Chapter 3

2 2 1
                                    

XYRENE

"Huwag mo nang ayusin 'yan, maganda ka pa rin naman!"

Huwag mo nang ayusin 'yan, maganda ka pa rin naman!

Huwag mo nang ayusin 'yan, maganda ka pa rin naman!

Huwag mo nang ayusin 'yan, maganda ka pa rin naman!

"Oh? Naniniwala ka naman?" natatawang tanong nito sabay talikod sa'kin.

Hindi ba ako namalikmata? O kaya naman nabingi? Tinawanan niya talaga ako?

"Hoy Ate! Natulala ka na? Sinabihan ka lang maganda eh!"

"Oo nga, Tammy eh. Kaso, joke lang pala!"

"Sana sinabi mo~Para 'di na umasang ma—"

"Hoy kayong dalawa! Dami niyong alam. Halina na nga kayo, kumain na lang tayo!" alok ko at saka nauna nang lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam pero naiinis ako.

"Oh Xyrene? Okay ka lang? Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha mo?" tanong ni Tita Cathy.

Masyado bang halata?

"W-wala po Tita. Pagod lang po siguro ako" pilit ang ngiting sagot ko at saka tumulong na sa kanila sa paglalagay ng mga kutsara't tinidor sa plato.

"Ay naku! Pagpasensyahan mo na at mahilig lang talagang maglaro itong dalawa lalo na si Chachy!" sabi naman ni Tita Grace.

"Okay lang po. Nag enjoy rin naman po ako eh" nakangiting sagot ko.

"Si kuya kasi, binawi pa!"

Nagulat ako nang biglang nagsalita si Chachy.

"Ayan tuloy!" sakay naman ni Tammy.

"Uy kayong dalawa!" tawag ko at saka pinanlakihan ng mata 'yung dalawa.

Ngumiti naman ang mga ito ng abot hanggang tainga. Naku naman! Feeling ko ginagantihan ako ng mga 'to eh.

Saglit akong napasulyap kay Sceven. Pero agad din akong napaiwas nang makitang nakatingin din pala siya sa'kin.

Naku po! Anong nangyayari sa'kin? Bakit parang bumibilis ata ang tibok ng puso ko? 

"Iha? Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" napakurap-kurap ako nang marinig ang tanong ni Tita Grace.

Nag-aalala ang mga mata nitong napalingon sa akin.

"W-wala po!" mabilis na sagot ko.

"Masakit po Mama 'yung heart ni Ate Xyrene eh"

"Oo nga po Ninang at Mama. Nakakabingi na nga rin daw po 'yung lakas ng kabog ng puso niya"

A-ano?

"Naku Xyrene! Baka kung ano na 'yan. Gusto mo ba pumunta tayo ng ospital bukas para magpacheck up?"

"Oo nga Iha. Para maagapan natin kung ano man 'yan"

Napakamot na lang ako sa ulo nang marinig ang mga sinabi nila.

"Pffftt"

Sabay-sabay kaming napalingon nina Tita sa dalawang bata nang bigla ang mga itong natawa.

"Chachy? Tammy? Anong nakakatawa?" seryosong tanong ni Tita Grace sa kanila.

"Wala naman po, Mama. Si kuya kasi eh!"

"Bakit?" tanong ulit ni Tita Grace.

Nalipat naman ang tingin namin kay Sceven.

"Oh?"

Sungit!

"Hay naku! Hayaan mo na yan Iha, halika na at kakain na tayo ng hapunan"

Hapunan?

Saglit akong tumingin sa labas at hala? Madilim na? Hapunan na nga 'to. Ibig sabihin, mahigit dalawang oras kaming naglaro sa loob?

"Xyrene, upo ka na"

"Tita?"

"Bakit?" napaangat ang tingin na tanong sa'kin ni Tita Cathy.

"Pasensya na po sa tanong ko pero anong oras po ba tatayo uuwi? Baka po kasi mahirapan tayo sa sasakyan. Pasensya na rin po at hindi ko po namalayan ang oras"

"Ay oo nga pala! Hindi ko nasabi sa'yo Xyrene na dito tayo matutulog"

"Po?" gulat kong tanong.

"Huli ko na kasi Iha nasabi rito sa Tita mo na dito na kayo matulog para naman mas makapagbonding pa tayo. Kaya halika ka na, upo na at kakain na tayo"

Napalingon ako kay Tita Grace nang marinig ang sinabi niya. Napatango-tango na lang ako. "S-sige po, Tita"

Uupo na sana ako nang bigla akong pigilan nina Tammy at Chachy.

"Uy Ate Xyrene, do'n ka!"

"Oo nga Ate Xyrene, walang katabi si Kuya eh!"

Nakakapansin na 'ko sa dalawang 'to ah.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka umikot para umupo sa tabi ni Sceven. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako susunod.

"Pero magdadasal muna tayo ah? Oh Chachy at Tammy, lead the prayer na!"

"Opo. Pero Kuya, inform lang kita ah? Mag pi-pray na po tayo. Mamaya na iyang pa-secret sulyap mo kay Ate Xyrene. Mahirap na at baka pagkadilat ng mga mata natin, tunaw na si Ate!"

---

🌟MissSeunajin🌟

Beating Heart: A Quick Love StoryWhere stories live. Discover now