Chapter 1

8 3 2
                                    

XYRENE

"Ate Xyrene, kung dito ka na lang kaya mag college? Tapos do'n ka mag-aral sa pinapasukan ko para same tayo ng school. Hihi" suhestiyon ni Tammy, pinsan ko.

"Oo nga naman Xyrene, dito ka na lang. Panigurado naman na papayagan ka ng Mama at Kuya mo" pag sang-ayon din ni Tita Cathy.

Napaisip naman ako. Kung dito kasi ako mag-aaral, kahit payagan nila ako, panigurado rin na 'di ko kakayanin. Ang layo naman kasi. Hindi pa man din ako gano'n ka independent para mahiwalay kina Mama at Kuya eh. Isa pa, ang layo ng bicol mula rito.

"Hindi ko po kayang manirahan Tita at Tammy dito sa manila" sagot ko na lang at saka tumingin sa bawat madaraanan ng jeep na sinasakyan namin ngayon.

Parang masyadong magulo.

"Ay! Sayang naman Ate. May mga naisip na sana akong gagawin natin tuwing recess at walang pasok eh!"

"Asus! Magpapalibre ka lang sa'kin eh!" natatawang biro ko.

"Hay naku! Sigurado yan Xyrene. Aba! Kain is life ata itong pinsan mo!" pag-sang ayon naman ni Tita na siyang ikinanguso ni Tammy.

"Ma naman eh!"

"Halata naman po Tita" pag-sang ayon ko rin.

"Waaahhh! Ang bad niyo! Porket ang papayat niyo eh. Pag ako sumeksi, rarampahan ko kayo ng mala-catriona walk, 'yung lava walk!"

"Sige ah, hintayin ko yan tsabatsingtsing!" sabay gigil na pisil ko sa pisngi niya.

Sarap pisil-pisilin!

"Waaahhh! Ate, ang shaket!"

---

"Mama! Nandito na po sina Tita Cathy at Tammy!" sigaw ng isang maliit at mataba rin na bata na lumabas sa pintuan ng bahay.

Parang si Tammy lang eh. Ang cute!

"Nandyan na? Oh siya Chachy, pakisabi sa Tita Cathy mo na pumasok na sila at tatapusin ko lang ito"

'Yon na siguro 'yung Ninang ni Tammy na kumare naman ni Tita Cathy.

"Tita Cathy, pasok na raw po kayo! At Tammy, halika! Play tayo!" sigaw nito habang hindi pa rin umaalis sa may pintuan.

Ang liit na bata pero ang lakas ng boses. Parang minions ang batang 'to. 

"Oh tayo na, pasok na raw tayo" alok ni Tita Cathy at saka nauna nang naglakad papasok.

"Uy Ate Xyrene, anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang amaze na amaze eh!" baling sa akin ni Tammy.

"Ang cute niyo kasi!"

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya.

"Huwag mong sabihin Ate na... pareho mo kaming bibigyan ng isang kiliti power ngayon?"

Nakakalokong ngumiti naman ako with matching pataas-taas ng kilay.

"Waaahhh! Chachy, Takbo na!" nagulat ako nang biglang kumaripas ng takbo 'yung dalawa papasok sa loob ng bahay.

"Tammy! Chachy! Here na me!" natatawang sabi ko at saka mabilis silang sinundan.

---

"Ate Xyrene, laro pa tayo!" pangungulit pa rin sa'kin ng dalawa.

Kanina pa nila ako hinihila rito sa upuan pero hindi nila ako mahila-hila.

"Mamaya na lang, okay? Tingnan niyo oh, pawisan na kayo. Hali nga kayong dalawa at pupunasan ko ang mga likod ninyo!" tawag ko sa dalawa.

Pero sa halip na lumapit ay bigla silang bumitiw sa kamay ko at mabilis na tumakbo.

"Habol Ate Xyrene!"

"Kayo talaga. Bumalik nga kayo rito!"

Pero hindi nila ako pinansin dahil pumasok na sila sa loob ng kwarto. Rinig ko naman ang hagikhigakan nila sa loob. Ang energetic ng mga batang 'yon ah!

Napailing na lang ako at saka ipinunas na ang towel sa mukha ko.

Grabe, ang pawis ko!

"Oh Iha, uminom ka muna ng tubig. Alam kong napagod ka sa dalawang 'yon. Pasensya na at makulit talaga ang mga 'yon lalo na pag magkasama" alok sa akin ni Tita Grace, mama ni Chachy.

Agad ko namang tinanggap ang baso na may lamang tubig.

"Salamat po. At saka okay lang po 'yon, masaya rin naman po kasing makipagkulitan sa kanila eh" nakangiting sagot ko at saka ininom na ang tubig.

"Grace? Nasaan ba rito 'yung asukal? Nakakalito naman kasi ang mga lalagyan mo, halos pare-pareho!" rinig naming tanong ni Tita Cathy mula sa kusina dahilan para matawa kaming dalawa.

"Oh siya, punta muna ako do'n Iha at baka asin pa ang makuha ni Cathy"

Natatawang tumango ako. "Sige po"

Tumayo na siya at hahakbang na sana nang may mag doorbell.

"Ay Iha!"

"Bakit po?" tanong ko nang muli siyang lumingon sa akin.

"Pwede bang ikaw muna ang bumukas no'ng gate? Panigurado si Sceven na 'yon"

"Sceven po?" takang tanong ko.

Sino 'yon?

"'Yung pasaway kong anak, Iha"

---

🌟MissSeunajin🌟

Beating Heart: A Quick Love StoryWhere stories live. Discover now