December 20, 2014
"Ano na!? aba alas tres ang usapan mag-aalas kuwatro na!" sigaw ang bungad sa aking tainga nang sagutin ko ang tawag ni Cath.
"Nasiraan ako sa may paliko sa patubig." Sagot ko na nagpahinahon sa kaniya.
"Hala, sinong gagawa e mag-isa ka, anong nasira?" tanong nito.
"Diko nga alam umusok yung nguso ng owner ko. Tumawag ako kay mang Selso at wala raw siya sa mansyon. Inutusan ni Daddy." Malungkot kong sagot, sinubukan kong parahin ang paparating na isa pang owner type jeep ngunit kumaliwa ito halatang ang tungo ay palabas na ng National park (Tree house)
"Mag aabang ako ng mga sasakyang patungo ng dam." Saad ko bago pinatay ang tawag ni cath. Nagtext naman ito na tumawag sa manggagawa nila.
Mayroong paparating na isa pang black owner type jeep na hindi ko na pinara dahil nagtext si cath na paparating na ang gagawa ngunit huminto pa rin ito. Nakilala kong ang driver ay si Fervs Alegre at sakay nito ang dalawang kapatid at maging ang pinsan na si Ares.
"Anong nangyari?" tanong nito habang tinitingnan ang sasakyan ko na halos malaglag na sa patubig.
"Umusok nalang bigla e." sagot ko na tinanguan niya.
"May papunta nabang gagawa?" tanong ulit nito na tinanguan ko.
"Oo, papunta na."
"Sa dam ba ang punta mo?" tanong ulit nito.
"Oo, saan ba ang tungo niyo?" tanong ko at napansing nakamasid si Apollo sa akin, si Clyde naman ay abala sa cellphone nito at si Ares naman ay kumaway lang sa akin na tinanguan ko lang.
"Sa dam rin, sumakay kana at baka gabihin ka riyan, bakit wala kang driver?" inalis ni Ares ang cooler sa tabi ni Apollo at inilahad iyon para upuan ko. Naglahad naman ng kamay si Apollo na tinanggap ko, medyo nailang lang ako nang mapalapit ang mukha sa mukha nito nang hilahin niya ako paakyat.
"Kaya ko naman nang magdrive, tsaka walang libre sa mga driver, Linggo kasi, nasa planta sila." Sagot ko sa naiwang tanong ni fervs.
"Sa trucking business kayo diba? Bakit wala kang driver?" Tanong ni Ares habang inaayos ang mga beer sa cooler.
"Ah iba ang personal drivers namin sa mga drivers sa kompanya. Si kuya kasi pansamantalang kinuha ang mga drivers namin habang wala pa siyang natatanggap. Nagsisimula pa lang kasi ang planta ni kuya." Tumango ito at nagkunot muli ng noo.
"Ano ba ang business ninyo at dika makakuha sa mga truck drivers niyo kahit isa lang?" tanong muli nito at inabutan ako ng yogurt na tinanggap ko naman.
"Ah sa cargo kasi sila, shipping, ganon. Nagdi-deliver kaya may mga sched sila tapos hindi naman pwedeng kumuha nalang sa kanila bigla kasi may contract silang sinusunod." Tumangu-tango ito at nginitian ko nalang. Malapit na kami sa dam kaya naman nag handa na ang mga kaibigan nila sa pagkuha ng mga gamit mula sa owner. Tumalon pababa si Apollo at naglahad ng kamay, tinanggap ko, tumalon nalang din ako dahil mukhang may balak pa siyang buhatin ako at nakakahiya.
"Salamat sa inyo. You can visit our hut." Saad ko at tinuro ang mga kaibigan kong kumakaway sa akin.
"No prob. Sige punta kami, ano ba miryenda don?" napangiti ako sa sagot ni Fervs, sa kanilang lahat ito talaga ang pinaka friendly- este babaero pala.
"Barbeque lang e tsaka chips, may alak pero lady's drink lang. Pero marami naman 'yon. Punta kayo ah? Mauna na ako, thanks for the ride." Kumaway naman sila sa akin habang papunta ako sa kubo na madalas naming rentahan. Dalawang kubo lang ang layo sa kubo ng mga Alegre.