Chapter 2

45 11 7
                                    

"SWEETY WAKE UP, you're gonna be late again" I hear someone say while caressing my cheek. I slowly opened my eyes and saw Mama seated beside my bed, gently tapping my arm. 


Ayos na ayos ang porma ni Mama ngayon. She's wearing a black V-neck puff blouse and white high waist slacks paired with her Dior stiletto and Chanel bag.


"Morning Ma, saan ang punta?" I got up and yawned.


"Your father and I have a business trip, maiiwan ka muna rito ng tatlong araw" she said as she took the brush on my side table and started brushing my hair.


"Hon! Let's go, we're gonna be late for our flight!" I heard Papa shout. 


"Sige na ma, baka ma-late pa kayo ni Papa. Ingat kayo" I said and kissed Mama's cheek.


"There you are, I've been looking for you," Papa said as soon as she saw Mama after opening the door of my room. 


"Sige na po alis na kayo, baka ma-late pa kayo sa flight n'yo" pagtutulak ko kay Mama.


"O'siya sige. Don't forget to lock your door and windows, okay? Set your alarm or kaya magpagising ka kay Manang. There's food na sa hapag, kumain ka before you leave and-" my Mom kept reminding me while I was trying my best to stop myself from laughing.


"Hon, malaki na anak mo. Kaya na niya yan" sabi ni Papa habang natatawa, nahampas tuloy siya ni Mama sa braso.


"Sige na Ma, go ahead. I can handle myself na" I said and stood up to give her a hug and a kiss on her cheeks.


"Okay, mag-iingat ka ha? Take care. Love you, baby" Mama said habang inaalalayan siya ni Papa palabas ng kwarto ko. Natatawa naman akong nailing-iling sa kakulitan ni Mama. Si papa naman ay natatawa rin at binigyan ako ng huling tngin bago isarado ang pinto.


I took a 30-minute bath and dressed up in my white square neck puff sleeve dress paired with my white keds sneakers and a khaki shoulder bag.


Habang inililipat ang iba kong mga gamit sa khaki bag ko ay napansin kong wala iyong paborito kong libro sa bag ko kahapon.


Asan na kaya yun? Shocks, I can't lose that! That's my favorite book and it is very important to me because it's the last gift my grandma gave me before she passed away.


Hanap ako ng hanap sa libro pero nahalungkat ko na ata ang buong kwarto ko ay wala pa rin. Hindi ko pa rin makita.


"Athena, hija?" Ring kong tawag ni Manang Osna habang kumakatok sa pinto ko.


"Bukas po 'yan!" Sagot ko. I stood up straight and tied my hair into a ponytail.


"Hija, male-late ka na hindi ka pa kumakain" sabi ni Manang habang napapangiwing pinapalibot ang mata sa kwarto ko. 


"May hinahanap po kasi ako Manang kaso hindi ko ho makita" nahihiyang sabi ko kay Manang habang napapakamot sa ulo.

Where Have You Been (Where Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon