Part 48

13 3 0
                                    

Ma'am


We ate our lunch quietly. Paminsan-minsang may binubuksan siyang usapan pero tipid kong sinasagot hanggang matapos kaming kumain.

My mind was clouded the whole time. Isipin tungkol sa paano nga kung matuklasan na niya ang tungkol kay Sivan at gaya ng nabanggit ni Aldrien, baka raw ilayo sa akin. Ikagalit ni Sid at bilang ganti kuhanin ang anak ko upang pasakitan ako.

Kanina pa okupado ang isipan ko at dalawang option ang pinag-iisipan ko ngayon... kung aalis ba kami ng anak ko o kung mananatili ako rito ng mabantayan siya sa kilos niya. After all, there's a belief that "the safest place is your enemy's territory". And there's, "the dangerous place is where you think you're safe". Parehas tugma hindi ba? Kung lalayo ako at aakalaing ligtas kami roon baka lalong makagulo. Mas mabuting kita mo ang bawat galaw at kilos ng kalaban mo upang mapaghandaan kung mayroon mang binabalak.

Sa tinakbo ng buhay ko nitong mga nakaraang taon. Natutunan kong hindi lahat ng problema ay maaaring takbuhan. Maraming beses ko ng ginawa 'yon at lagi akong bumabagsak sa reyalidad na kung hindi man ora-mismo, darating at darating ang pagkakatong kailangan mo ring harapin.

Pero bakit nga ba ako naduduwag na ipagtapat sa kanya ang totoo?

Dahil ba alam kong gaya ng mga panaginip, hindi laging hundred percent na laging totoo at positibo? Laging hati sa dalawa ang maaaring resulta at desisyon kaya ako natatakot. Natatakot sa maaaring kalabasan noon. Sa maaring maging reaksiyon ng isang tao kung malaman ang isang lihim at kung paanong aaksiyon para roon.

And in Sid's case, I'm afraid he wouldn't like it that I kept it from him and he'll just get my baby from me. Kasi kahit naman anong gawin kong paglayo sa kanya alam kong matutunton niya ako. Marami siyang tauhan at kaya rin niyang gawin 'yon mag-isa. He's capable of anything, no limit.

Kaya nga rin iniwan ko ang cellphone na binigay niya sa akin noon sa bahay niya kasi alam kong posibleng matunton niya ako gamit 'yon matapos naming umalis ng bahay na 'yon.

Hindi na niya ako pinigilan ng gabing 'yon at hinayaan sa gusto kong mangyari kaya duda akong baka ginawa niya 'yon kasi malalaman din naman niya kung saan ako pupunta. Gaya nalang ngayon na naririto na nga siya sa lugar kung saan ako naroroon.

Gusto kong matawa sa naisip na susundan niya ako. Gayong hindi ko naman nga sigurado ang tunay na nararamdaman niya sakin simula noon.

Pinagdudahan ko 'yon nong gabing umalis ako dahil sa nalaman, kaya bakit iniisip kong hahabulin nga niya ako?

"You have a problem? Is my presence bothering you?" malagong at mababa ang tono niyang tanong.

Yes, I think he is. But why did I feel like, I don't want to tell him that? Is it because I don't want him to get mad at me? I don't know.

Kanina lang lito ako sa gagawin naming mag-ina. Ngayon lito na ako sa kung bakit ako tuliro?

Ganoon ba talaga ang presensiya niya at laging nawawala ako sa sarili at nalilito sa mga tunay na tumatakbo sa utak?

Kunsabagay, siya naman talaga ang tipo ng taong may galamay para sa lahat ng bagay. Kaya niyang gawan ng paraan ang problema sa isang angat lang ng daliri at kumpas.

Kaya rin siguro madali akong naniwalang kaya niyang gawin ang lahat ng nalaman ko noon. 

Makapangyarihan siyang tingnan. Sa tindig at tikas palang niya alam mong walang sinasanto, walang inuurungan. He's competitive in every way. Pati paraan ng pagtitig ng malalim niyang mga mata halos nakakapanlambot at nakakatunaw. Pakiramdam mo rin bukas kang libro tuwing nasa harapan niya at tila alam niyang lahat ang pahina.

Los Ricos #3: He's Literally the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now