"Ah!" Impit na napaungol sa sakit si Mary sa sakit nang hilahin paangat ng kaniyang asawa ang kaniyang buhok. Muling nagsibagsakan ang mga nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata.
"How many times do I have to tell you, huh! Lumalandi ka na naman! Di ka na nahiya!" Mas lalo siyang napaiyak nang mas higpitan pa nito ang pagkakahawak sa buhok niya. Pero ang mas lalong masakit, ay ang katotohanang asawa siya nito pero kung tratuhin siya ay parang hayop.
"HINDI KA NA MAKUNTENTO SA ISA! GANYAN KA NA BA KAKATI HA? SUMAGOT KA KUNG AYAW MONG MAS MASAKTAN PA!" Sigaw ng kaniyang asawa. Tulad ng dati, halos hindi na naman makilala ang itsura ng asawa niya. Pulang pula ito sa galit at nanginginig pa na pawang manununtok.
"H-hindi n-naman ako lumalandi eh. N-namili lang ako sa p-palengke a-at.. A-Aray!" Muli siyang napaaray ng hilahin na siya nito paangat. Pinatikim siya nito ng isang malakas na sampal. Halos mabingi na siya at namamanhid na din ang kaniyang kanang pisngi. Wala na siyang maramdaman. Wala na siyang madinig. Hindi niya pa din lubusang maisip na nagagawa ito sa kaniya ng sariling asawa. She loves her husband more than anything. Mayroon silang anak pero ganito ang pakikitungo sa kaniya kapag hindi na nakatingin ang anak. Gusto na niya itong hiwalayan ngunit nanaig ang pagmamahal niya sa asawa. She's willing to take the risks hanggang sa mapatawad siya nito at marealize ang lahat ng kaniyang ginagawa.
"SINUNGALING KA TALAGA KAHIT KAILAN! SINUNGALING NA NGA, MALANDI PA! TINGIN MO BA PANINIWALAAN PA KITA, HA!" Nagngingit ngit na sigaw ng asawa. Napatili na lamang siya nang malakas siya nitong ihagis sa sahig. Tumama pa ang likod niya. Pakiramdam niya ay nabalian na siya ng buto.
Lumapit muli ang asawa niya at hinila papaangat ang buhok. "Sawang sawa na ako sa mga pag-iyak mo, Mary. SAWANG SAWA NA AKO SA'YO! ALAM MO BA YON, HA! YOU'RE WORTHLESS! NOTHING BUT A BITCH!"
"HINDI KA NA NAHIYA SA BALAT MO! MAY ASAWA KA NA PERO LUMALANDI KA PA DIN! IBANG KLASE KA! KUNG ANO ANG IKINABANAL NG PANGALAN MO, AY SIYANG IKINABAHO NG BUDHI MO!" Hindi na niya maatim ang pinagsasabi ng asawa. Pinapatay na siya sa loob loob niya. Winawasak nito unti unti ang kaniyang puso. Mas gusto na lamang niyang mamatay kaysa maranasan ang ganito. Kaysa pagdusahan ang kasalanang di naman niya ginawa.
"YOU.ARE.BITCH! WORTHLESS WIFE AND WORST MOTHER EVER EXISTED!" Huling kataga ng asawa bago bitawan ang buhok niya. Hinubad nito ang t-shirt at ibinato sa sahig. Hindi na nito naituloy ang binabalak kay Mary dahil nakarinig sila ng katok.
"Mommy.. D-daddy! I-I can't sleep!" Humihilkbing sabi ng kanilang anak mula sa pinto. Nabitawan ni Clark ang balikat ni Mary at tinungo ang pintuan. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalabas ay may sinabi muna siya sa asawang kasalukuyang nakahandusay sa paanan ng kama.
"YOU.STAY.HERE!" Banta ng asawa sabay labas ng pintuan. Narinig pa niya ang halakhak ng dalawa.
Inayos ni Mary ang kaniyang sarili. Inayos ang mga nabagsak na gamit. Habang nag-aayos siya ay nakita niya ang wedding ring ng asawang si Clark na nakakalat lamang. Agad niya itong pinulot kasabay ng pagtulo ng luha niya. Hindi niya alam kung ano ang tunay na nararamdaman ni Clark sa kaniya. Para bang, siya na lang ang nagmamahal.
Hindi naman niya kasalanan ang binibintang ng asawa, e. Hindi niya yata kayang mawala ang asawa niya. Kaya eto siya ngayon, nagpapakahirap at umiiyak sa sakit dulot ng kaniyang asawa. Hindi naman niya ito masisisi, e. Pero sana naman, tumigil na siya. Kasi pagod na pagod na siya.
Dati naman ay masaya silang mag-asawa, e. Ngunit matapos mangyari ang bagay na kaniyang pinagsisisihan, nagbago na ang lahat.
Isang gabi, nag-overnight silang mag-asawa sa bahay ng mga kaibigan nila. Camping ang naisip nilang gawin kaya nagpunta sila sa isang gubat at doon nagsaya. Masayang masaya pa nga ang mag-asawang Clark at Mary dahil balak nilag gumawa ng anak roon. Kahit pa tent lang ang hihigan nila, ay wala pa ding makakapigil sa kanila.
Naglalambingan silang mag-asawa nang mapadako ang tingin niya sa isa nilang kasamahan. Si Gabriel, masama ang tingin sa kanila. Ngunit hindi lang iyon. Parang kakaiba ang tingin niya kay Mary. Parang may halong pagnanasa. Doon natakot si Mary. Hindi na niya binalak pang humiwalay sa asawa dahil sa takot kay Gabriel.
"Hey, are you alright?" Napatingin siya kay Clark nang magsalita ito.
"Yes. I-I'm okay." Sabi niya.
"Kung okay ka lang, bakit kanina ka pa dikit ng dikit sakin? Bakit di ka makisama sa mga kaibigan mong babae?" Tanong ni Clark sa kaniya. Napangiti na lamang siya. Iginaya niya ang kaniya daliri sa malapad na dibdib ni Clark.
"Ayoko lang na mahihiwalay ako sayo, mahal ko." Napangiti din si Clark. Namula pa nga ang mga tainga nito.
"Kinilig naman ako do'n, mahal ko." Natawa ng malakas si Mary.
"So gay!" At nagtawanan silang mag-asawa.
Hanggang sa dumating na oras ng pagtulog. Hindi makatulog si Mary dahil sa matigas na higaan. Hindi rin siya makahinga dahil sa init at sa liit ng hinihigan nilang mag-asawa. Kasabay pa ng mahigpit na yakap ni Clark. Pati ang mga halik nito sa kaniyang leeg ay mainit din. Namamawis na nga ang leeg niya, ganyan pa din ang asawa.
"C-Clark.. mainit." Sabi niya habang nakapikit. Ngunit hindi pa din natinag ang asawa at patuloy siya nitong hinalikan. Pumaibabaw ito sa kaniya kaya naman mas lalong uminit.
"C-Clark.. hindi na ako makahinga sa init. Bukas na lang.." Sabi niya sabay talikod. Napabuntong hininga na lang si Clark at bumalik na sa pagkakahiga.
"Sige, mahal ko. Matulog ka ng mabuti, hmm?" Sabi ni Clark na kasalukuyang nakaharap sa kaniya.
"Opo, mahal ko. Ikaw din okay?" Pinisil pa ni Mary ang matangos na ilong ni Clark.
"Yes, master." Hinalikan ni Clark ang noo niya kaya napangiti na lamang siya. Bumaba ang halik nito sa kaniyang ilong hanggang sa labi.
"I love you." Clark said huskily.
"I love you too." She said. Clark's pupil became bigger. Nakita niya ang desire at pagmamahal sa mga mata ni Clark. Then out of nowhere, naramdaman na lamang niya ang malalagkit na hawak ni Clark. Napapikit na lang siya at naramdaman ang labi ng asawa.
***
Napabalikwas ng higa si Mary sa naramdamang init. Hindi na niya kaya. Kanina pa siya nagtitiis.
Tumayo siya at nagpunas ng pawis. Tumagaktak ang pawis niya sa buong katawan. Sinuot nito ang kamison niya kahit sobrang init na.
Naisipan niyang gisingin si Clark. Kaso, baka magalit ito kapag ginising pa niya. Saka mukha namang mahimbing ang tulog ng asawa, eh. Lumabas siya ng tent at nakaramdam ng ginahawa nang maramdaman ang sariwang hangin sa kaniyang katawan. Ang kaso, naka-kamison lang ito kaya kitang kita ang panloob niya, pati na din ang hubog ng katawan. Naalala niya ang nangyari kanina. Hindi rin sila nakapagpigil. Para bang miss na miss nila ang isa't isa. Ewan niya ba. Hindi niya talaga matiis ang asawa.
Nag-inat si Mary at nilanghap ang sariwang hangin. Babalik na lang siguro siya sa loob ng tent kapag kuntento na siya.
Sumandal si Mary sa katabing puno. Pinagmamasdan ang madilim na paligid. Sariwang hangin, at mga ibong humuhuni. Ang sarap sa pakiramdam. Napapapikit na lang siya sa sariwang hangin.
"Why are you alone?" Napadilat siya nang magsalita ang isang baritonong boses.
Nanlaki ang mga mata niya. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa di malamang dahilan.
"G-Gabriel?"
To be continued..