Chapter 5

1.1K 26 1
                                    

My Wife's Prepared Food

Adam's PoV

Itong si bossing talaga lagingay menopause. Highblood mula ng umuwi ito galing school. Nasa bahay ko ang buong Outlaws dahil libre daw ni boss ang inumin. Hahaha! Siyempre sa ganitong painom ni boss aba hindi kami tatanggi.

"Bossing, ano kumusta na?' tanong ni Steven. Halatang hindi maganda ang mood nitong buhat noong umuwi kami galing school. Pero nanatili lang tong tahimik habang iniinom ang isang vodka.

Mukhang nalugi lang. Gusto ko sanang asarin baka huling inom ko na ito. Mahirap na.

"Wanna die?" Tanong ni boss kay Prince na ngayon ay hawak sa leeg ni boss habang iniipit niya ito sa braso.

"Aaah! Boss naman oh! Kung lalambingin mo ko.... pwede mamaya na?" Sigaw naman ni Prince habang kami nagkakatawanan lang sa kanila. Nakita namin kumawala ito kay boss pero naghabulan sila sa sa lounge namin.

Hindi ko nga maiwasan minsan na magtaka sa boss namin. Tila may nag-iba sa kanya na hindi ko mawari.

"Seth, may napapansin ka ba sa kinikilos ni boss?" tanong ko. Siyempre siya yung Mr. You-Know-All nang grupo namin. Mas safe magtanong dito dahil may mahihita ka sa sinasabi nito.

Kumuha ito ng dalawang beer at inabot ang isa sa akin. "Ewan ko, hindi ko sure kung talagang may iba sa ugali niya. Kung baga under observation siya sa akin." saka nito nilagok yung beer na hawak niya. Oh di ba sabi sa inyo eh meron iba sa kanya. Siguro nga ay tamang magmasid muna kami sa kilos niya.

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone nang kung sino. Cellphone ni bossing. Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito.

"Anong update? Uhuh... look I want you to investigate that part.. blah... blah." Hindi ko na pinakinggan dahil straight English nag no-nosebleed ako. Medyo matagal-matagal ang naging usapan nito sa cellphone.

"Boss, anong balita?"

"My parents would be out of the country by two months. They will finish the arrangements of other organizations."

"Oh matuwa ka dahil mukhang mas madali na sa atin na gawin ang mga plano dito sa Pinas." Sabi ni Seth. Kung sa bagay totoo ang sinabi nito. Kung andito kasi ang pinaka-boss mas mahigpit din kami sa kilos namin.

Wala dapat makakaalam kung ano kami at anong pakay namin dito.

Kiefer's Pov

Ayon at mukha back to normal si boss nang mabalitaan nito na wala ang parents niya. Hindi naman sa pasaway siya o kung ano sadyang mas malaya lang kaming magplano na kung ano para sa Outlaws.

"Boss umuwi ka na kaya baka nandoon na si miss Carline sa bahay niyo." Sabi ko. Panay tingin din kasi nito sa cellphone para bang may hinihintay na tawag.

Pero ang inaasahan kong aawayin niya ako o sasamaan ng tingin hindi nangyari.

"Oh mukhang okay lang sa'yo. Mukha ngang baka magkasama pa yun noon Prince ba iyon?" Ngumisi si Seth sa amin.

"Ah iyon ba? Yung matangkad na lalaking kasama ni Carline sa school. Oo nga, balita ko group study iyon sa bahay noon." Sumumod na sabi ni Steven.

Bumalik ang tingin ko kay bossing na sumimangot sa tabi. Haha! Mukhang epektib. Maasar ko nga.

"Bo---"

"Try and you'll die." Tumingin ito sa gawi ko kaya hindi ko na natuloy yung sasabihin ko.

"Wala ka pala. Bahag ang buntot ni pare." Pang aasar ni Zac nag aapiran sila Adam Steven at Prince.

"Tangina niyo." Sabi ko sa kanila at binato ng unan.

Married to a Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon