Jonathan's POV
Psh! Bakla daw ako? Siopao na may ketchup at pizza na may pepperoni! Bakla? Shit ang sakit nun? Porket sya yung una ko bakla agad? Hindi ba pwedeng sya lang talaga yung nakapagpatibok sa puso ko? Pero okay lang. Pagbigyan ang pasaway. HAHA! Mahal ko naman eh.
"Crush" sabay kalabit nya sakin.
"Oh?" Sagot ko naman.
"Galit ka ba?" Tanong nya ng nakapout. Haha. Ang cute. :D
Pero kahit nacute-an ako sa kanya..
Hindi ako sumagot.
"Hala ka? Galit ka crush??"
"Hindi ah." Naglabas ako ng libro kasi medyo inaantok ako.
"Galit ka eh. Sorry na po."
Hindi ko sya pinansin para lambingin ako. Ang cute nya kasi magsorry. Haha!
"Crush naman eh. Sorry na. Please?" Bulong nya sakin.
"Huh?" Kunwari di ko narinig.
"Wala sabi ko, I love you."
"Ah, okay."
"HMMFFT! K-PAYN." Hala? Nagtampo na. HAHA!
"Huy crush? Haha!"
"ANO?!" Tumalikod lang sya sakin.
"I love you too." Sabi ko with naglalambing na boses. Ang corny ko na. Humarap sya sakin..
"Hmmmm. Okay!" Answered with a big smile.
"Sure?"
"Yup!! Okay na crush!" Napaka energetic talaga. Walang kupas. :)
Dumating na yung teacher namin sa Chemistry.
"Get 1/2 crosswise!" Sigaw ni ma'am.
"Crosswise ma'am?" Typical na tanong ng bawat istudyante. Nakakabobo.
"Kakasabi ko lang di ba?" Pilosopong sagot ng mga teacher. Hay buhay! Pano kung hindi naman talaga narinig di ba?
"Halaa maaaaaam! Review muna!" Sigaw ng mga classmate namin.
"Kahapon ko pa sinabi yan. Dapat nakapagreview na kayo."
"Hala! Eh ma'am!" Sigaw ni crush.
"turuan nalang kita crush." Sabi ko naman sa kanya.
"Yey! Thankyouu:)"
"Tss! Get 1/2 crosswise! Itago nyo na lahat. Papel at ballpen lang makikita ko!"
Edi nagsimula na magpaquiz si ma'am.
"Crush. Di pa ako nakakapagreview." Sabi ni keith.
Ano ba naman talaga 'tong babaeng 'to. Sinabi ko na nga na ako bahala sa kanya e. :3
"Ako na bahala. Easy ka lang."
Nagquiz na kami. Hindi ko naman sya pinakopya. Tinuruan ko lang naman sya. Pagkatapos ng quiz namin.
"Yipie!"-keith
"Anong score mo keith?" Tanong ng mga insecure na istudyante na ayaw malalamangan. Tao nga naman.
(Author: ouch! Tinamaan ako JM. -_-)
"16/20 lang pero pwede na din! Hahaha! Ikaw ba?" Tanong nya sa nagtanong sa kanya.
"14 nga lang eh. Haha! Galing mo naman." Nakita kong umirap sya. Tsk. Sarap tusukin yung mata.
"Ikaw crush? Anong score mo?"
"Zero." Sagot ko sa kanya.
"Hala? Zero? Niloloko mo lang ako eh. Ikaw makazero? Ano nga score mo?" Andami kagad nasabi. Inagaw nya yung papel ko.
"Teka crush!"
"Tignan mo! Perfect ka nga eh! Zero ka dyan. Yabang mo talaga!" Sabi nya sakin.
"Eh crush di pa kasi ako tapos, zero mistake kasi yun."
"Ayyyy? Ganun ba? Hehe. Sorry naman." Nagpeace sign sya sakin.
"Nahihirapan ka pa ba sa lesson?"
"Hmm di na gaano. Thankyou crush"
"Wala yun. Ikaw pa ba?" Lahat naman gagawin ko para sayo.
"Yey! Ang bait bait mo ngayon ah!" Sabay ginulo yung buhok ko. Ginawa naman akong aso. Haha!
"Huy! Ano ba crush!?"
"Wala ambait mo kasi ngayon. :)"
"Ah? Ganun ba?" Hinalikan ko sya sa cheeks.
"Hala? Crush naman! Si ma'am oh? Grabe napaka PDA."
"Sorry naman." Napakamot nalang ako ng ulo. Si Keithleen naman namumula. Haha!
Uwian na.
"Crush? Sasabay ka?"
"Huh? Eh kasabay ko si kuya eh? Bukas nalang siguro."
"Ulap tara na!! Marami pa akong assignment." Sigaw ng kuya nya na nagmamadali.
"O-opo kuya! Wait." Humarap sakin si keithleen. "Bye crush!" Sabay humalik sya sakin sa pisngi.
Tumakbo na din sya papunta sa kuya nya.
"Kuya Sky! Tara? Sabay nalang po kayo sakin." Sigaw ko naman.
Hinila nya si keith papalapit samin parang aso. Walang awa sa kapatid 'tong kuya nya. -_-
"Sige. Madami pa kasi ako gagwin. Pasabay na kami." Pinagbuksan sila ng driver ko. Tapos yun pumasok na sila.
Habang nasa daan kami.
"Jonathan? Ulap. Umamin nga kayo." Seryosong pagsisimula ni Sky sa usapan.
"Ah? Eh k..kuya? Ano yun?" Utal na sagot ni Keith.
"Opo. Kami na kanina lang." Sagot ko naman na walang reaksyon.
"Ganun ba? Wag mo sasaktan yung kapatid ko. Ayoko na umiiyak 'to. Sa totoo lang ayaw ko sayo." Tss. Usap pa more. Para namang sasaktan ko si keith. -_-
"Pero dahil mahal ka nya, hahayaan ko muna kayo." Tuloy nya pa.
"YES PREACHER." Sagot ko nalang sa kanya. Sabay hampas sakin ni Keith. Nainis na ako eh. -_-
A/N: haha! Lumalabas na naman kasungitan ni papa JM. Abangan ang susunod. ✌
Follow: TheFriendZonedGuy.
Vote/Read: It Started With A Simple Crush & Ghost Mission: Making A Cassanova Fall Inlove with a Nerd.
FB Account: khonvalle03@gmail.com
BINABASA MO ANG
It Started with a Simple Crush [ON Hold]
Teen FictionBakit hindi ka Crush ng Crush mo? Haha! kasi ako yung Crush nya. Ay! mali! kasi Mahal na nya ako. Eto ang Kwento ng dalawang typical na student na syempre nagkakacrush. Maiinlove.. Magkakatuluyan.. Maghihiwalay.. Etc. Mapatunayan kaya nila ang "FORE...