XYRENE
Gulong dito. Gulong doon. Bilang ng bulaklak sa floral curtain. Isip na kung kailan iihi ang manok. Naku naman! Halos lahat ginawa ko na, pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok.
Nailibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto. Ang himbing na ng tulog nina Tita Cathy at Tammy. Anong oras na ba?
Eh? 12 am na?
Okay lang kaya na lumabas ako ng kwarto at magpahangin sa may veranda nila? Kaso, masyado nang late, baka kung ano pang mangyari sa'kin do'n. Baka mamaya niyan, nando'n pala sina Kuyang parang nagmamatyag.
Makapunta nga muna sa kusina.
Hay! Ang sarap sa feeling ng malamig na tubig.
Ano kaya kung mag youtube muna ako? Buti na lang pala at nakapaload ako kagabi.
Panay lang ang scroll ko. Ano kayang magandang panoorin?
"Master Devil Do Not Kiss Me?" tanong ko nang mabasa ang title nito.
"Try it. Maganda yan!"
"Ay pusang gala!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa tabi ko.
"Sa lahat talaga ng pwede mong sabihin, 'yan pa?"
"Sceven?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko nang marinig ang boses niya.
Madilim kasi rito sa sala. Hindi na ako nag atubiling buksan pa ang ilaw.
"Good to know, kilala mo na boses ko"
"Huh?"
"Bakit ba puro ka huh? Ano? Bingi ka ba?"
Sungit!
"Teka nga lang, anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Ikaw? Bakit nandito ka pa?"
Tama bang sagutin ng tanong ang isa pang tanong?
"Hindi ako makatulog" sagot ko na lang.
"Same" sagot niya rin.
Napatango-tango ako. "Sige, punta na ako sa kwarto" pagpapaalam ko.
"Wait!" nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kaliwa kong kamay.
"Sorry" pero agad niya rin naman itong binitiwan.
Naku po! Bakit parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko?
"B-bakit?"
Bakit ganito? Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko!
"Hindi ka pa naman inaantok, 'di ba?"
"H-hindi pa naman"
Bakit ako nauutal?
"Pwede bang samahan mo muna ako?"
Ano raw? Samahan muna siya?
"Okay lang ba?"
"S-sige"
Nahihiyang bumalik ako sa pagkakaupo at umisod ng kaunti palayo sa kanya.
"Anong pangalan mo?" tanong niya na agad ko namang sinagot.
"Xyrene. Xyrene Francisco"
"Tell me about yourself"
Huh?
Napabaling ako sa kaniya kahit pa madilim. Napakunot-noo ako.
"A-ano?"
"Please"
Bakit niya tinatanong 'yon? Aalukan niya ba ako ng trabaho? Interview ba 'to? Sana man lang sinabi niya para nakapaghanda ako kahit papaano.
Mabilis akong napailing. Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?
"Ano bang sasabihin ko? Mga favorites ba gano'n?"
"Ikaw bahala"
Napaisip naman ako. Favorites ko?
"Hmm... Sa pagkain, marami eh. Pero sige, sa ulam ay 'yung Sinigang na Hipon. Sa kulay naman, yellow and pink. Ano pa ba? Hmm... Paborito kong---"
"Anong lugar ang dream mong mapuntahan?"
Hindi pa nga ako tapos eh.
"Bakit?"
"Just answer it!"
"Paris"
"Okay. Can I ask you one question?"
"Sige. Ano 'yon?"
"Do you already have a boyfriend?"
"Huh? Ano?" gulat kong tanong.
Bakit niya tinatanong?
"Nevermind. Sige na, matulog ka na. Huwag ka nang magpupuyat sa susunod, Xyrene!"
---
🌟MissSeunajin🌟
YOU ARE READING
Beating Heart: A Quick Love Story
Historia Corta"You'll always be my beating heart, Sceven!" --- Xyrene Arkeine Fornejo