Kayo ba naranasan niyo nang magmahal ng isang tao na siya ang mundo niyo? Na ginawa niyo ang lahat nang makakaya niyo para sa taong iyon? Pagkatapos sa huli ay iiwanan kayo.... iiwanan kayo para matupad yung pangarap niya?
Nirereview ko yung notes ko habang andito sa school campus garden. Habang deadma lang ako sa mga taong dumadaan.Nagbubulungan tungkol sa nangyari two days ago.
"Hindi ba si Carline niyan? Yung iniwan ni Arjosh. Gosh! Buti may lakas pa siyang pumasok ng school. Kung ako iyon baka nag-drop na ko o kaya naman nag transfer na ko sa ibang school."
"Oo nga girl, tignan mo mugto pa din yung mata niya siguro dahil sa kakaiyak mula pa kagabi."
Hindi ko napigilang lingunin yung dalawang babaeng nagsasalita. Sabay silang ummiwas ng tingin at dumireso ng lakad.
Ano bang alam nila? Hindi nga nla alam kung ano talagang nangyari tapos ang lakas mag-assume. Mugto yung mata ko dahil sa kakaiyak kanina dahil maliban sa pagiging brokenhearted ako sa boyfriend ko.. niloko pa kong sarili kong best friend. Sobrang nakakainis dahil ang tanga-tanga ko kung bakit hindi ko iyon napansin.
Alam niyo yung tinuring mo siyang parang kapatid na halos nang bagay meron ka ay hinahatian mo siya. Alexa and I were friends since we were elementary. We grew up together in all ways na ultimo tumira na kami sa iisang bahay dahil lagi kami nagshe-share. Hanggang sa dumating si Arjosh sa buhay ko. And now our friendship is totally gone and ruined. Ruined forever
"Sabi sa inyo yung bestfriend talaga niya ang type ni Arjosh simula pa lang. Ginawa lang siyang bridge para maligawan si Alexa."
Lumakas yung bulung-bulungan nang may biglang naglakad papunta sa direksyon ko.
"Oh my si Alexa! Anong mangyayari?"
Agad akong nagligpit ng gamit at tumayo nang akmang lalakad na ko palayo bigla naman akong nabunggo sa kung sino sa unahan ko.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?"
Hindiko man tignan kung sino yung taong iyon alam ko siya iyon at sigurado akong siya iyon. Bakit talagang pinaglalaruan ba ko ng tadhana.
"Tatag mo din no? Talagang nagaawa mo pang pumasok ng Michigan kahit ganoon na yung nangyari!? sarkastikong panunuya nito.
WHAT!? Anong gusto mo huwag akong pumasok para isipin nila na apektado ako sa nangyari at naloko ako ng isang Fuentabella? at nang traydor best friend ko?.... gusto ko iyon sabihin sa kanya ngunit tama na ang mga usap-usapan na nangyayari sa paligid.
"Well alam naman nang lahat at ng buong school na hindi kita sineryoso." isang halakhak ang narinig ko at saka muling nagsalita. "...na kaya kita naging girlfriend ay upang maligawan at maging si Alexa. Tanga ka kung hindi mo nahalata iyon!"
PAK!
Isang sampal ang binigay ko sa kanya. Ang kampal din ng mukha mo para magpakita sa akin isama mo pa yung haliparot kong ex-best friend!
"Ito papakatandaan mo Carline Esperanza Antonio.." hinapit niya palapit sa kanya si Alexa na kanina pa na sa gilid niya na hindi umiimik. "Hindi kita mahal at mas lalng hindi kita minahal dahil ang tunay na nagmamay-ari ng puso ay walang iba kung 'di si Alexa lamang!" hiyaw nito sabay alis at niyakag si Alexa kasama niya.
Ako naman nagkibiti-balikat lang at nag-decide na umuwi na lamang.
Ang sakit-sakit di ba!? Ginago ka ng boyfriend mo ginagago ka pa ng best friend mo. Kung pwede lang may pumalit din sa kanya di ba? Yung mas sweet sa kanya yung mas papakiligin ka, yung hindi ka paiiyakiin at higit sa lahat yung hindi ka iiwan.
Minsan nga naisip ko paano kaya kung mag-asawa na lang ako di ba? Mas okay yun at least walang kawala?
------------------------------------
"GIrls out there... ito ang masasabi ko sa'yo... huwag niyiong ibigay ang lahat-lahat kkasi baka... bandang huli kayo rin yung uuwi ng luhaan." sabi ng dj sa radio.
"Tama!"
"Carline... anak.."
"Oh Mama pasok po." hindi lang si Mama ang pumasok pati din si papa.
Umuop sila sa tabi ko at seryosong expression nila. hindi ko alam kung seryoso sila o di kaya trip lang nila seryosohin ako.
"Anak... lisetn to us..." Wow! English nosebleed ako nito pagkatapos....
"We're really sorry baby..." biglang umiyak si Mama sa harapan ko. Hala!? Ang meron ba?
"Anak kasi.... ang ko-okmpanya ng daddy mo nagdeclare na ngbankruptcy. And we have no choice but to settle an agreement to those people." humagulgol na ng iyk si mama. Habang ako hindi ko gets yung sinasabi niya.
"Anak kasi..." si papa na yung humarap sa akin. "We'll have the best investor in our company...."
"Edi solve na yung problema? Bakit pa po kayo umiiyak diyan?" sabi ko sa kanila.
"Baby... it's like they bought something precious to us exchange for the big money.."
"And what's precious to you that they bought?" tanong ko.
"You... baby..." si Mommy. "We agreed you to marry their son exchange of being a financer and an investor to our hotel company."
"What!? No Ma! That--- that is not true!" Ano!? Ako ikakasal sa hindi ko kilala at parang binili pa ko parang maging asawa ng kung sino!? Derfinitiely not!! Waaa! bakit naman ang bilis ni God sagutin yung dalanginko. Alam kong gusto ko mag-asawa pero hindi naman sa ganitong paaran.
"I'm sorry... we're sorry."paulit-ulit nilang sabi.