Prologue

6 2 0
                                    

Lahat tayo may iba't ibang laban sa buhay. We have different enemies and they'll do everything to bring us down.

Nagsimula akong magkaroon ng interes sa mga letra, pangungusap, salita, akda, at literatura noong nasa elementary school pa lang ako.

I'm in my fifth grade that time when someone wants me to come with her on a competition.

"Jelai anak, gusto kang kunin ng leader namin upang sumali sa isang paligsahan sa bayan," sabi ni Mama.

Pag uwi ko agad galing school ay 'yon ang bungad niya sa 'kin. I'm a consistent honor student, walang competition sa school at sa barangay namin na hindi ko pa nasasalihan.

"Anong klaseng contest 'yan?" tanong ko.

Alangan naman sumabak agad ako sa giyera na walang dalang armas.

Inaayos ni Mama ang mesa dahil kakatapos niya lang magluto.

"Sa 4ps, kung anong talent mo 'yon ang ipapakita mo. Halos lahat ng nasa grupo ikaw ang pinipili."

Wala namang kaso sa 'kin kung lumaban ako, kaso lang hindi ko alam kung ano ang talento ko. Hindi ako sigurado.

Kilala ako sa barangay namin dahil halos lahat ata ng awards ay napupunta sa 'kin.

Hindi lang sa gusto kong manalo, gusto ko rin magpasalamat sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4ps dahil kahit papaano ay nababawasan ang gastos namin dahil sa allowance na binibigay nila. Every two months sila nagbibigay at malaking bagay na 'yon para sa pamilyang tulad namin na halos wala na.

Maipakita ko man lang na hindi sayang ang binibigay nila na pera para sa 'kin.

"Pag iisipan ko po..."

Wala akong talento, hindi ako marunong kumanta. Marunong akong sumayaw ngunit hindi ganoon ka-galing.

I came up with a decision na tula na lang ang ipakita kong talento. Marunong naman akong tumula, ako lagi ang kinukuha ng school upang ipanglaban sa bayan at nananalo naman ako.

"Number 4 ikaw na!" sigaw ng staff sa 'kin.

Pumayag akong lumaban at ngayon ay andito na nga talaga ako.

Ginawa ko ang best ko habang nasa unahan. Aminadong kinakabahan ngunit hindi ko pinahalata iyon.

Ang sumunod sa 'kin na nagperform ay taga-kabilang barangay, pinakita niya ang galing niya sa pagda-drum. Ang sumunod sa kaniya ay tumula rin.

"Handa na ba kayong malaman kung sino ang panalo?" tanong ng emcee.

Everyone cheered. Halos lahat ng contestant ay bakas sa mata ang saya.

Wala naman sa 'kin kung hindi ako manalo sa contest na iyon. Kung ano ang maging resulta ay ayos lang sa 'kin.

"Our 2nd runner up goes to... Ms. Jelai Arellano!"

Pinapunta ako sa unahan upang i-award ang trophy. I accepted it with all my heart, not just the trophy but also the fact that I didn't win.

Kahit hindi ako nanalo, alam kong para sa mga taong sumusuporta sa 'kin ay panalo ako, para sa kanila ako ang panalo, para sa pamilya ko ako ang panalo.

"Congrats!"

"Congratulations!"

"You did well!"

Ang marinig 'yon galing sa mga judges ay ayos na sa 'kin.

Habang pauwi na kami ay biglang may tumawag sa keypad phone ko. Tiningnan ko kung sino ang caller, it was my bestfriend, Sophie.

WORDMONGER SERIES #5: Silent BattlesWhere stories live. Discover now