Chapter 1: My Boyfriend is a Mafia Boss

9 2 1
                                    

ARIA

Nakahawak ang aking magkabilang kamay sa lagusan ng aking bibig dahil sa pagkabigla mula sa mga salitang binitiwan ng aking kasintahan.

Mga ilang segundo na akong nakadilat at walang kakurap-kurap na para bang tuluyang naestatwa.

"No, no, no, hahaha, you can't be! I don't believe you," I muttered as I leaned back from my seat.

"Aria, you have to."

"Sus, binibiro mo lang ako. Ano 'to, prank nanaman? Artheo hindi mo ako maloloko."

"What do you want me to do for you to believe?"

"Nothing. Wala kang dapat gawin dahil alam kong isa nanaman 'to sa mga kalokohan mo."

He didn't respond. Mahigpit lang ang kanyang pagkakahawak sa manibela at wari'y pagod na kakakumbinsi saakin. He then sighed.

The smile etched on my face, slowly faded. Ewan, pero parang unti-unti kong naramdaman yung sinseridad niya mula sa pungay ng kanyang mga mata. Hindi ko gustong maniwala, pero sa tingin ko'y totoo talaga ang sinasabi niya. Posible kaya talagang...

"Aria, I am a mafia boss."

***

Weeks later, I haven't seen my boyfriend in a while after that rubbish revelation. No text, no calls, no emails, as in walang paramdam. Parang bula na bigla nalang naglaho. Sa katunayan hindi ko alam kung dapat ko na bang i-declare na broken hearted ma ako, because what he did to me was worse than an actual break up. Iwanan ba naman ako sa ere, tsk.

"UGHHH!" I growled as I remembered that man.

"Hoy! Kumalma ka nga."

A girl with a curly hair, tanned skin, at bilugan ang mukha, who's at beside me, tapped my shoulder and put her index finger in between of her lips. My train of thought then halted.

"Sh*t." I whispered in surprise. Ngayon ko lang na-realize na nandito pa pala kami sa library, everyone was looking at us, I mean at me certainly.

"Sorry, sorry," I muttered with my head crouching and giving awkward smiles.

Buti nalang talaga may pagkabingi yung librarian dito kung hindi baka sa labas na kami nito pinulot.

"Pwede Aria, kontrolin mo yang sarili mo."

"Sorry na nga. Kainis kasi," gigil kong sabi habang isinasara ang mga librong nasa harap ko.

"Let me guess, si Artheo nanaman?"

I remained silent.

"Alam mo, kalimutan mo na yun. Hindi na yun babalik. Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na iwasan ang mokong na yun? Pero anong ginawa mo? Paulit-ulit at paulit-ulit ka pa ring bumabalik. Hindi ka natoto-"

"HUSHHHHH."

Nahinto agad si Tori sa paninermon saakin dahil sa sabay-sabay kaming pinagtinginan ng mga estudyanteng narito.

Hindi na kami nag-antay na ipagtabuyan pa kami nila at nagboluntaryo nang lumabas.

"Umaasa ka pa rin talaga na magpaparamdam sayo yun after he ditched you?" Tanong niya pagkalabas namin.

Wala akong maisagot. Wala naman akong ideya kung babalik pa ba talaga yung mokong na yun.

"You told me na hindi kayo nag-away. Then bakit ka niya iiwanan ng ganun-ganun lang."

I though of it for a second.

I was about to tell Tori on the 'mafia' thing that Artheo told me, but I stopped when I realized she might just laugh. Sino ba kasing maniniwala sa ganun?

4 Guns and a RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon