ARIA
"Si-sino kayo?! Ba't kayo nandito sa kw-kwarto ko?!" Nanginginig kong usal. Hindi ko na nga rin nabitwan ang bag ko dahil sa pagkabigla.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanila maliban sa katahimikan.
"P-pag di kayo sumagot, talagang tatawag na ako ng pulis!"
Still, none of them dared to speak.
I stepped back and grasp something on my side and point it to them. Then I fathomed, it was a make-up brush that I am holding.
Kainis.
I gulped.
Akmang sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero napahinto ako nang biglang naglabas ng spray yung isang lalake at pinindut ito palibot sa kwarto.
"A-ano yan!? Poison yan noh! MAMAAaaaaa..."
Hindi ko alam pero unti-unti akong nanghina at lumabo ang paningin ko.
Nakakasulasok yung amoy. Para siyang medisina.
"Mamaa... Mamaa..."
I could barely make a sound.
"Get her."
I heared a deep voice.
Then at once, everything became dark.
***
Madilim.
Maingay.
Parang lumilindol.
Napabalikwas ako sa himbing na pagkakatulog ng tuluyang maimulat ang aking mga mata at mareyalisa ang kalagayan ko.
Nandito ako ngayon sa loob ng isang van, may busal ang aking bibig at nakatali ang aking mga kamay at paa.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng sasakyan then nakita ko ang apat na nakamaskarang mga lalake na kanina ay nasa kwarto ko lang.
Mag-isa ako dito sa backseat samantalang nasa sumunod na upuan yung dalawa, yung isa'y nagmamaneho at yung isa'y katabi niya.
I tried yelling as hard as I could, pero ungol lang ang nagagawa ko dahil sa telang nakatali sa bibig ko. I even resisted and tried to kick the chair before me pero ako lang din ang nasasaktan.
"Uhmmmmm! UHMMMMMMMMM!"
Para silang walang mga taenga na animo'y hindi naririnig ang tinig ko.
"Uhmmmmm! UHMMMMMMMMM-"
"Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay."
I immediately felt a chill down to my spine.
Hindi na ako nagpumiglas pa, baka magilitan pa ako nito sa leeg.
Kung pera man ang pakay nila saakin, wala akong maibibigay.
Ano bang gusto ng mga kriminal na 'to.
Hindi naman ako artista, wala naman akong naaalalang nakaaway ko. This is indeed a total mystery.
"Maghintay ka lang, malapit na tayo. Malapit mo na ring malaman ang kahahantungan mo."
Nagtawanan lang silang apat na parang magandang biro yung binitawan ng lalake na katabi nung nagsalita kanina.
Malapit mo na ring malaman ang kahahantungan mo.
Jusko. Ayako pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay. Lord, help me po.
Lumipas pa ang sampung minuto, huminto ang sasakyan kaya napaayos ako ng upo. Pinuntahan ako nung dalawang lalake sa harap ko at hinawakan ako sa magkabipang braso.
BINABASA MO ANG
4 Guns and a Rose
RomansaThis is the not-so-typical 'against all odds' story of a rose named Aria Marquez and the four guns. *** Aria Marquez, a 21-year-old second-year college student, thrives a typical life with no luxuries, no abundance, just her and her mother making li...