December 18, 2014
"Nina bilisan mo naman ang kilos mo male-late na tayo! Sasama ka pa ba?" sigaw ni mommy habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
"Inaantok pa ako my, anong oras pa lang oh!" sagot ko at hinila ang comforter para makatulog pang muli.
"It's 4:00 am already! Mag ko-commute pa papuntang Pampanga at 2 hours ang flight! Baka ma-late tayo sa kasal!" narinig ko ang pagpihit ng doorknob ng aking pinto, ginamit siguro ng mommy ang master's key. Naramdaman ko ang pagbukas ng ilaw at paghila sa comforter ko.
"10 minutes! Gumayak ka na o iiwan ka nalang namin. Naka ready na ang lahat!" tumayo na ako at naghilamos, nagbihis ng simpleng white short sleeved Hawaiian dress na hanggang ilalim ng tuhod ang haba. Inaantok pa ako nang damputin ko ang cream chanel sling bag ko na katerno ng one inch block heels ko.
"Arleni Christina! Ano na!? Hindi ikaw ang ikakasal!" kahit nasa sala ay dinig sa kuwarto ko ang boses ni mommy.
"Pababa na po my!"
"Yung regalo mo, baka nakalimutan mo?" Hinahanap pa ni mommy nasaan ang regalo ko para sa matandang mag asawa na mag se-celbrate ngayon ng 50th wedding anniversary, oo, golden anniversary. Nakakabilib ang mga taong nahahanap ang kaperaha nila, nagtatagal bilang magkasintahan at kalaunan nagpapakasal. Ngunit mas kamangha-mangha ang mga ganitong umaabot ng mahigit na 25 na taon bilang mag-asawa. Paano? I mean they say, it's hard to fall in love. But I think it's even harder to stay in love. How did these people keep the fire burning? How did they keep each other for fifty years? I think it's magic. Love is a magic.
"Congratulations Mr. and Mrs. Alegre!" bati ng daddy sa mag-asawa na ikinasal muli sa ikatlong pagkakataon sa isang napakagandang simbahan sa Cebu. Para akong nasa nakaraan, ang mga muwebles ng simbahan ay kamangha-mangha, paanong napanatili nila ang ganitong kaganda at katandang simbahan?
Nagulat ako ng marahang hinila ng daddy ang kaliwang braso ko.
"This is my youngest child, and my unica hija." Daddy, wag mo na pong ipagmalaki na may babae kang anak, anong pakealam ng matatanda na iyan sa akin? Ngumiti ako ng tipid at iniabot ang regalo ko na sa tingin ko ay mali, mamaya pa pala iyon sa reception ibibigay, pero bhala na. hehe.
"Congratulations po, this is my first time seeing a marriage that last this long." Nahihiya akong ngumiti, nginitian ako pabalik ng atandang babae, na siyang tumanggap ng regalo na dala ko. Bakas sa mukha nito ang pagka elegante, bakas na noong kabataan nito ay maganda ito.
"Thank you darling, love keeps marriage' bond grow strong hija, by the way, how young are you?" natuwa ako sa sagot niya kaya naman excited akong sumagot.
"Fourteen po."
"Naku kasing edad mo ang isa sa mga apo ko. Tiyak na magkakasundo kayo ni Apollo." Nalilitong tiningnan ko ang daddy na tumango lamang sa akin.
"Let's meet and talk again on the reception later hija. I like you." Hinaplos pa nito ang kanang pisngi ko. Natuwa naman ako at tumango.
"Thank you po."
"Congratulations po, sa reception na lamang tayo mag-usap." Saad ng daddy sa matandang llake na tumango naman, nagkamayan sila at lumayo na kami dahil marami pa ang nais bumati sa mag-asawa.
"Daddy, how are we related to them, po?" luminga si daddy at inalalayan akong sumakay sa isa sa mga van na sasakyan ng mga imbitado sa kasal patungo sa reception.
"Mr. Antonino Alegre, the old man, is the one who introduce the trucking business to us. He is a good friend to my father and to me." tumango ako bago isara ng daddy ang pinto ng van.
"Where is your gift Nina?" tanong ni mommy nang pababa na kami ng van.
"I already gave it to the bride po."
"What? At the church?"
"Opo, I thought I should give it there. Late na nang marealize ko po na ako lang ang nag-abot ng regalo sa simbahan." Hinanap ni daddy ang table naming at inalalayan kami patungo roon.
