Part 14

22 10 0
                                    

Cellphone


Sobrang sakit na ng katawan ko pero pinilit ko pa ring umakyat sa itaas para dalhin ang mga paper bags. Dinala ng body guard ang mga pinamili ni Serenity kanina sa kuwarto niya, kaya ang tingin ko kay Sid ang mga pinamiling ito.

Kumatok akos a study niya. Una ko 'yong tinungo dahil madalas siya roon kaya lang walang tao ng buksan ko matapos ang maraming pagkatok.

Sunod kong tinungo ang kuwarto niya. Kumatok ako roon at matagal rin bago may tumugon.

Halos bumagsak ang panga ko sa sahig ng makita si Sid matapos buksan 'yon. Basa ang buhok niya pati katawan at may tapis lang na tuwalya sa ibabang parte ng katawan!

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Inayos ang napakaraming paper bags na bitbit sa dalawang kamay para lang maiiwas ang atensiyon sa nasa harapan ko ngayon. Napakahirap pang kumatok dahil nga puno ang kamay ko tapos ito ang lalantad sa akin!

"Yes." mababa ang boses niyang tanong.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko iniiwasan ang nakasisilaw niyang katawang nakahain sa akin.

"Ah... do'n dinala 'tong mga paper bags sa kuwarto namin, nagkamali yata. Ibibigay ko lang sana sa'yo."

"Aren't you tired. Bakit hindi mo nalang pinagpabukas?" nakuha pa niyang itanong.

Hindi ba halatang hirap na hirap na nga ako sa mga hawak ko.

"Kaya pa naman. Saan ko ba ilalagay?"

Kinuskos niya ang likod ng ulo kaya bahagyang tumilamsik ang tubig sa akin. Napapikit ako at napaurong ng kaunti.

Umangat lang ang labi niya ng mapansin 'yon, hindi man lang nagsorry!

Nilagay niya ang kaliwang kamays a hamba ng pintuan.

"That's for you and your brother."

Napaangat ang kilay ko sa narinig. "Ano?" tanong ko, rinig ko pero hindi ko maproseso ang sinabi niya.

"I bought that for you and Carlos."

Matagal akong natahimik, nangungot ang noo bago muling nakaimik. "Bakit?" sa dami ng gusto kong sabihin 'yon lang ang lumabas sa bibig.

Nagkibit balikat siya. "Nothing, I just thought you need."

Hindi ako nakapagsalita agad at sandaling nag-isip.

Para sa amin? Bakit? Naroong may utang pa nga kami tapos ngayon may mga ganito siyang binili. Hindi yata tama at lalaki ang utang namin.

"Ah... Uh..." lumunok ako at hinagilap ang gustong sabihin. "Oo, maaaring kulang kami sa gamit pero hindi mo naman dapat na binili ang mga ito para samin. May utang pa kami sa'yo at sa halaga ng mga ito paniguradong lalong lalaki ang utang ko."

Naningkit ang mata niya. "That's given. That's not lend to you."

Mas lalo akong nalito. "Mas lalong hindi ko matatanggap 'to."

"Why?" kunot noo na rin siya.

"Hindi mo naman kami kailangan bigyan."

"And why? You're working for me. You're taking care of my daughter. Take that as a gift. Pasasalamat at inaayos mo kaming mag-ama."

"Hindi naman kailangan nito. Narito ako para sa damage na nagawa sa'yo ni kuya at hindi kailangan may ganito. Isa pa para sa bata ang ginagawa ko."

Huminga siya ng malalim, pinaglapat ang labi. "Just take that."

Itinaas ko ang namamagod ko ng mga kamay na may hawak na paper bag. Ang dami noon at nangangawit na rin ako.

Los Ricos #3: He's Literally the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now