Chapter 1

5 1 0
                                    

Alam mo 'yong feeling na hindi ka belong sa pamilya niyo? 'Yong pakiramdam na may favoritism, and when it comes to favoritism I never win.

Highschool student na ako at dadami na rin ang projects namin. Minsan ay alam kong magagalit sila sa 'kin dahil lagi na lang akong may kailangan bayaran.

I couldn't blame them, though. Mahirap lang kami kaya natural lang ang magiging reaksyon nila. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit kapag ang kapatid ko ang nanghihingi ay binibigay agad nila. Kapag ang kapatid ko ang nagre-request ay nariyan agad.

It's okay to have a favorite pero huwag naman sana ipahalata sa 'kin. Masyadong obvious na kasi ang lahat.

"Ma, baon ko," sambit ko kay Mama.

Noong elementary pa lang ako ay halos lahat ng atensyon niya ay nasa akin pero nagbago 'yon simula noong tumigil ako sa pagsali sa mga contest.

"Huminga ka sa papa mo," sagot niya.

Imbes na humingi kay papa ay kumuha na lang ako sa alkansya ko. Inipon ko talaga iyon para sa mga ganitong sitwasyon.

"Zaine, heto ang baon mo. Huwag ka magpapa-late pauwi ha," bilin ni mama sa kapatid ko.

First day of school at bawal akong ma-late. Kailangan ko pang hanapin kung saan ang room ko. First year high school na ako at ito ang unang beses na makakapasok ako sa school na 'to.

"Ate Michelle tara na!" sigaw ko.

I have a cousin, sa lahat ng mga pinsan ko siya lang ang close ko. Mas mukhang kapatid ko pa nga siya kaysa sa tunay kong kapatid. Magkalapit lang ang bahay namin at nadadaan iyon papuntang school.

"Sandale, inaayos ko lang ang necktie ko."

Ahead siya sa 'kin ng isang taon, grade 8 na siya ngayon. Wala kaming sariling sasakyan kaya nagbabayad kami monthly para sa service namin.

Maya maya lang ay lumabas na siya ng bahay nila. Dahil grade 8 na siya, dalawa na ang linya na nakalagay sa necktie niya samantalang isa lang sa 'kin.

"Alam mo ba kahit first day of school pa lang, sa mga susunod na week may mga magbubukas na agad ng kung ano anong clubs. Anong balak mong salihan?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Kuya Mateo. Siya 'yong driver namin, nagbabayad kami sa kaniya every month. Marami rin siyang pasahero roon dahil medyo malaki naman ang jeep niya.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, gusto ko lang mag aral. Hindi ko alam kung sasali ba ako," sagot ko.

Wala naman akong talent. I'm not confident enough to join. Hindi ako magaling sumayaw, marunong lang. Lalong hindi ako marunong kumanta.

"Balita ko nga rin maghahanap agad ng bagong member ang journalism team. Ganoon din kasi noong nakaraang taon. Sigurado ka ayaw mong sumali?"

Umiling ako. "Baka hindi ako makapasa, hindi naman para sa 'kin ang pagsusulat."

Sa totoo lang ay gusto kong sumali roon ngunit natatakot akong may makaalam na sasali ako roon. Baka kasi sabihin na naman nila na hindi para sa 'kin ang pagsusulat.

"Sus! Bakit ka ba nakikinig sa mga sinasabi nila? Kung 'yon naman ang gusto mo e 'di gora!"

She has a point pero may takot parin akong nararamdaman na baka hindi talaga para sa 'kin iyon.

Maaga kaming nakarating sa school. The school guard checked our Id's pero dahil bagong pasok pa lang ang mga first year ay hindi muna hinanapan.

"Alam mo ba kung saan ang A-Type building?" tanong ko kay ate Michelle.

WORDMONGER SERIES #5: Silent BattlesWhere stories live. Discover now