"It's okay anak, at least she personally have it. Umupo ka muna riyan at makikihalubilo ako sa mga kakilala ko ha." Iniwan ako sa table na iyon ng mommy, isinama naman ng daddy ang kuya para raw ipakilala sa mga Alegre. Tumayo ako at pumila sa mga kaedaran kong nakapila sa chocolate fountain.
"Girl, my daddy said there are three Alegre grandsons, I can't wait to meet them and ask one of them to be my boyfriend." Naghaahgikgikan naman ang dalawa nitong kasama.
'Ano kamo? Girlfriend e ka-edran lang kita, ang kire rin nito e, nieregla ka na ba ineng?' Gusto kong itanong yan pero pinigilan ko ang sarili ko, nang lingunin ang ng babaeng iyon ay ngumiti ako nang tipi pero nakatanggap ako ng putting mata, oo puro puti. Natawa ako kaya maging ang dalawang baabeng kasam anito ay inirapan din ako. 'Childish'
"Ano pong gusto ninyo mga binibini?" tanong ng serbedora. Pumili ang dalawang kasama noong babaeng mataray. Inilapit naman noong babaeng mataray ang mukha niya sa serbedora.
"Nanjaan po ba ang mga apo ni Mr. Antonino Alegre?" nagtatakang natapatitig ang serbedora, ilang Segundo ay sumagot din ito.
"Ay opo ma'am, kasama po sila sa mga abay, hindi po ba kayo nakadalo sa kasal kanina?" mahinahon ang pagtatanong ng serbedora, tinarayan pa rin ito ng babaeng sa tingin niya ay mayaman ngunit kulang sa kagandahang asal.
"Itatanong ko ba kung nakadalo ako? Si daddy kasi ang kupad kaya ayan na late kami, asan ba sila?" 'wla talagang galang' tumukhin ako ngunit inirapan lang ulit ako. Bahala ka nga jan. lumapit ako nang kaunti sa serbedora at ngumiti.
"Pahingi po ako ng strawberry dipped in chocolate po." Tinitigan ako ng mataray na babae nang makita niyang ikinuha na ako ng serbedora ng hinihiling ko.
"Ang bastos mo miss, nakita mong nag-uusap pa kami e!" 'ay hala bakit ka sumisigaw?'
"Sorry ang tagal mo kasi e, nagugutom na ako." Nakangiti kong tinanggap ang ibinibigay ng serbedora. Pagkatanggap ko noon ay kinuha ng mataray na bababe at itinapon sa mukha ko ang chocolate na may iilang strawberries. 'SAYANG!'
"Ay ma'am ayos ka lang ba?" tanong mga nagseserve doon na malapit sa amin. Tumango ako at pinunasan ang mga mata ko para makamulat.
"Opo, saan po ang banyo?" itinuro naman sa akin ang papuntang banyo. Hindi ko na pinansin ang sumisigaw na babae dahil ang lagkit sa mukha ng chocolate. Kinain ko ang isang strawberry na nasalo ko, saying talaga at ang sarap no'n.
Pagpasok ko sa banyo ay sa sink ako tumapat at doon nag hugas ng mukha, nicheck ko ang damit ko at buti nalang at hindi ito nadumihan. Nga lang ang buhok ko ay nalagkitan! Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang lagkit ng buhok ko at hinugasan iyong muli, sayang ang pagplantsa ko sa buhok ko, tiyak na pagtuyo nito ay wavy nanaman ito. Pagkatapos kong masiyahan sa paglilinis ng buhok at mukha ay nagpasya akong umihi. Pagtulak ko sa pinto ay siyang pagtili ng nasa loob nito, at bakit lalake ang tumitili?? Sa gulat ko ay napatili rin ako, napakurap ako ng ilang beses, napakapit siya sa zipper at sinturon ng pantalon niya at napatingin ako doon sabay balik sa mukha niya ang tingin ko at muling napatili.
"Get out!" sigaw niya.
"Ha-ha? Ah oo, te-teka, oo." Nalilito akong lumabas. Huminga ng ilang beses at hinintay siyang makalabas para humingi ng pasensya.
Nagulat pa ito nang makita ako na naghihintay sa labas ng men's washroom.
"Oh, bakit nandito ka pa?" gulat na tanong nito.
"Ano, ah sorry ha. Diko kasi napansin na men's washroom pala ito." Itinuro ko pa ang sign na nasa babasaging pinto.
"Hmm, imposible na hindi mo nakita 'yan kanina." Simpleng sagot nito.
"Ano kasi, natapunan ako ng chocolate sa mukha kaya nagmamadali ako kanina, anyway, sorry. Mauna na ako, baka hinahanap na ako.Sorry ulit."