Part 29

15 5 0
                                    

Punish


Tila nagsimula ang panibagong kabanata ng buhay ko.

Matapos ang nangyari sa amin, gumising kami ng sabay kinaumagahan ng magkayakap habang natutulog pa rin ang lahat. Hindi ko alam ang plano niya, pero ayaw kong pangunahan. Susunod ako sa agos. Basta ang tanging hiling ko lang ilihim muna namin ang lahat.

Tama na muna sa aking malinaw na ang kung anong mayroon kami ngayon. Tama na munang nauunawaan namin ang nararamdaman ng isa't isa.

Batid kong nararapat na involve dito si Serenity pero maghihintay ako sa panahong handa na kami ni Sid sabihin sa kanila ni kuya ang lahat. Bago palang kami sa relasyong ito at gusto ko munang mas kilalanin siya, at ipakilala ang sarili ko sa kanya.

'Yon nga lang, may kaunting alalahanin pa rin ako. Ako ang nagdesisyong ilihim ito. Ni hindi ko siya tinanong kung may balak nga ba siyang i-legal ako kay Serenity.

Pero base sa naging usapan namin, tila mayroon naman at nagtataka pa siya kung bakit gusto kong ilihim?

Nagpatuloy rin ako sa pagtuturo sa SEUM. 'Yun nga lang nakakapagtakang hindi ko na nakikita rito si Teacher Alfred. Napansin ko na 'yon noon pang nakaraan ng pumasok ako matapos ang pagtatampo ni Sid dahil sinabi kong mas gwapo ito sa kanya.

"Nakakamiss si Teacher Alfred, no?" walang anumang sinabi ni Teacher Cheska sakin.

Kumakain kami sa canteen, magkakaharap kasama sina Serenity at ilang mga teachers din.

"Bakit nasaan ba si Teacher Alfred? Ilang araw ko na ngang hindi nakikita." tanong ko.

"Inilipat sa College building. Ang papalit yata ay si Teacher Aica. Same yata sila ng major, e. Napalagay lang si Teacher Aica sa First Step kasi may training background din in handling toddlers." si Teacher Mich.

Naging kaibigan ko na rin sila, dahil madalas makasama rito sa cafeteria kahit hindi naman kami magkakalebel ng tinuturuan.

Makuwento at palakaibigan ang dalawa kaya rin siguro kahit papaano magaan ang loob ko sa kanila.

"Bakit nilipat?" gulat kong tanong.

Nagkibit balikat si Teacher Mich. "Hindi rin namin alam, pero ang balita may nagrequest daw. Sponsor raw ng school ang balita. Marami din nagawa sa paaralan."

Marami akong tanong sa dalawa kaya lang ano bang magagawa ko kung iyon nga ang gusto ng management? Wala na rin namang saysay kung aalamin ko pa kung ano nga bang tunay na rason. Ang tanging hiling ko lang sana maging maayos naman siya sa College building. Medyo malayo kasi 'yon dito kumpara sa Building 2.

Nabalik ako sa wisyo ng maalala si Teacher Aica, 'yong pinalitan kong guro na manganganak raw kaya nag-maternity leave.

"Bakit si Teacher Aica ng papalit sa kanya?"

Hindi sa ayaw ko na sa hinahandle kong toddlers pero bakit hindi ako ang pinalipat? Hindi ba mas katanggap-tanggap kung babalik si Teacher Aica sa kung saan siya dati, kaysa ililipat siya sa halip na ako ang aalisin sa hinahawakan kasi dumating na ang dating naghahandle sa mga bata?

"'Yon ang nilabas na memo sa bulletin, hindi mo ba nabasa?" si Teacher Mich ulit. "Pero nakakapagtaka, parang ngayon lang naging ganito ang takbo rito?" dagdag niya.

Umiling ako bilang sagot sa unang tanong. Hindi ko madalas mapasyalan ang area na 'yon ng paaralan. Hindi ko na rin pinansin ang dinugtong niya.

Wala naman akong alam sa kalakaran noong bago pa ako dumating dito.

"Pero ayos lang naman 'yong kay Teacher Aica, at least kasama pa natin siya rito." sumimangot si Teacher Chesca. "E, si Teacher Alfred, siguradong mamimiss ka no'n, Teacher Calli."

Los Ricos #3: He's Literally the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now