Chapter 3: Inescapable

4 2 2
                                    

ARIA

"Kuya, paabot po," turan ko sa lalakeng katabi ko sabay abot sa bayad.

Buysit, napa-commute tuloy ako ng wala sa oras.

Pero mas naiinis ako kay Artheo. Talagang iiwan niya ako dahil lang sa may kung ano siyang gagawin.

Kung alam ko lang na mafia boss siya in the first place, hindi na dapat siya-

Ugh! Oo na mahal ko siya!

At mahirap talaga saakin 'to. Hindi niya manlang ako tinatong kung okay akong iiwan lang niya.

Kainis siya!

***

Kinabukasan, bago ako bumangon saaking higaan, pinagmasdan ko muna yung litrato naming dalawa ni Artheo na nakapalagay sa mesang nasa tabi ko.

Hindi ko pa rin maisip na magagawa niyang iwan ako-

*tok tok tok tok

"Aria?"

Naputol ang tren ng pag-iisip ko dahil sa sunod-sunod na katok ni mama Susan. Nagmadali akong bumangon at agad na binuksan ang pinto.

"Yes ma?"

"May mga bisita ka sa baba."

"Bisita? Sino?"

Wala akong maalalang may pinapunta akong kung sinoman dito sa bahay ngayong araw. Si Tori lang naman ang malimit na pumupunta dito and she always inform me if she'll even come.

"Apat na lalake, mga matipuno at naka school uniform," she said while smirking.

"Ano?"

Parang alam ko na kung sino ang mga 'to.

"Asan sila?" Wika ko habang tinatanggal ang mga muta sa mata ko.

"Pinapasok ko na muna. Eh sabi kaibigan mo raw sila."

Kaibigan talaga, ha? Mga siraulo.

"Ma naman ba't mo pinapasok, di ko kilala ang mga yun."

Kaagad akong nag-ayos ng sarili at kumaripas papunta sa baba.

Ano bang trip ng mga 'to? Hindi ba kami nagkaintindihan ni Artheo sa mga sinabi ko kagabi??

Pagkadating ko sa baba, nadatnan ko ang apat na lalakeng matiwasay na nakaupo sa aming sala.

"Anong ginagawa niyo dito? Ha?" Pambungad ko ng may kaunting angas habang inaalsa-alsa ang magkabilang sleeves ng damit ko.

Yung may pagkachinito na naka-eyeglasses yung sumagot saakin.

"I thought, klinaro na sayo ni boss- I mean ni Artheo?" Responde niya habang hinihimas-himas ang paligid ng upuan namin.

Tsk. Talaga ngang tototohanin ni Artheo yung mga sinabi niya. Kainis!

Inirapan ko sila bago ako tumungo sa isang sulok para kontakin si Theo. Papauwiin ko ang mga asungot na 'to. Anong gagawin nila sa buhay ko? Magiging bodyguard? Kalokohan.

Akmang ididikit ko na sana ang teleponong hawak ko sa bunganga ng taenga ko ng biglang nagsalita yung katabi naman nung naka-eyeglasses. Galeeg ang buhok niya, klarong-klaro ang jawline at medyo mabigote.

"You can no longer call him, neither contact him in any means. He has cut all of his connections to you."

"A-ano?"

"Kung magiging konektado ka pa rin sa kanya, then your life will always be at stake. And I guess he also intended that para hindi ka na maghabol, masyado ka kasing clingy. Hahaha," satsat nung isa na naka-brush pataas yung buhok. Moreno at I guess pinakamatangkad sa kanila.

4 Guns and a RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon