Naiwan ako dito kasama si Cole habang sila naman ayy nasa gilid na ng dagat nag lalaro ng volleyball
"Ate kung may kailangan ka sabihan mo lang ako ahh" saad ko kay Cole
"Ano kaba ayos lang ako, nga pala bat ikaw yung andito?" Tanong naman niya saakin
"Ano kasi masakit kasi yung paa ko kaya nag stay nalang din ako dito saglit lang naman sila ehh" saad ko sakanya at tumango naman siya saakin
Napansin ko naman tumalikod na siya saakin matutulog na ata siya kaya pinabayaan ko nalang nag laro nalang ako ng codm pampalipas ng oras
FF
Gabb's pov
Nag pahinga muna kami ng saglit at umupo kami sa gilid
"Akin" bulong ko kay Ella (malamang kay Ella ako bubulong alangan naman na kay laney ehh akin nga ✌🏻)
"Po?" Saad niya saakin
"Napapansin mo ba si Jaydee?" Tanong ko sakanya
"Yung alin?" Saad naman niya kahit kailan talaga to si napaka lutang
"Parang ambilis niya mapagod ngayon" saad ko naman sakanya
"Baka napagod lang yan alam mo na kakagaling lang sa away kanina diba?" Tanong niya saakin
"Ayy oo nga pala noh hahaha" saad ko sakanya
"Ohh ano ready na ba kayong matalo?" Pag yayabang ni Laney dahil kakampi niya si Jaydee wala naman atang nakakatalo sakanya ehh
Kakampi ko naman si Amy hindi na nag laro sila Ella at Coco dahil hindi din naman daw sila gaanong marunong
"Set" sigaw ni laney kay Jaydee at agad namang tumalon si Jaydee para I spike ang bola saamin
At naka lusot ito kaya naman napunta sa kanila ang score ng biglang tumumba si Jaydee
Jaydee's pov
Kanina pa ako nakakaramdam ng pagod pero kailangan na namin tong tapusin para naman maka pag pahinga na kami
Na spike ko ang bola at pag ka lapag ng paa ko ayy wala na akong nakita kundi kulay itim nalang
Gabb's pov
"Hoyy si Jaydee!!!" Sigaw ni Laney saamin at napatingin kami sakanya agad naman kaming tumakbo apat papunta sa kanya
Binuhat namin siya papunta sa harap ng bahay para isakay sa kotse agad ko ng kinuha ang susi ni Jaydee nasa sala lang naman
Sinakay na namin siya nila Amy at Laney naiwan naman si Coco at Akin
"Akin ikaw na muna bahala diyan ahh sabihan ko nalang si Frances" saad saakin ni Ella tumango naman ako sakanya at pumasok na sa kotse
"Ano ba nangyari diyan kay Jaydee" pag aalala kong tanong
"Baka napagod lang" saad naman ni Amy
"Baka nga" saad naman ni Laney
Naka dating na kami dito sa pinaka malapit na hospital at agad na naming tinawag yung nurse para maasikaso siya
Nandito lang kami sa labas ng room na naka assign kay Jaydee at hinihintay na lumabas ang Doctor
Frances pov
Nandito ako sa kwarto sa taas ng naririnig ko na napakaingay nila sa baba hindi ko nalang pinansin dahil baka nag kakatuwaan lang sila
May narinig naman akong mabilis na umaakyat sa hagdanan at agad bumukas ang pinto
"Ohh Utut napano ka?" Tanong ko sakanya
"Ut ano kasi si Jaydee" saad naman niya akala ko nag bibiro nanaman siya na para bang nag susumbong saakin
"Ano nanaman ba yang kalokohan niyo?" Tanong ko sakanya
"Ut si Jaydee tinakbo nila sa hospital" saad saakin ni Coco nanlaki naman ang mata ko at agad akong napa tayo sa kinauupuan ko
Lumabas ako agad sa kwarto ko
"Don't worry Frances tinakbo na nila si Jaydee sa Hospital sunod nalang tayo don si Coco at Cole na bahala dito" saad ni Ate Ella saakin
Tumango naman ako sakanya at pumasok sa kwarto namin para kunin ang mga gamit na kailangan kumuha na din ako ng damit ni Jaydee dahil baka kailanganin
Agad na akong bumaba pagka tapos para maka punta na kami agad agad kami nag hanap ng taxi buti na lang at may kabababa lang sa gilid ng rest house nila kaya pinara na namin to
Papunta na kami sa Hospital hindi matanggal ang kaba ko ano nanaman ba nangyari don yan nalang ang nasabi kosa sarili ko
———————————————————————————
Eto na po Ud ko sorry sobrang tagal napaka busy ko kasi sa school 2nd week palang dami na pinagawa
YOU ARE READING
My worst enemy is my memory
أدب الهواةEnemies to lover For fd shippers😁 ©️all right reserved