaklase ko din si Slumber at naupo ito sa tabi ko. Pero bago siya maupo ay naglapag siya ng tubig at sandwich sa ibabaw ng table ko. Kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin. What's with him now?


"Ginagawa mo riyan sa upuan na 'yan?" tanong ko dahil bakit ko siya katabi? Ayoko siya katabi! But he did save me from falling kanina sa floor... "At para san naman 'yang pagkain at tubig na yan?" tanong ko ulit bago pa man niya masagot ang naunang tananong.

Where Have You Been (Where Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon