Chapter 8

129 19 3
                                    

Nang makarating sa parking lot ng condo ko ay agad nyang pinutol ang katahimikan.

"Nagka usap na pala kayo?" Pagtatanong nya sa akin. Mas kalmado na sya ngayon. "Ha?" Tanging sagot ko sa kanya. "Hakdog." Sagot nya at halatang bumalik sa boses ang pagka irita. "Sorry ha. Andami ko kasing nakausap kanina kaya diko alam kung sino ba sa kanila ang tinutukoy mo." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga naman sya ng marealize na may punto ang sinasabi ko. "Ni Collin." Sa wakas ay nasabi nya rin. Sa pagkakaalam ko ay sa dressing room kami nag kausap. Hindi ko alam na nakita nya. Pero pano? Napadaan? "Oo. Kinamusta nya lang ako." Sagot ko ulit sa kanya. Pero bakit sa tono ng boses ko e nagpapaliwanag akong yun lang ang ginawa namin.

"Bakit.." panimula nya ulit. Bakit? "Parang ang dali mo syang napatawad?" Pagtatanong nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Pero ako.." pagdudugtong nya. "Ah, nevermind. Good night, May." Sabi nya. Hindi nya na ako balak pagbuksan ng pinto kaya agad na rin akong bumaba sa sasakyan nya at naglakad papasok sa condo.

Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan ng unit ko. Wala akong inaasahang bisita ngayong araw pero agad ko pa ring binuksan yon. It's him. It was Donny. Napatingin ako sa kanya na parang nagtatanong pero imbis na magsalita ay agad nya akong niyakap. "May, please.." pag-uumpisa nya at alam kong paiyak na sya dahil sa pagka crack ng boses nya. "Pansinin mo na ako. Hindi ko na kayang hindi ka kausapin." Pagpapatuloy nya at tuluyan na nga syang humikbi. Agad ko naman syang niyakap pabalik nung mga oras na yon. Kung alam ko lang na mas lalong magiging masaklap ang mangyayari  sa aming dalawa ay pinigilan ko na lang ang sarili ko noon.

Nang makarating sa loob ng unit ko ay napaupo ako at napahawak sa ulo. Sobrang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko naman alam na magtatanong sya sa akin ng ganon. Bakit hindi nya kayang pigilan ang sarili nya? Bakit ganoon pa rin sya? Sobrang vocal na tao.

Nang magawa ko ang mga dapat kong gawin ng gabing yon ay agad na rin akong dinapuan ng antok.

It's already Friday morning, 6 am. Kagaya kung paano ako naghanda kahapon ay ganon lang din ang ginawa kong paghahanda ngayon para sa rehearsal namin.

Kagaya rin kahapon ay sinundo pa rin ako ni Donny. Wala pa ring umiimik sa aming dalawa. Wala naman akong balak maunang magsalita kaya pinili ko na lang din manahimik hanggang makarating kami sa studio.

Kung paano kami kahapon nagpunta papasok sa studio ay ganon rin kami ngayon. Inaalalayan nya ulit ako pero walang nagsasalita sa aming dalawa.

Ang gagawin naming practice ngayon ay yung opening prod namin. Sa tingin kasi namin ay ayos na ang pag kanta namin, kailangan na lang talaga ng eye contact para mas maramdaman kami ng mga taong manonood.

Ang sasayawin namin ay Ever After, isang masiglang kanta pero pareho kaming dalawa na walang gana kung sumayaw.

"Dale, Donny! Energy naman." Pag sita sa amin ni Kuya Mike, isa sa staff na nag-aassist sa amin dito. Nakaramdam naman ako ng hiya bigla ng pagtinginan kami ng mga kapwa namin artista kaya nahihiya akong ngumiti sa kanila.

Nairaos naman naming dalawa ang practice pero wala pa rin talagang pansinan ang nangyayari. Magkakatinginan lang kaming dalawa pero wala ng sumunod doon. Akala ko ay mas ayos na hindi magpansinan pero mas lalo pa non pina aakward ang sitwasyon.

Nang sumapit ang tamang oras para umuwi ay lumapit ako kaagad sa kanya para magsalita.

"Donny." Pagtawag ko sa kanya kaya agad nya naman akong nilingon. "Hindi na muna ako sasabay sayo." Sabi ko't iniintay na pigilan nya ako pero bigo ako. "Sige." Tanging sagot nya atsaka kinuha ang mga gamit nya at nag-umpisa ng umalis.

Mayroong parte sa akin, mali. Buong parte ko ay umaasang pipigilan nya ako pero hindi ayon ang nangyari. Paano ako uuwi? Magbobook pa tuloy ako ng grab.

Habang naglalakad papalabas ay may biglang nagsalita sa tabi ko. "Hey." Sabi nya. Alam kong artista sya pero hindi sya gaanong kapamilyar sa akin. Siguro'y bago pa lang sya sa industriyang ito. "A-ah, Hello!" Masigla pero nahihiya kong bati.  "May dala kang sasakyan?" Pagtatanong nya habang kasabay ko pa rin syang naglalakad palabas. "Wala e." Sagot ko at umiwas sa kanya ng tingin. "Sabay ka na sa akin." Nakangiting sabi nya pa rin. Wala namang mangyayari kung sasabay ako sa kanya diba? Pero hindi. Nakakahiya. "Ay nako! Hindi na." Sabi ko sa kanya habang winewave ang dalawang kamay ko. Palatandaan na ayaw ko. "Hahaha sige na Dale!" Pagkumbinsi nya sa akin. Hindi ko alam, pero.. Nung tinawag nya ako sa pangalan ko ay awtomatiko akong napangiti at napatango na lang sa kanya. Kaya eto ako ngayon, sasabay sa taong hindi ko pa naman gaanong kakilala.

Sinabi ko lang sa kanya kung saan ang condo ko. Nakakatuwa na malapit lang din pala sya ron kaya hindi na hassle sa kanya kung ihahatid nya pa ako.

"By the way, I'm Eros." Pagpapakilala nya sa akin dahilan naman para mapatingin ako sa kanya. "Saan ka nag audition?" Pagtatanong ko sa kanya kaya sya naman ang ngumiti ngayon. "Na discover lang ako sa series nila Donny noon." Nakangiting sabi nya. Noong marinig ko naman ang pangalan ni Donny ay agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at tumingin na lang muli sa bintana. "Alam mo ba.." panimula nya uli. "Crush kita." Direktang saad nya kaya gulat akong napatingin sa kanya. Sa daan sya nakatingin pero nakangiti pa rin sya hanggang ngayon. Argh! Bakit ang gwapo nito? "Hala! Thank you hehe" sagot ko.  Hindi ko kasi alam kung anong dapat sabihin sa kanya. "Hindi mo ba itatanong kung bakit?" Sabi nya ulit at nakatingin sa akin. Dapat ko pa bang alamin? "Sige. Bakit?" Pagtatanong ko. "There is something kasi sayo na hindi mahirap magustuhan. Actually lahat ng katangian mo ay kagusto gusto." Agad na sagot nya naman sa akin. "You're so cheerful. Lahat ng nakikita ko sa paligid mo ay sobrang saya." Sabi nya ulit. "Kung papipiliin nga ako kung sino ang gusto kong maging ka-pair ay ikaw ang pipiliin ko. Pakiramdam ko kasi sobrang dami kong matututunan sayo." Sabi nya sa akin at tumingin ulit ngunit binalik nya rin kaagad ang kanyang tingin sa daan. "Pero He requested na ikaw ang maging ka loveteam nya ngayon." Sabi nya dahilan para magulat ako. I am listening carefully sa mga sinasabi nyang dahilan kung bakit naging crush nya ako pero mas napukaw ang atensyon ko ng sabihin nya na nirequest ni Donny na ako ang i-pair sa kanya ngayon.

"He did that?" Pagtatanong ko kaya napangiti sya sa akin ng mas malawak. "Kung ako nga gusto kong ma ilove team sayo paniguradong ganon din sya. Iba ka kasi Dale. Iba ka sa lahat." Sagot nya ulit.

Sa buong byahe naman ay yun na ang huli naming usapan. Hindi ko na sya sinagot dahil wala ng lumalabas na salita sa bibig ko. Lahat ng gusto kong itanong ay hindi para sa lalaking kasama ko ngayon kundi para sa lalaking tinutukoy nya.

Bakit pa? Para saan?

 Maybe This TimeWhere stories live. Discover now