The Diary of a Wimpy Girl part II

65 0 0
                                    

11:50 PM

                Nagising ako; balisa, hindi mapalagay, gustong umiyak, wala naming dahilan. Naalala ko lang, bago nga pala ako makatulog kanina, sobrang napagod ung mata ko. Iyak na naman kasi ako ng iyak eh, nagkausap pa kami ni nanay Marielle sa practice kanina. Alam mo, gusto ko na talagang maawa sa sarili ko, kasi ilang araw na rin akong ganito, iyak ng iyak, laging hinihiling na magtext sya, sana tumawag siya para marinig ko na ung boses niya, lagi kong inaabangan ung mga un, ung kahit wala pa ung dare? Ganito na ako lagi kasi hindi talaga siya nagpaparamdam sa akin.. sobrang miss ko na kaya siya. Tapos idagdag mo pa ung away namin ngayon, sabi nga ni nay, ang laki na daw ng lamat ng relationship namin. Nakakapanghinayang daw kasi dati ang ayos pa daw, ngaun ganto na…

                Which is totoo naman. Dati kasi konting tampuhan, napaguusapan namin agad. Ngayon hindi na tampo eh, away na talaga. Pero ako naman handa nang magpakababa eh (ano bang bago? Ako naman laging nagsosorry ‘di ba?) Eh siya, kelan ba niya naisipang makipagbati agad? Wala. Laging ako ung unang lumulunok ng pride.. Once nga lang siya nagsorry skn eh, ung sinuyo niya talaga ako.. halimbawa,  nagkaaway kami dis nyt, umaga na siya nagsorry. Tignan mo, wrong pa rin kasi lumipas ang isang gabi na hindi kami ngkaayos di ba. Natitiis niya un, pero ako hindi. Konting tampuhan lng  namin gusto ko  ng magkaayos agad, kasi hindi ko tlaga makayanan, ang sakit sa damdamin.. huhuhuhu..

                Sabi ko last time sa mga kakilala ko, “ok na ako…”, “Hindi na ako iiyak…”, pero hindi rin pala ganon kadali kasi everytime na napag-uusapan siya, kahit nga naiisip ko palang eh, kusa nang tumutulo ung luha ko.. huhuhuhu.. awang awa na talaga ako sa sarili ko.. gusto kong sabihin sa utak ko na, wag ka nang umiyak, maawa ka naman sa mata mo, magang maga na, maawa ka naman sa katawan mo, lagi ka nang nalilipasan ng gutom dahl wala kang gana, maawa ka naman sa puso mo, kasi the more you think lahat ng mga bagay na ginawa nyo together, masaya man o tampuhan, dun mas lalong nabubugbog ung puso mo, sobra na eh, tama na yan Feij.

                Kung sobra siyang nasaktan, paano pa ako.. pag ako pa naman magmahal, seryosohan talaga. At kung iniisip niyang flirt ako, sorry naman ah, hindi naman kasi panget ung minahal mo, tapos hindi ka naman ready sa mga ganitong situation. Sa totoo lang ah, yan ang sabi ng mga kaibigan ko lagi.. at totoo naman.. wala pa siya sa buhay ko madami na talagang umaaligid diyan, kaya dapat naghanda na siya sa mga ganoong bagay, dahil kahit pilitin kong wag lumapit sa guys, sila naman ang lumalapit sa akin.. sabihin niyo nang feelingera ako pero totoo to..

Kahit ganon siya pa rin naman ung pinipili ko.. hindi ba nya naaappreciate un?

                Hayyyy.. hirap na hirap na ako. Huhuhuhuhu. Pero kahit ganun, ayaw pa rin kitang bitawan kasi mahal kita eh, ngayon ko lng gagawing magpakamartyr.. Pero tandaan mo, kahit martyr napapagod din.. handa akong maghintay. Kung gusto at kailangan mong mag-isip sa loob ng  isang taon, ibibigay ko ang space na kinakailangan mo.. basta nandito lang ako tandaan mo yan.. tutuparin ko rin ung promise ko na maghihintay ako.. hindi dahil sa may promise ako kundi dahil un talaga at ikaw talaga ang gusto ko.

Pero kung matupad ko man yun tapos hindi mo naman na pala ako babalikan, asahan mong ako na ung magkakatrauma, mas matindi pa sa traumang naramdaman mo sa mga past relationship mo.. huhuhuhuh :’(

Sana naman mag-usap na tayo, tagal na kitang hindi nakikita eh. Sana magkaayos tayo kasi ayoko na ng ganito tayo.. parang araw-araw na lang akong pinapatay.. eh mukhang ako lang naman yata kasi ang much affected eh.. (nakakaawa ka talaga Feij.. :'( ) pakita mo namang nahihirapan ka rin, hindi ung lagi mong sinasabing nasasaktan ka, takot ka namang ipakita..

Dati mas gusto ko ung taong iiyak para sakin, hindi ung taong lagi kong iiyakan.. pero ok lng na iniiyakan kita naun, sabi nga kasi nila; pag nagmahal ka, hindi mo talaga mamamalayan na siya pala ung magugustuhan mo, kasi malayo siya sa mga definition ng ideal guy mo..

You are the only exception. :) I’m still waiting... I’m never gonna give you up.

[END]

(01:04 AM)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Diary of a Wimpy Girl part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon