Kabanata 2

4 0 0
                                    

"Oh, bakit basa ang buhok mo?" tanong ni mommy ng bumalik ako sa table namin.

"Mommy, kasi po kanina, ay mamaya ko nalang ikukwento. Kuya, pakikuha mo ako nung strawberry na may chocolate."

"Eh naka pila ka na ron kanina ah." Singit ni mommy.

"Eh may mataray kasi na babae, itinapon sa mukha ko yung chocolate kanina." Nagulat si mommy at inilapit ang upuan niya sa akin.

"Kasama ka sa maingay don kanina?" mahinang tanong ni mommy. Tumayo naman si kuya at pumila sa chocolate fountain.

"Po? Hindi po, yung mataray lang ang maingay. Grabe sya my sa mga nag seserve, ang bastos niya." Kwento ko sa mommy.

"Huwag kang papatol sa mga ganon, at bakit ikaw ang tinapunan kung ang servers ang inaaway niya?"

"Eh kasi nga my, di naman sya humihingi ng chocolate, ako humihingi, inuna ako, nagalit sya. The end." Tumango ang mommy at umayos ng upo, dumating naman ang kuya ko at inilapag sa harap ko ang strawberries na naka dipped sa chocolate.

"Thanks kuya." Tumango naman ito at kumuha ng isang strawberry at kinain.

Naagaw ang atensyon namin nang magsalita na ang matandang bride.

"Today marks as our 50th wedding anniversary, thank you for celebrating with us. Cheers for more years!" itinaas ng lahat ang mga flute na hawak at nakisabay sa 'cheers' ng mag-asawang matanda.

Nagsimula na ang pagpapaalam ng mga tao at tumayo na rin sina mommy at daddy.

"Congratulations again, sir." Kinamayan ni daddy ang matandang Alegre.

"Lo, can you ask daddy if we can stay tonight." Singit ng isang—teka apo siya ng mga Alegre? Napatitig siya sa batang lalake na ngayon ay napalingon sa kanya.

"Oh, it's you." Nagtaka ang lahat at napatanong ang matandang bride.

"You know each other?" tanong ng matandang bride.

"Hindi po." "Opo." Sabay naming sagot.

"Nakasalubong ko lang po kanina." Sagot kong muli.

"This is one of my apos, Apollo." Pakilala nito sa apo niya na nakangiti na sa akin ngayon at naglahad pa ng kamay. Tinanggap ko iyon.

"Nina" tipid kong sagot.

"Mauuna na po kami at may klase pa bukas ang mga bata."

"Sayang at may dalawa pa akong mga apo na gusto kong ipakilala, ngunit alam kong may susunod pa naman."

"Have a safe flight." Bilin naman ng matandang groom.

Sa pagod ko ay tinanghali ako ng gising at hapon na lang akong pumasok.

"Nina!" napalingon ako sa pagtawag ni cath sa akin.

"Oh bakit? Papasok na ako sa second subject ko, baka ma-late ako e." mabilis itong naglakad na halos takbo na ang ginawa para makalapit sa akin nang mabilis.

"Nako, hindi naman papasok si Ma'am Cora sa inyo." Nagtatakang nilingon ko siya habang patuloy ang lakad namin patungo sa senior's building.

"E absent ang mga Alegre." Halata ang irita sa tinig nito, huminto kami sa tapat ng mga bench sa ilalim ng mga puno ng Mahogany. Sa gilid ng pathway ay may mga benches na may maliit na mesa na tinatambayan ng mga estudyante habang 'di pa bukas ang mga room.

"Ano naman kung absent ang mga Alegre? Wala namang Alegre sa section namin ah, sa inyo lang at sa ibang year level na ang dalawa."

"Nako dahil adviser namin siya ay malungkot daw siya at hindi man lang siya naimbitahan sa Golden anniv. Tara nalang sa canteen at mag miryenda. Nag announce naman na si Ms. Cora na bukas na siya papasok." Hinila ni Cath ang kaliwang braso ko at tinungo na namin ang canteen at dinatnan si Bless na basang basa ng sauce ng kwek kwek. Mabilis kaming umawat sa isa pang babae na magsasaboy naman sana ng suka kay Bless.

"Teka teka, anong nangyayari?" tanong ko, ang lahat ay nagagalit na dahil nakakaistorbo sa kanila ang kumusyong ito.

"Bless pasawsaw at inubos mo ang sauce!"

"Ang tamis tamis ni Bless, patikim!"

Hinila ko si Bless papunta sa isa sa mga women's washroom na medyo malapit lang sa canteen, pinupunasan naman ni cath ng wet wipes ang brown na buhok ni bless na kahapon niya lang daw pinagawa. At totoo ang kantiyaw ng mga ka-schoolmate namin. Amoy matamis si Bless na parang nalalasahan ko na nga rin. Tinawagan ko ang isa sa mga kaklase namin para makisuyo na makahiram ng P.e uniform, inihatid pa nga sa washroom at naki isyoso nang kaunti bago umalis.

"Salamat Loi, ha. Palitan ko nalang." Saad ni Bless sa kaklase namin na nagpahiram ng P.e uniform.

"Naku tatlo inorder ko, iyo na 'yan. Mauna na ako at may mga costumers pang naghihintay sa akin." Mayaman si Eloisa pero dahil mahilig talaga siya sa business ay maging sa school ay nagpapa-order ito ng kung anu-ano.

"Send me some pic of purses." Habol ko sa kanya na mabilis namang sinagot nito.

"Sending!"

"Oh bakit ka naman pinaliguan ng sauce?" Tanong ko sa mukhang basang sisiw na si Bless na naghihilamos pa lang ng mukha.

"I kissed Clyde last Monday and her girlfriend heard it just now."

"What? You kissed that young Alegre? At bakit naman kwek kwek sauce ang ipinabuhos mo sa iyo? Wala bang mas may class don? " siraulo talaga itong si Cath, magpapapili pa ng sauce e parehong malagkit at kadiri rin naman kapag ibinuhos sa iyo.

"Maligo ka na! at huwag kasing hahalik sa hindi mo jowa! Malandi ka rin e!" itunulak ko ito sa isang cubicle at sinabihan ang tagabantay sa pinto na huwag munang magpapasok. Buti na lang at mabait si ateng na mukhang busy sa ka textmate, dahil isinara ko na ang pinto ng buong washroom ay wala pa rin itong kibo.

"Sure ka bang makakapasok ka sa third subject? Baka mamaya wala ka ng buhok ha. Tigil tigilan mo ngang habul habulin 'yang si Clyde! Ang daming pumipila sa 'yo e." Hinatid namin ni Cath si Bless sa may pinto ng room nito at napapangiti pa kahit sinesermunan ko.

"Siya ang gusto ko at kiss lang naman e damot naman ng girlfriend niya, mag be-break din naman sila." Napa buntong hininga nalang ako sa kalandian ng kaibigan ko.

"Alam mo lagot ka kay Maria kapag narinig ka niya."

"E sasabihin niyo ba? Hindi naman 'di ba?" binatukan ni cath si Bless na nagpatawa sa akin.

"Lukaret! Sasabihin namin kahit hindi niya itanong at kahit ipagbawal mo pa! Tumigil ka ha, kung gusto mo siya, hintayin mong maging single bago mo landiin. Gusto mo bang may lumalandi kay Clyde habang girlfriend ka niya?" satsat ko na inilingan nito.

"Hindi nila magagawa 'yon kasi ingungudngod ko sila kapag ginawa nila 'yon." Haaay, ang kaibigan kong ito talaga.

"Bahala ka na nga male-late na rin kami. Mamaya nalang tayo mag-usap pauwi." Itinulak ko na siya papasok ng room niya at tinungo na namin ni Cat hang kanikaniya naming classroom.

"Nina totoo ba?" napalingon ako sa katabi kong nakikichismis sa akin.

"Anong totoo?" tanong ko habang ibinababa ang bag ko sa gilid na bahagi ng upuan ko.

"Umattend ka sa anniversary ng lolo at lola nina Apollo?"

"Ah 'yon ba? Oo nakadalo nga ako, bakit, Jema?" bigla itong nabuhayan at nakangiting humarap sa akin.

"Invited kayo? Magkaibigan ba ang mga pamilya ninyo? Kailan ang susunod?" sunod sunod ang mga tanong nito.

"Ha? Ah-eh oo invited kami, hindi naman magkaibigan, sa negosyo lang, magkakilala yata. Hindi ko lang alam kung may kasunod pa." Inisa-isa ko nmang sinagot ang mga tanong ni Jema.

"Ay ganon ba? E h kasi ano...secret lang natin Nina ha, crush ko kasi si Apollo. Kapag may susunod pa, isama mo naman ako. Hindi ako mangunglit, titingnan ko lang siya." Napakunot noo ako sa kaklase ko na hindi ko naman dating ka-close.

"Ah osige, sasabihan kita sa susunod, kung meron man."

Alam ko kasing iyon na ang huli dahil may susunod pa ba sa Golden anniv? Matatanda na sila at madalang lang na maimbitahan ng mga Alegre, lalo na at wala naman sa kalahati ng yaman nila ang meron ang mga magulang ko, nagkataon lang na sinwerte ang daddy at nakapalagayan ng loob ang lolo ni Apollo. Ni hindi ko nga alam na kaedaran ko pala iyon at ka schoolmate ko pa. Kung may susunod man ay hindi ako dadalo, hindi maganda ang una namin pagkikita e. Nakakahiya kaya.

BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon