Chapter 29

516 73 0
                                    

Napalingon naman ako at nakita ko si Kuya Joshua kaya agad akong tumakbo at yumakap sakanya

"Bat di ka naman nag sabi saakin?" Tanong ko sakanya
"Edi hindi nayun surprise" saad naman niya saakin

Grabe namiss kona talaga sila matagal tagal nadin nung last namin na kita

Jaydee's pov
Pagka lingon ni Queen dun sa Joshua agad agad naman siyang tumakbo at yumakap halatang miss na miss niya yon

May kasama pang dalawa yung joshua pero kailangan kay joshua agad tatakbo? Sino ba kasi si Joshua derederetyo kong pag iisip

Di ko napansin na tinititigan ko lang pala sila at agad naman akong siniko ni amy ng mahina

"Dong baka maka patay ka niyan sa titig mo" saad niya saakin sakto lang para kaming dalawa ang makarinig

Napansin ko naman na papalapit saamin si Frances kaya iniripatan ko nalang si Amy at ngumiti kaagad ng maka lapit si Queen

"Guys this is Kuya Joshua pala my cousin" saad niya at pinakilala niya din ang dalawa niyang pinsan kaya naman gumaan ang loob ko akala ko kasi hahaha

"Pinsan naman pala dong ehh" bulong saakin ni amy na pamang asar

"Oh ano tara na?" Saad ko sakanila
Tumango naman sila saakin

"Jaydee okay lang ba kung sasakay sila kuya joshua saatin?" Tanong ni Queen saakin

"Oo naman actually sasama sila sa resthouse last day daw kasi nila ngayon sa Cebu para naman masulit yung pagsasama niyo" saad ko naman

Ngumiti naman saakin si Queen at sumakay na kami sa kotse hindi ko alam kung saan banda yung rest house namin dito pero nasabihan na nila dad yung driver kung saan

"Maam Jaydee nandito na po tayo"saad ni manong Driver

Bumaba na kami ng kotse at tumingin tingin ako sa paligid hindi ko alam na beach house pala tong rest house namin tabing dagat lang

"Kuya Joshua ipasok niyo nalang po yung kotse niyo sa garage" saad ko dahil pinasunod niya sa driver nila yung car

Tumango naman siya saakin at agad agad siyang pumunta sa driver nila

"Ganda naman dito dong" saad nila Laney

Kahit naman ako nagulat dito dahil napaka ganda talaga ng view

"Tara na guys pahinga muna tayo tapos labas tayo mamaya para naman sulit kanila kuya Joshua" saad ko naman

"Inuman nalang kaya mamaya dong?" Saad naman ni Ate Gabb

Tumingin naman ako kay Kuya joshua at tumango naman siya saakin

"Sige lang Jaydee kahit onti lang di naman ako mag mamaneho" saad niya saakin

Tumango naman ako sakanya "ehh paano si Frances?" Tanong ko sakanya at tumungin ako kay Queen

"Ako na bahala mag paalam kay Tita" saad naman ni kuya Joshua kaya tumango ako sakanya

Nasa loob na kami ngayon at binigay naman ng nag mamanage dito sa rest house yung susi may 5 rooms dito sakto para saaming lahat

Magkasama si ate Gabb at ate ella, coco at amy,
Laney at Cole

"Kaming tatlo nalang sa isang room double deck naman daw yung isang bed" saad ng pinsan ni Queen

Tumango naman ako sakanila

"Wait ibig sabihin" sabi ko naman sa isip ko

"Tara na Jaydee pahinga na tayo" saad naman ni Queen at pumunta na kami sa room nauna na pala sila kami nalang nandito

Di ko naman akalain na isa lang yung bed dito humiga na si Queen sa bed at ako naman ay dumeretyo sa sofa

"Ohh bat andiyan kapa di kapa ba matutulog?" Tanong saakin ni Queen

"Dito nalang ako para makapag pahinga ka ng maayos" saad ko sakanya

"Laki laki ng kama ehh... tapos nandiyan ka sino na ka hug ko niyan?" Biro niya saakin

"Eto na po pupunta na nga ehh" saad ko naman sakanya at pumunta na sa kama and yes niyakap niya nanaman ako bago matulog

My worst enemy is my memory Where stories live. Discover now